Simula

127 1 0
                                    

"Miss Baltazaar!" Istorbo ng intern na naka assign sa akin. God pati pa rin ba sa pagbabasa ko ng isang pocketbook sa dorm habang pahinga ko ay iistorbohin ako ng ospital na ito?

"What is it again Michel?"

"Meron pong car accident. Paparating na po ang mga ambulansya. Marami pong sugatan. Hindi po kakayanin ng mga doctor natin dahil occupied na sila sa kani-kanilang mga pasyente." Walang tigil niyang paliwanag.

I sighed in desperation. I guess this is the life of the path I chose years ago. Tumango nalang ako kay Michel at padabog na itinapon sa aking kama ang aking libro na binabasa. Maganda na kasi ang parte na binabasa ko kaya bitin. Inayos ko ang buhok ko sa isang mabilis na tali at saka isinuot ang aking lab gown at sumunod na kay Michel papunta sa emergency room.

Hinintay namin ang ambulansya.

A few momments later, a bunch of red vehicles with sirens flooded the parking lot near the main entrance of the emergency room. I can see that someone so bad might have caused such incident.

Isang grupo ng mga first aid nurse ang tumulong sa pagbababa ng mga pasyente mula sa ambulansya. Lumapit ako sa pinakamalapit na sugatan.

I think my heart stopped beating. My eyes teared. I have a feeling six years of studying the anatomy of the body and training to be a surgeon just got wasted after seeing a man about my age, with a very famillar face covered with bruises and blood. Halos maiyak ako sa lalaki kahit sanay na ang mga mata ko sa ganitong larawan.

But this is no time for drama. This man is about to die if I did. Tinanong ko ang nurse na kasama niya papunta dito ang lagay ng pasyente saka ko ginawa ang mga kailangang gawin.

Adrenaline. That is the only thing i felt as my hands worked on it's own habang papunta kami sa operating room. Malala ang tama niya sa ulo at sa kanyang parteng thorax and thank God natigil ko ang patuloy na pagdugo.

After a series of emergency operations, naging stable naman ang lagay niya. Nilagay namin siya sa isang bakanteng space sa emergency room. Pero hindi parin ito sapat para maligtas talaga ang buhay niya at maibalik sa dati.

Maya-maya may isang babae, ang nanay ng pasyente ang dumating at lumuhod sa tabi ng kaniyang anak. Umiiyak yung babae at malakas ang kutob kong kagagaling lang nita sa trabaho dahil sa suot niyang formal attire.

"How is my son doc?" Tumingin siya sa akin at kitang kita ang pagkagulat nita nang magtagpo ang aming mga mata.

Huminga ako ng malalim. "The patient is stable for now. Tapos na kaming tahiin ang kaniyang mga sugat pero hindi pa ito sapat para malaman na maayos na ang pasyente. He needs to undergo a few more tests. He is in a coma right now and i can't tell whenever he is going to wake up." Inalis ko ang aking mga mata sa babae. "All you have to do now is to stay put for later on calls because I have more patients to check. If you will excuse me, Mrs. Alvarado."

Nakatalikod na ako nang biglang nagsalita ang babae. "Ang liit nga naman ng mundo ano. Matapos ang lahat ng nangyari, magtatagpo at magtatagpo pa rin tayong dalawa."

She laughed without humor.

"But i appreciate your effort to save my son. I really am, Ms. Baltazaar."

Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "It is just my job to save a life, Mrs. Alvarado. Oh and by the way, it's Doctor Baltazaar now, if you don't know. Excuse me."

Hindi ko na inintay pang sumagot siya dahil dumiretso na ako sa kasunod na pasyente.

Matapos ang lahat, umupo ako sa isang bench sa rooftop ng ospital. Hawak hawak ang isang maliit na bote ng beer galing sa isang vending machine, uminom ako saka tumingin sa mga bituing kumikitap. Gabi na pala. Sa sobrang daming dumating na pastente halos maagasan kaming mga doctor sa pagchecheck sa kanilang mga lugar.

I like stars. I am obsessed with stars. It's like a bunch of fireflies from my province back in the day trying to best the darkness. They are so peacefull everytime I watch them, I forget the bad things that happened to me this morning.

Pero kahit anong gawin ko, patuloy paring babalik at babalik ang isang bagay na matagal nang itinataboy. Isang bagay na matagal nang ibinabaon sa lupa pero patuloy paring bumabangon.

Pinahi ko ang mga luhang nagtangkang tumakas sa aking mga matang matagal nang basa dahil sa sakit ng nakaraan. Humihikbi na ako dahil sa alaalang pilit kong kinakalimutan.

Ano bang ginawa ko sa mundo para maranasan ang lahat ng ito? Bakit? Isa akong mabuting tao pero ang lahat ng kamalasan nasa akin? Sa tingin ninyo ang maging isa sa mga kilala at dinadayuhan na doctor ay sobrang swerte na? Ito ay tumatayo lamang isang paalala na ang lahat ng bagay ay may kapalit. Angmd it is just a matter of time and patience to make it grow larger.

It comes with a choice. Everthing does. Hindi lang halata pero oo. At choice ko ito. Hindi man naging madali pero pinilit ko. At dapat lang. Dahil mas mahihirapan ako kung hindi.

Choice ko ito. Papanindigan ko ito. Choice kong ngitian ang lahat ng problema, acting brave in front of an undefeated army of sadness.

Tinuwid ko ang upo ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Kaya ko ito. Simple lang ito. Matapos ang lahat lahat ay buo pa ako. Patuloy na lumalaban. Patuloy na bumabangon. Patuloy na pinaninindigan ang isang choice na pinili.

Even if it is against my will.

Against the Heart's WillWhere stories live. Discover now