Chapter One

25.1K 299 25
                                    


TRIXIE Rances: I'd give up everything just to be with you right now, Ric. Damn this show, it's taking too long. Gusto na talaga kitang makita. Ikaw, ano'ng una mong gagawin kapag nagkita na tayo?

Alaric smiled affectionately. Kung siya lang ang papipiliin, hindi na siya maghihintay nang dalawa pang araw bago makita si Trixie-ang kanyang fiancée. He would fly straight to Milan, steal her from everyone there and just kiss her, finally. Pero nagawa niyang maghintay nang halos dalawang taon, bakit hindi ang dalawang araw pa?

Ilang sandali niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang maamong mukha ni Trixie bago siya nag-type sa kanyang laptop.

Alaric Montero: I'd kiss you 'til you're senseless. The rest would be a surprise.

Trixie Rances: Tease!

Natawa si Alaric bago siya nagpaalam na muna sa kanyang fiancée nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto ng kanyang kuwarto. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at pumasok ang nag-iisa niyang kapatid na si Caleb na ilang minuto lang ang tanda sa kanya. May hawak itong dalawang wineglass at isang bote ng alak.

"I don't like her," kaagad na sinabi ni Caleb pagkaupo sa couch sa tapat ng kanyang kama. Amused siyang ngumiti. Alam niyang kanina pa ito maraming gustong sabihin sa kanya mula nang salubungin siya sa airport limang oras na ang nakararaan. Sadyang hindi lang ito makahanap ng buwelo dahil kasama pa nila kanina ang misis nitong si Gianna.

Nagkataon pa na sa gabing iyon, ang kakambal ang nakatokang magpatulog sa nag-iisa at dalawang taong gulang niyang pamangkin na si Isabella kaya ngayon lang ito nakasunod sa kanya sa guestroom.

Inalok siya ni Caleb na doon muna pansamantala sa bahay nito tumira habang hindi pa natatapos ang ipinapagawa niyang bahay na hindi naman niya tinanggihan. Halos tatlong taon ding nagtrabaho si Alaric bilang pediatrician sa isang malaking ospital sa Spain bago siya nag-resign at bumalik sa Pilipinas. Nagsasawa na rin kasi siyang mamuhay mag-isa kaya habang hindi pa dumarating ang kanyang fiancée, sa bahay na muna siya ng kapatid makikigulo.

"Alam mo bang 'ogress' ang tawag sa kanya sa modeling world? When she's not in front of the camera, she's all grim and cold. Oh, please. 'Wag mo 'kong tingnan nang ganyan, Ric." Nagsalubong ang mga kilay ni Caleb. "Alam ko kung ano'ng sinasabi ko. I Googled her."

Napailing si Alaric. It was so typical of his brother. Pero kilalang-kilala na niya si Trixie. Naging magkaibigan muna sila bago nila napagdesisyunang maging higit pa roon ang kanilang relasyon. Inamin nito sa kanya ang naging buhay nito bago pa man maging sila. Marami pang hindi alam ang publiko tungkol kay Trixie na buong-buong ibinahagi nito sa kanya.

"Do you know how big a jerk you are and yet, your wife still miraculously fell in love with you?"

"Fine, I agree," biglang kambiyo ni Caleb. "Lahat naman ng tao, posibleng magbago." Nagsalin ito ng alak sa dalawang wineglass at inabot ang isa sa kanya. Caleb grunted after a while. "Pero Ric, sa chat? I know that it's a trend these days. Hindi ko inakalang pati ikaw, gagawa niyon. And now, you said you're marrying her. Ni hindi mo pa nga siya nakikita!"

That makes everything more interesting. "Makikita ko na siya... after two days." Ani Alaric, saka sinaid ang laman ng kanyang wineglass. He never thought that he would get drawn into a woman he met online, either. And yet, he did.

Noong una, wala naman siyang balak pumasok sa ganoong klaseng mga bagay. But Leandra-his best friend back in Spain-played a prank on him one day. She was a charming Spanish-Filipina doctor, now happily married, who insisted he should have a life, as she put it.

Ginulat siya ni Leandra nang isang araw ay malaman niyang nagpapanggap ito bilang siya, tangay ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa kanya sa isang online dating site. Noong panahong iyon, ka-chat na ni Leandra si Trixie. Pinakita nito hindi lang ang mga litrato ni Trixie kundi pati na ang naging laman ng bawat usapan ng mga ito. The woman had sense of humor and was intelligent and that made him more attractive in his eyes. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng ilang taon, naramdaman niya uli ang pagre-react ng kanyang puso. It made him push through with the entire chatting endeavor, as the real Alaric Montero this time.

I Love You, My Darling OgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon