Chapter 8

2.9K 64 0
                                    

TININGNAN ni Akira ang suot niyang relos habang hinihintay niyang tumigil ang elevator na sinasakyan. Pasado alas onse na nang tanghali. May usapan sila ng kanyang ina na sabay silang magla-lunch nito. Minsan lang magyaya ng ganoon ang ina kaya naisipan niyang pagbigyan ito. Nang lumapag sa ground floor ang elevator ay mabilis siyang umibis at naglakad palabas ng Prince Tower.

“Can we talk?”

Muntik na siyang mapatalon pagkalabas niya nang gusali nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Mabilis siyang napaharap sa nagmamay-ari ng tinig. “Raizen!? Jesus! Ginulat mo ako!” aniya na sapo ang dibdib.

“I’m sorry,” hingi ng paumanhin ng lalaki at ngumiti ito.

Dama niya ang mabilis na tahip ng dibdib niya but she was sure na hindi iyon dahil sa pagkakagulat kundi dahil sa pagkakangiti ng lalaking kaharap. Pero agad din niyang naalala ang pandidedma nito sa kanya ng ilang araw, nadama niya ang pagbangon ng inis sa dibdib niya. Pairap na binawi niya ang tingin at itinuloy na ang paglalakad patungo sa parking lot.

“Akira, wait,” habol sa kanya ng lalaki.

Hindi niya ito pinansin.

“Galit ka ba?” tanong ng binata na sinabayan siya sa paglalakad.

Nakatikwas ang kilay na sinulyapan niya ito. “Ano?”

Nakatingin rin sa kanya ang magaganda at singkit na mata ng lalaki. Kung may panungkit lang siya ay nasungkit na niya iyon. Kainis! Bakit ba parang unti-unting nawawala ang inis ko dahil sa mga titig mo na 'yan? naisaloob niya at iniiwas ang tingin rito.

“Sabi ko, galit ka ba?” ani pa ng lalaki.

Hindi siya sumagot at sa halip ay muli itong inirapan.

“Look, I’m sorry. Marami lang talaga akong ginagawa kaya hindi ko nasasagot—”

“Okay lang 'yon,” putol niya sa lalaki. “What makes you think na ikagagalit ko 'yon? It’s fine. Hindi mo obligasyon na sagutin ang mga iyon o ang kontakin ako.” Hindi maitatanggi ang sarkasmo sa tinig niya. Oo, inis na inis siya talaga sa lalaking ito! Pero oo din na-miss niya ito. Grabeng effort ang ginawa niya upang pigilin ang sarili na kontakin ito nitong nakaraang linggo.

Hindi umimik ang lalaki.

Huminto siya sa tapat ng kotse niya at saka humarap dito. “Ano ba’ng kailangan mo?”

“I badly need your help,” mabilis na sagot nito.

Napatikwas ang kilay niya.

“I heard na this coming Saturday na pag-uusapan ng board ng MDC ang tungkol sa new projects ninyo and nalaman ko na ikaw ang magdi-desisyon kung aling construction firm ang makakatrabaho ninyo,” ani ng lalaki na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Umasim ang mukha niya. Ayun! Iyon pala ang dahilan kaya bigla-biglang nagpakita ang kabuteng ito! asar na naisaloob niya.

“Nakarating sa amin na sa Torres Builders ninyo ibibigay ang partnership.”

“At narito ka para kumpirmahin iyon?” aniya sa binata. Hindi ito sumagot, titig na titig lamang ito sa kanya. “Mr. Chen, hindi ko maaaring sabihin sa 'yo kung ano ang napag-desisyonan ko. But don’t worry, malalaman rin naman ninyo iyon after ng meeting namin sa sabado,” aniya pa at pumihit na siya para sumakay sa kotse.

Bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kotse ay itinukod ng binata ang kamay nito doon. “Akira, we really want to work with MDC.”

Tiningnan niya ito.

“Let’s talk please,” ani Raizen.

“I’m sorry, but I really need to go,” aniya at pinalis ang kamay ng lalaki sa pinto ng kanyang kotse.

Posh Girls Series Book 2: Akira (Complete; Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon