Martin’s POV
Sam. Sam pala ang bago nyang pangalan. Ang butler ni Kaye ang tinutukoy ko. Kasama ko sya sa trabaho dati kay boss J. Ang tunay niyang pangalan ay Harold. Pero bigla na lang syang nawala sa hindi ko malamang dahilan. Kapatid ang turingan namin dati pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang syang tumingin sa akin.
Kkkkkrrrriiinnngg.
“Kamusta na si Kaye?”
“Napapalapit na po sya sa akin boss. Nakita ko nga po pala si----“
Sasabihin ko pa sana kay boss na nakita ko si Harold. Pero ayaw kong sirain ang maganda nyang mood kaya wag na lang.
“Sino iho?”
“Wala po pala.”
“Oh, sya tatawagan kita ulit. Pagbutihin mo.”
Ngayon lalabas ang kapatid ko sa ospital. Buti na lang tagumpay ang heart transplant nya. Si Mariz ang kapatid kong yon. Wala syang kinilalang magulang kundi ako. Kami lang dalawa sa mundong ito. Mahal na mahal ko sya na kahit sino man ay walang pwedeng makapanakit sa kanya.
“Kuya!!!” Sigaw sa akin ni Mariz. Halatang masayang masaya siya. Triple nun ang nararamdaman ko.
“Dahil magaling ka na, gusto mo bang kumain sa Jollibee?” Ako
“Oo. Yehey!!!!!”
Makita ko lang na nakangiti ang kapatid kong ito ay masaya na ako. Kung saan saan ko pa sya ipinasyal. Kasama na dito ang lugar kung saan ko unang nakita si Kaye. Ang park.
“Kuya, bakit ka tulala”
“Wala naman. May iniisip lang ang kuya mo.”
“ano?”
“Wala nga. Kumain ka na muna.”
“Ano muna ang iniisip mo.”
“Iniisip ko kung paano ka titigil sa pangungulit sa akin.”
Hay. Parang nabigyan kami ng panibagong buhay ng madugtungan ang buhay ni Mariz. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang kulit kulit parin. Tapos biglang may nagtext sa akin.
From: 09065542***
Magkita tayo sa Blazing Palace Bar. 7pm.
Sino naman ito? Blazing Palace… Dun kami madalas tumambay kasama ang mga kabarkada ko at syempre hindi mawawala doon si Harold. Posible kayang si Harold ito?
7pm. Blazing Palace Bar.
Umupo ako agad sa counter para umorder ng isang vodka. Hindi parin nagbabago ang lugar na ito, gaya parin ng dati. Nararamdaman at naririnig ko parin ang halakhakan naming noon habang nag iinuman.
Flashback
“Alam mo, kung hindi lang talaga mataas magpasweldo yung hotel na pinagtatrabahuha ko, matagal ko ng sinunog yun eh.” Marco
“Sabi ko naman sa inyo, sumama kayo sa amin ni Martin sa trabaho namin.” Harold
“Darating tayo jan Harold.” Blake
Isang masayang inuman noon, ng biglang may lumapit na apat na lalaki sa table namin at sinaksak si Marco at Blake. Muntik na din si Harold pero naunahan ko kaagad ng putok ng baril ang mga lalaki. Doon nagwakas ang barkadahan namin. Biglang nawala si Harold pagkatapos ng isang buwan.
End of flashback
“Martin.”
Pamilyar na boses at pamilyar na amoy. Nasa likod ko sya pro hindi ako humarap.
“Sabin na nga ba’t ikaw yan Harold.” Pagkasabi ko nun ay umupo sya sa tabi ko. Hindi kami nagtitinginan. Umordr na din sya ng isang vodka.
“Layuan mo si Kaye. Alam kong inutusan ka ni Boss J.” Harold
“Wag mo syang sasaktan. Subukan mo syang saktan ay malalagot ka sa akin.” Ako
Tahimik lang sya na waring nag-iisip. Minahal ko na si Kaye. Ni hindi ko nga alam kung paano ko malulusutan si Boss J. Alam kong di ako mapapatawad ni Kaye kapag nalaman nya ang totoo.
“Gaya mo ay napag-utusan lang din ako nakidnapin sya.” Harold
“Ano!!!!” Galit na galit ako. Akala ko’y nagbago na sya.
“Tama ang narinig mo.” Harold
“Makakalaban mo ako Harold.”
“Hindi na ako si Harold.”
“Wala akong pakealam kung ano man ang maging pangalan mo!”
Pagkatapos nun ay umalis na sya. Gusto ko protektahan si Kaye. Pero paano? Kung pati sa akin ay hindi siya ligtas?
More Votes guys. :’) Pasensya na sa mga errors. Icomment nyo lang.
^_^ Kirapot