Dedicated to Ateh Hunnydew.. Hello hello atehh.. Since bumabagay sa chapter ng SaiLem ngayon, itatapat ko rin.. Hehe.. LabU ateh.. :D
Happy reading everyone
-----
"Babe?"
Nabigla talaga ako kong bakit nandidito siya. Alam ko naman na magkikita at magkikita kame pero hindi ko naman inaasahan na ngayon na dapat.
Pwede namang bukas.
Pwede namang bukas makalawa.
Pwede din kahit na sa graduation na ni Mae.
Pero bakit ngayon? Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig at bigla akong nanlamig.
Alam ko namang meron parin siyang puwang sa puso ko. Hindi ko naman kinakaila 'yon, pero siguro kaya hindi ko siya maalis-alis sa sistema ko dahil na'rin siya ang una kong minahal at walang closure 'yong relationship namin noon.
Siguro nga kelangan na'rin namin na tapusin kung anuman 'yong nangyare dati. Para hindi na nagroroam 'yong alaala ng nakalipas 'pag nagkikita o magkikita kame..
Para walang awkwardness and stuff. Masaya kapag madame kang kaibigan and less enemies. Hindi ba? At tsaka hindi ko rin naman siya maiiwasan forever. Isa nalang na dahilan is because "MY" parents and "HIS" parents are business partners and especially, highschool batchmates. Ayoko naman na mag-iba ang pakikitungo nila sa'kin dahil wala na kame ng anak nila.
Gusto ko, kong ano 'yong dati, sana walang magbago.
Pero syempre, may magbabago talaga kahit ayaw ko. Isa nalang talaga 'yong "kame" na naging "ka" at "me" nalang. Hiwalay na. Mahirap ng pagdugtungin ulit. Pero hindi naman ako nagsasabi ng patapos, dahil hindi ko din naman alam kong anong laro ang pwedeng laruin sa'min ng tadhana.
"Ate, pasok muna kami ha. Sunod nalang kayo ni Kuya." Sabi ng kapatid ko. Nakita ko namang hinawakan ni Mico ang kapatid sa balikat.
Naglakad siya papalapit sa'kin pero hindi talaga ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya na parang tanga.
"B... --- Kaye! How are you?" Bigla niyang tanong nang makalapit siya sa kinatatayuan ko.
"Hi! I-I'm fine. Great actually." Sabi ko sa kanya na medyo nabubulol-bulol pa.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya sa'kin. Bigla akong natauhan at pinilit na lumakad papunta sa may upuan. Sumunod naman siya sa'kin.
"Awhile ago. Malapit na'rin kasi graduation ni Mae kaya umuwi ako. Ayoko namang palampasin 'yon dahil best day of her life 'yon." Mahaba kong sabi na nakatungo lang sa mga kamay ko.
"Ikaw, kumusta ka naman?" Tanong ko
"Ito, ganito pa'rin. Namiss kita. Sobra." Bigla niyang sabi na nagpalingon sa'kin sa kanya na pinagsisihan ko din naman dahil nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang nangungusap na 'Sana tayo pa'rin.' Pero mali lang siguro ako ng pagkakaintindi.
Dahil bakit naman niya sasabihin o iisipin ang ganoon kung wala na talaga 'di ba? Wala na kami, 5 years ago pa. At alam ko naman na my naging girlfriends na'to eh.
Actually, 'yong isa pa nga ina-add ako sa fb, hindi ko naman siya kilala pero my 1 mutual friend kami, and that was him, kaya hindi ko inaccept, kaya nagmessage nalang na tantanan ko na daw ang bf niya dahil kung hindi sisiraan daw niya ako.
'Yong isa naman na friend ng friend ko, na naging gf niya, nagpost ng picture nilang dalawa, with a caption 'Manigas ka K-d-X. You dont know what you're missing. You let go of him, then suffer for the consequences! Bi+ch!! ..l.. '
BINABASA MO ANG
I Want You Back
RomanceTaong minahal mo ng buo, binigay lahat ang gusto pero ang kapalit nito ay siyang pagwasak ng mundo mo. Makakaya mo pa bang tanggapin ulit ang taong nagwasak at nakasakit sa'yo? Magagawa mo rin kayang pasakitan siya para makaganti ka? At higit sa lah...