Chapter Two

10.9K 221 22
                                    

"ANO'NG gagawin mo kapag sinabi ko sa 'yong graduate ka na uli sa pagiging single? In fact, meron ka nang gwapong fiancé na Alaric Montero ang pangalan, walong buwan na kayong engaged, isang taon na ang relasyon ninyo at lahat ng iyon ay kagagawan ko?"

Trixie felt like the whole world was spinning around her. Nang hindi sinasadyang matusok ng tinik ng hawak na mga rosas ang kanyang daliri, saka lang niya nagawang bumalik sa realidad; kasabay ng pagproseso ng kanyang isip sa naalalang linya ni Samantha sa kanya habang nasa eroplano pa sila.

Sa pagkakataong iyon, pilit na inilayo niya ang mukha sa lalaki. Ubod-lakas niya itong itinulak. She needed to breathe and she wouldn't be able to do that with his soft lips pressed against hers. Damn it. Ibig sabihin ba ay hindi nagbibiro ang kaibigan niya nang sabihin iyon?

"Siya ang susundo sa 'tin mamaya sa airport, Trix. You're going to love his eyes-"

"Samantha," Inaantok niyang sinabi sa kaibigan. "Just shut up and make me proud."

Nang mag-usap sila, limang oras pa lang ang nakalilipas matapos ang fashion show niya sa Milan kung saan siya ang itinampok na finale. Pagkagaling doon, nagpahinga lang sila nang halos isang oras sa hotel bago sila nagpunta sa airport kaya hindi niya nagawang bigyan ng atensiyon ang mga litanyang iyon ng kaibigan. Pero ngayon...

Nanggigigil na naikuyom ni Trixie ang kamay. What have you done, Samantha?

"Trix..."

Agad na hinanap niya ang pinagmulan ng pamilyar na boses ng kaibigan. Nakakagat-labi si Samantha habang naka-peace sign, ilang hakbang ang layo sa kanya. Pero hindi maikakaila ang kapilyahang nakarehistro sa mga mata nito. She could sense that Samantha was enjoying this. Kung wala lang sila sa isang pampublikong lugar, baka napagtaasan niya na ng boses ang kaibigan.

Sunod-sunod siyang napahugot ng malalalim na hininga para kalmahin ang sarili. She had just been kissed, for heaven's sake!

Sumunod na napasulyap si Trixie sa lalaking salubong na ang mga kilay na nakatitig din sa kanya. Hindi niya naiwasang maalala ang maiinit na labi nitong dumampi sa kanya kanina. His kiss-it was warm, intoxicating, and inviting. Siguro, kung siya pa rin ang mapaglarong Trixie noong nasa kolehiyo pa siya, she would no doubt accept his lips' invitation.

Naipilig niya ang ulo mayamaya. The thought alone drained her energy even more.

"So, ikaw si... Alaric?"

"Siya nga, Trix," sagot ni Samantha.

Matalim na tinitigan niya ang kaibigan. "At sa kanya 'kamo ako engaged?"

"Bakit sa kanya mo itinatanong? Ikaw ang fiancée ko. You should know better."

Bumaling siya sa lalaki. "Well, hello there, fiancé." She struggled to stay indifferent. "May sasakyan ka ba?" Tumango ito. "Where the hell is it?"

"I don't tolerate swearing in a woman, Trixie." Nakakunot-noong sinabi ni Alaric. "I suggest you reword your sentence first before I provide the answer."

Trixie gritted her teeth. Pagod na pagod na ang pakiramdam niya at wala siyang oras para sa mga ganitong bagay na wala naman siyang kinalaman kung tutuusin. Isang buwan lang ang bakasyon niya sa sariling bansa at wala siyang balak sayangin iyon sa gusot na pinasok niya-all thanks to Samantha.

"Fine, tapusin na natin 'to." Nagtitimping pilit na ngumiti si Trixie. "Nasaan ba ang sasakyan mo? Mag-usap na muna tayong tatlo."

Ilang sandali itong natigilan bago napailing. "Come," Ani Alaric at maingat siyang hinawakan pero kumawala siya.

I Love You, My Darling OgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon