Smirk From Daniel ;)

4.5K 109 28
                                    

So yeah, nag decide ako na ang chapter names ng story na to (Suddenly it's Magic) ay yung mga fanbases ni Daniel Padilla. Since naging fan kasi ako ni Daniel, ang Smirk talaga yung una kong nafollow kaya yun. Dedicated tong chapter nato sa fanpage ni Daniel Padilla na @SmirkForDaniel! Hi pala sa owner, @blessiebananaxx :D

---------

(Recess Time)

-Kathryn-

♪ Sa isang sulyap mo, ay nabihag ako, para bang iba na ang lahat ng ito... Sa isang sulyap mo, ay nabihag ako♪

"Napaibig ako nga kasi yan Kath! Ayan ka nanaman eh!"

"Uy, Julia! Sorry, di ako makapagconcentrate eh. Nag-aaral ako habang kumakanta. Haha."

" O sya, sige. Halika na nga at mahaba pa ang pila sa canteen."

(At the Canteen)

Canteen na naman. Paboritong lugar ni Julia to. Dito lang kasi niya palaging nakikita si Daniel eh. Teka..... Asan na kaya siya?

"Himala, bat wala yun dito?" Tanong ni Juls.

Tumahimik lang ako pero, oo nga. Asan na yun?

"AAAAAAAAAAAH! Ayan na siya Kath!" sumigaw na naman tong si Julia.

"Oy! Napa-praning ka na naman jan! Wag ka nga!"

"Ayun sya oh, may hawak na cellphone! OMG!"

"Tumahimik ka nga kasi jan!"

♪ I wanna make you smile, whenever you're sad. ♪

Cellphone ko. Teka, Sino to?

Unknown number na naman.

"Hi! Now @ the canteen."

sabi ng text.

Sino kaya tong mokong nato? Nevermind na nga lang. Ma-bad vibes pako dito eh.

*krrrrriiiing* Bell rings.

"Halika na Julia! At baka matunaw nayan si Daniel sa mga titig mo!"

"Oo nga pala! Math yung susunod na subject! Takbooo!" nagmamadali si Julia.

*Habang tumatakbo kami*

"Aray!" Ang sakit nito ah! Anak ng! (Tumingin ako sa lalakeng nakabangga sa akin) "Anak ng meant to be nga naman, oo!"

Si Daniel. Ugh. Ano? Sapakin ko na ba tong mokong nato? Anong gagawin ko?

Sasapakin ko na talaga SANA. Nang biglang.

"You're Kathryn Chandria Bernardo, right?" at talagang tumaas pa ang kilay niya. Teka, ba't nya ko kilala?

"Sorry ah, Sige mauna na kami!" nanginginig na sabi ni Julia kay Daniel. At kinaladakad pa talaga ako ni Julia. So ayon, pinagtawanan ako ni Daniel at ng barkada niya. Binitiwan ko si Julia at tumingin ako sa kanya na parang si Hulk na talaga ako sa galit.

"Hoy Kath! Ano ba?" sinubukan niya akong habulin pero huli na, kinausap ko na si Daniel.

"Hoy ikaw! Ang angas mo ah! Akala mo kung sino kang lalaki ka!"

He smirked at me. Na parang gusto ko na syang lamunin sa galit ko. At biglang tinalikuran nya ko. For the win tong lalaking to ah! Kung makaasta!

"Hoy! Bastos ka ah! Kinakausap kita, ano ba?"

"Kilala mo ba ako ha?" tanong niya sakin.

"Bakit? Ikaw lang naman si DANIEL JOHN FORD PADILLA na ang sama-sama ng ugali diba? Ang napaka supladong lalake na napaka feeling gwapo pa! Oh ano? Totoo naman diba?" sagot ko.

"Hindi mo nga ko kilala." sagot niya.

Ano? Ano kayang ibig sabihin nya? Tinignan ko siya ng blangkong-blangko. He smirked again at hinawakan nyang balikat ko. Nang bigla kong narining na tumatakbo si Julia tungo sa amin and I heard her saying "OMG!"

At pinagpatuloy ni Josh. "Ako lang naman ang Campus crush at heartthrob ng ADMU!"

"So? Anong care ko?" nagtataray na naman ako. "Sa ugali mong yan! Sino magkakagusto sayo ha?"

"Hi Daniel! Papicture naman ako oh? Pang DP lang sa twitter!" Sabi nitong babae. Jusko, landi nito ah. "Ay excuse me? Can you hold the camera?" Tanong niya sakin. SA AKIN! Wala akong choice. Alangan naman tanggihan ko.

"Thank you!" sabi nung babae sa akin.

"O, ano?" tanong ng mayabang na si Daniel.

"Ewan ko sayo!" sagot ko.

He smirked again.

"Halika na nga kath!" at talagang ngumiti patong si Julia kay Daniel.

Pasimula na sana kaming maglakad nang biglang.......

"Kath!" sigaw ni Daniel. He smirked at me, AGAIN. And winked.

"Halika na krish! Late na tayo!" nagmamadaling sinabi ni Julia.

--

TO BE CONTINUED.


Sana po magustuhan nyo. Vote, comment & become a fan! Salamat po :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly it's Magic ♡Where stories live. Discover now