02

222 24 1
                                    

Uwian na n'on nung nakita ko siyang nakaupo pa sa isang bench. Nilapitan ko siya. Nilubos lubos ko na at umupo na ako. Hindi nga lang sa tabi niya. Kung nasa right end siya ng upuan eh andun naman ako sa left end. Kumbaga nakaupo kami sa end to end ng upuan.

"Oh andiyan ka na pala. Halika na, uwi na tayo," tumayo na ito at inilahad ang kaniyang kamay. Ilang sandali ko pang tinignan ang kaniyang mga kamay at tinanggap ito pero agad ko namang binawi.

Awkward. Iyan lang talaga ang caption sa nangyayari sa amin ngayon. Silence. Dead air.

Sapat na sa akin na nakasama siya ngayon. Gusto kong kiligin pero hindi naman yata akma na kakiligan ko pa ito.

Lihim akong napangiti habang nakatingin sa labas ng sasakyan niya. Feel ko pa ang moment nang bigla siyang magpatugtog kaya naman nagulat ako. "Ay palaka!"

"Ang gwapo ko naman yatang palaka, patchi. Kokak! Kokak!" hindi ko maiwasang kiligin kapag binabanggit niya ang palayaw ko pero inirapan ko siya para 'di siya makahalata.

~ And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me.~

Lihim akong napangiti dahil umaakma ang kanta sa nangyayari ngayon. Hindi ko na nga din namalayan na sumabay na pala ako sa kanta hanggang sa makarinig ako ng palakpak. Napalingon ako sa katabi at  napamulahan ng pisngi dahil nagkaroon kami ng eye to eye contact. "Sorry sa kaingayan ko, ha?" mabilis kong inalis ang tingin ko sa kaniya at tumingin nalang sa harapan.

"Hindi. Okay lang. Ganiyan din ang ginagawa ng kapatid mo kapag nakikisabay sa akin," he said while his eyes are on the road. I smiled awkwardly. "Ganito kasi ang ginagawa namin nina kuya kapag napagtripan naming magroadtrip kung saan. Nakasanayan lang."

"It's not a big deal, Patch. Its really okay. Yung sa kuya mo kasi yun yung literal na nag iingay lang pero yung sa'yo, you have a beautiful voice Patch," napatingin ako sa kaniya at akalain mong nakatingin din pala siya sa akin. "S-salamat."

"Patch, gising na. Andito na tayo," marahang tapik ang nagpagising sa akin. Pagkatapos kasi ng eksenang iyon, nagsimula na naman ang dead air kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako saglit. Napalingon lingon pa ako kung nasaan ako. Doon ko lang narealize na nandito pa pala ako sa sasakyan ni Ralph.

"Sorry, nakatulog pala ako."

"No need to say sorry. Ilang minutes ka lang naman nakaidlip," he's looking at me intently kaya naman naconscious ako sa mukha ko. "May dumi ba sa mukha ko?"

Napailing lang siya at kumuha ng tissue sa dashboard niya at binigay sa akin. Napakunot naman ang noo ko. "Sabi mo walang dumi ba't mo 'ko binibigyan ng tissue?" maang ko pa ring tanong sa kaniya.

Hindi ko na nakuha ang inaabot na tissue nya dahil unti-unti siyang lumapit sa akin at nilapat ang tissue sa gilid ng aking labi. Napatulala ako nang makita sa malapitan ang kaniyang mukha pero mas napatulala pa ako ng binulong niyang, "may laway kasi."

Agad ko siyang tinulak at kinuha sa kaniyang kamay ang tissue at ako na mismo ang nagpahid. Pagkatapos kong mapahiran iyon ng tissue ay agad na din akong lumabas dala-dala ang bag ko at pumasok na sa bahay. "Oh! Hinabol ka ba ng aso, sis?" iling lang ang sagot ko kay ate at dumiretso sa hagdan pero ilang hakbang lang ay napahinto ako kasi narinig ko ang boses niya. "Hi there Ralph, wala pa si Lorenz-  

"It's okay po. Actually ate, napag-utusan ako ni Renz na ihatid si Patchi dito kasi may biglaan silang football practice ngayon."

Ayan na naman. Pagkatapos akong kiligin at mapahiya sa loob ng kotse niya may kasunod pang-sakit na mararamdaman. Napag-utasan lang kasi siya Patricia. Nothing more, nothing less. Aakyat nalang ako sa kwarto para walang distorbo.

Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon