Mahal kita pero
Mahal kita pero
Alam mo ba Rey? Simula pa lang nung bata pa tayo hinahangaan na kita. In short, crush kita... Yun ang sabi ng sister ko, si ate Jelie. Kapag daw kasi hinahangaan mo yung isang tao, crush daw ang ibig sabihin nun. Grade 1 palang tayo nung nalaman ko ang meaning ng word na yan.
Nung una, hindi ako naniwala sa sinabi ni Ate. Pero nung nagGrade 3 na tayo, dun ko lang narealize na crush nga talaga kita. Crush kita kasi palagi mo akong nililigtas sa mga nambubully sa'kin. Alam mo naman na palagi akong umiiyak dahil sa mga sinasabi nilang masasakit na salita sa akin.
FOUR EYES
PANGIT
NERD
LAMPA
Totoo naman diba, Rey? Pangit ako? Tsk! Pero pasalamat sa'yo, naging matapang ang isang nerd na katulad ko. Tinuruan mo pa nga kong magtaekwondo kahit ayaw ko naman talagang matutunan yan. Sabi mo, para matuto akong lumaban kapag sasaktan na nila ko physically. Kinalaban ko din yung mga nambubully sa'kin sa katalinuhan kaya wala nang nambubully sa'kin. Medyo tumaas na din yung confidence ko.
Hanggang sa nagGrade 6 tayo, crush pa rin kita. Pero minsan nagtataka ako kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko at kung bakit iba ang nararamdaman ko sa tiyan ko 'pag kausap at kasama kita. Gusto ko ngang tanungin si Ate Jelie kung bakit ganito ang pakiramdam ko pero 'wag na lang. Baka kasi tuksuhin niya nanaman ako kagaya nung umamin ako sa kanya na crush nga kita.
Natatandaan ko pa nung may Graduation Practice tayo kasama yung iba nating kabatchmates tapos magkatabi pa tayo nun, syempre magkasunudan lang ang apelyido natin, nakatitig ka palagi dun sa kabilang side ng MPH(Multi-Purpose Hall), nakatitig ka sa crush mo, si Chelsea...
Diba, siya yung nakasama mo sa Writer's Club? Matalino siya, magaling tumugtog ng instrumento, magaling sumayaw, magaling kumanta, matangkad, at maganda, kaya pala nagustuhan mo siya. Eh ako, matalino din naman ako ah, magaling tumugtog ng instrumento, magaling sumayaw at kumanta(na kahit kailan, di ko pinakita sa'yo ang aking talentong ito.), matangkad...
Isa lang yung kulang eh... Hindi ako nabiyayaan ng KAGANDAHAN... Tsk!
Hindi ko na lang ikaw nun pinansin. Naiiyak na nga ako 'pag palagi na lang kitang nakatitig kay Chelsea eh. Naiinis na din ako sa'yo kasi siya palagi ang topic 'pag nagkakausap tayo. Yan tuloy! Palagi akong umiiyak sa kwarto nang dahil sa'yo. Napansin pa nga yun ni Ate eh tapos tinanong ko na siya kung bakit ganito ang nararamdaman ko at ang sabi niya, MAHAL na daw kita. Ayoko man isipin pero totoo ang sinabi niya.
Graduation Day na. Ikaw yung Valedictorian at ako naman yung Salutatorian. Ang saya ko pa nga nun eh. Pero nawala ang ngiti sa aking labi nung lumapit ka ki Chelsea at binigyan mo siya ng stufftoy at chocolates. Pinipigilan ko nanaman yung iyak ko. Ang sakit kasi eh.... SOBRANG SAKIT!
Mahal pa rin kita, 1st yr-3rd yr HS. Alam mo, inaasam ko na sana di niya ligawan si Chelsea. Pero di nagkatotoo yung hiling ko. Nung 4th yr HS na tayo, niligawan mo na siya. Dun mas lalong sumakit yung puso ko. Dun mas lalo itong dumurog.
![](https://img.wattpad.com/cover/24061227-288-k4606.jpg)