05

142 17 2
                                    

Dalawang linggo na ang nakalilipas nung nakadalaw ang barkada ni kuya sa bahay. Dalawang linggo ko na ding hindi nakikita si Ralph. "Uy! Huwag mo nang titigan. Lusaw na yung ice cream mo literally," kalabit sa akin ni Tess. Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil sa gulat. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Tumawa lang siya sa nakitang reaksiyon ko.

"Wala ka bang rehearsal ngayon para sa play niyo?" kamot ko sa ulo kahit hindi naman makati. Inirapan lang niya ako at kinain nang buo ang nangalahati na niyang pizza. "Supporting role lang naman din ako. Besides, I don't want to ruin my day. Parati nalang nasisira kapag doon ako tumatambay sa auditorium," nung una hindi ko siya magets pero nung nakita kong kinuha niya ang kaniyang tinidor at pinagsasaksak sa kaniyang cake, doon ko lang napagtantong dahil na naman iyon kay Eunice. Napailing na lang ako sa pinsan kong minumurder ang kawawang cake.

"Kawawa naman ang cake na iyan," napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Speaking of the devil. Napatingala naman si Tess at napakunot-noo sa nakita. "Why are you here? Hindi ba may rehearsal ka pa?"

"Yes, but breaktime pa. Also, pinapahanap ka din ni Cindy kasi magjojoin ka na sa amin na magrehearsal. Timing din na nakita kita dito sa cafet. Hi, Patricia," how can I hate this girl? She's so mabait and maganda. I just nod and smile to her. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Nahihiya akong makipag-usap sa kaniya and I don't know why. "Sana nagtext or tumawag nalang kayo," taas kilay pa ring saad ni Tess.

"Hindi ka kasi macontact ni Cindy. Naka-off yata ang cellphone mo. Wala din akong number mo. Anyway, can I join you here sa table niyo?" tumango ako bilang pagsang-ayon. Nang dahil doon, binigyan ulit ako ng pangmalakasang irap ni Tess at chineck ang phone niya, "lowbat pala," pinakita ang kaniyang cellphone kay Eunice at umirap ulit. Hindi ba sumasakit ang mata nito kakaikot? Pasalamat nalang at 'di napansin ni Eunice. Bitter talaga itong isang ito.

"By the way Tess, bakit mo ba pinagdidiskitahan iyang cake mo? Sino bang nagpagalit sa iyo ng ganiyan?" kuryosong tanong ni Eunice.

"Ik--" buti nalang at hindi natuloy ni Tess ang sasabihin dahil sa nakitang taong paparating. Si Nikko, member din ng theater guild. Yung crush ng pinsan ko.

"Nikko! Sabay ka na sa amin!" kaway at tawag ni Eunice sa kadarating palang na si Nikko.

"May silbi din pala itong bruhang ito sa akin. Pass muna ang galit ko sa kaniya ngayon," bulong ni Tess sa akin. "Hi Nikko, upo ka," pacute ng pinsan ko. Tumango lang si Nikko sa kaniya at ngumiti. Kapag talaga kaharap ang crush, nag-iiba ang ugali nitong pinsan ko. Napailing nalang ako at pinagmasdan sila.

"Niks, ito pala si Patricia. Pinsan ni Tess," si Eunice ang nagpakilala sa akin. Actually, magkakilala na kami dahil kay Tess kasi same sila ng degreeng kinukuha at magka blockmates din sila. "Yeah, we know each other already. Nice meeting you again Patricia."

Tumango nalang din ako. Si Tess naman parang naging estatwa na kakatingin kay Nikko. Kulang na lang ang pagtulo ng laway nito para makumpleto ang get-up na gusto yata niyang iportray. A crazy stalker. Nacurious tuloy ako kung anong pinaggagagawa nitong pinsan ko sa klase nila. Magkaklase pa naman silang dalawa.

"By the way, tapos na ba kayong kumain? My treat," saad ni Nikko at tiningnan ang table namin. "Uy, nakakahiya naman sa iyo Nikko. Okay lang kami ni Patchi. Busog pa kami," sabi agad ni Tess na umaktong nahihiya pa habang inuusog sa akin ang pinagluray luray niyang cake. "Okay, ikaw Eunice?" tanong ni Nikko. Si Tess naman, nakatingin na kay Eunice na para bang gusto na niyang lapain ito. Nakita kong napatingin si Eunice sa gawi ni Tess at napailing nalang kay Nikko. "Thanks but I'm full pa," tumango si Nikko at diretsong pumunta na sa counter para mag-order. Siniko ko si Tess pero nagkibit-balikat lang ito.

Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon