INAYOS ni Raizen ang suot na long sleeves bago bumaba ng kotse. Napahinga siya ng malalim habang tinitingnan ang mataas na gusali ng Prince Tower. Kanina sinabi niya kay Ramil na hindi na niya pupuntahan si Akira pero heto siya ngayon at susunduin ang babae. He really meant what he said earlier, pero hindi rin niya maintindihan ang sarili. Tila ba may kung ano’ng enerhiya ang humihila sa kanya patungo rito para makita si Akira. Buong araw siyang hindi napalagay sa kakaisip rito, actually ay mula pa nga noong maghiwalay sila pagkatapos ng concert. Hindi mawala-wala sa isip niya si Akira at ang mukha nito nang umiwas ito sa tangka niyang paghalik.
Tiningnan niya ang suot na relos, malapit nang mag-alas singko ng hapon. Humakbang na siya papasok ng gusali.
“Hi, good afternoon,” bati niya sa unang empleyado na nakita pagpasok niya sa opisina ng MDC.
“Good afternoon. How may I help you, Sir?” tanong naman ng babae.
“Is Miss Akira Morales still here?” ganting tanong niya.
“Yes, Sir. Do you have an appointment with her?”
“No, susunduin ko sana siya,” nakangiti niyang sabi.
Napatango ang babae. “I see. Iyon pong last door sa kaliwa ang office niya.”
“Thank you,” aniya at iniwan na niya ito. Mabilis siyang nagtungo sa itinurong opisina ni Akira. Mahina siyang kumatok.
“Come in!” narinig niyang sabi ni Akira mula sa loob.
Binuksan niya ang pinto at pumasok doon. Naabutan niya ang babae na nakatayo at inaayos ang mga gamit nito. Napatda ang dalaga nang mag-angat ito ng tingin at makita siya.
“Hi,” nakangiti niyang bati rito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila gumaan ang pakiramdam niya nang makita ang mukha ni Akira.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ni Akira. Kahit na may mga gatla ang noo ay hindi nabawasan ang kagandahan nito.
“Naalala ko kasi na coding ang sasakyan mo today so I decided na sunduin ka at ihatid sa inyo. But if you want puwede muna tayong mag-dinner bago kita ihatid,” aniya na hindi maalis ang tingin sa mukha ng dalaga.Napatanga ito sa kanya. “Natandaan mo ang plate number ko?”
Napangiti siya. “Yeah, I’m good in memorization.”
Nawala ang pagkakakunot ng noo ng babae at nagbawi na ito ng tingin. “Hindi ka na sana nag-abala. May company car naman na puwede kong gamitin,” anito habang ipinagpatuloy ang pagsinop ng mga folder at saka iyon binuhat pati na ang bag nito.
“I also like to have a word with you kaya pinuntahan kita,” aniya sa mas seryosong tinig.
Tiningnan siya nito.
“Hindi ka sumasagot sa tawag at text ko. Galit ka ba dahil sa ginawa ko—”
“Hindi,” mabilis na sabi ng babae bago pa niya matapos ang sasabihin. “I’m sorry. I’ve been busy kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag mo.”
Tinitigan niya ang mga mata nito pero hindi siya nagsalita. Pasimple naman itong nagbawi ng tingin.
“Let’s go, ihahatid mo ako, 'di ba?” anito na halatang pinakakaswal lamang ang tinig.
Pigil niya ang mapahinga ng malalim. “Ako na ang magdadala niyang mga folders mo.”
Walang kibo na iniabot nito iyon sa kanya at magkasama silang lumabas ng opisina. Pareho silang tahimik hanggang sa marating nila ang kotse niya, inalalayan niya ang babae sa pagsakay. Bago siya umikot patungo sa driver’s seat ay inilagay niya sa backseat ang mga gamit ni Akira.
BINABASA MO ANG
Posh Girls Series Book 2: Akira (Complete; Published by PHR)
Romans"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gusto ko ang gusto kong makuha... gusto kong makuha ang makakapagpaligaya sa akin." Dahil panganay na anak si Akira Morales, expected ng lahat...