Chapter Five

8.4K 134 6
                                    


"RULE number six: trust me."

Nagtatalo ang isip at puso ni Trixie habang nakatitig sa nag-aanyayang anyo ni Alaric nang mga sandaling iyon. Dinala siya nito sa isang residential building. Ilang hakbang na lang at mararating na nila ang elevator nang huminto ito sa paglalakad at mula sa bulsa ng pantalon ay naglabas ng isang asul na panyo.

"Close your eyes, Trix." She was surprised by the sudden tenderness in his voice. She didn't know how to deal with his arrogant personality, but she also had no idea how to handle him like this.

Nang nagdaang araw, ang pagiging malambing pero mapangahas na karakter nito ang ibinungad nito sa kanya sa airport. Pero ilang oras lang ay pormal at hindi niya na mabasa ang saloobin nito nang malaman ang totoo; kasabay niyon, nilatagan siya nito ng rules bago sila iniwang tulala ng kanyang kaibigan sa parking lot ng restaurant.

Mapaglaro pero dominante at arogante namang pagkatao ni Alaric ang ipinakita nito sa kanya nang sunduin siya sa townhouse. Sa palagay niya, mas kakayanin niya pang pakibagayan iyon kaysa ang nakikitang anyo nito ngayon. Naglaho na ang kapilyuhan sa mga mata nito nang mga sandaling iyon. Trixie couldn't believe she was actually seeing fondness in those eyes-and more.

Kung unang araw pa lang nila at ganoon na ang nararamdaman niya, paano pa sa mga darating na panahon? Can she actually bear a month with him when he rattles her?

"Sandali ka lang namang kailangang i-blindfold."

Ano ba'ng pinaplano nito sa araw na iyon at sa mga susunod pa? God, how she wished she could tell by the look in his eyes.

"Surrender," Alaric whispered softly as he looked at her intently. "Isang buwan lang ang meron tayo, Trix. Let's make it worth remembering. Come on, love. Give in," dagdag pa nito. Ikinulong ng lalaki ang mukha niya sa maiinit na mga kamay nito. "Close your eyes, don't think of anything else and just trust me."

That moment, it became clear to her. Trixie didn't like Alaric Montero because for the first time after three years, he was making her feel things other than anger and bitterness. Nalilito siya sa iba't ibang katauhang ipinapakita nito. Higit sa lahat, naaalarma ang puso niya tuwing magkakalapit sila sa hindi niya malamang dahilan. She was not emotionally ready for someone as headstrong as him, and she doubted if she would ever be ready.

That's why she should leave. She should say 'no' right now. Napakaraming rason para huwag siyang magtiwala kay Alaric. Isa pa rin itong estranghero sa kabila ng pambi-build up ni Samantha. At gusto niyang panindigan ang inis na nararamdaman para sa lalaki kaya hindi niya maintindihan kung bakit nang tumingin siya sa mga mata nito at makita ang pagngiti nito, hindi niya magawang tumalikod. What happened next surprised her more. Because suddenly, she found herself closing her eyes and doing what he asked of her. She found herself... trusting him.

Maybe she'd regret it. But right now, she didn't care.


"SHE 'S too vulnerable inside. And for the last three years, she was having the same nightmares over and over again." Naalala ni Alaric na nag-aalalang pahabol sa kanya ni Samantha bago niya puntahan sa kwarto si Trixie. "Lumilipat ako sa room niya kapag tulog na tulog na siya para gisingin siya kung sakali. Hindi ko alam kung paano na siya kapag nagsolo na siya. At... nag-aalala ako." Napatitig siya sa nakapikit na anyo ni Trixie nang mga oras na iyon. "Kagabi niya lang ini-lock ang kwarto niya kasi galit pa rin siya sa 'kin kaya halos 'di ako nakatulog kababantay sa labas."

Alaric had to admit that whenever he sees this stubborn woman-beyond the indifference in her eyes and the distance she placed between them-the whole world just glimmers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, My Darling OgressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon