1

52 1 0
                                    

Ibinayad ko ang pera sa cashier bago ako umupo sa aking madalas na silya sa may tabi ng bintana para uminom ng isang green tea. Pumupunta ako sa cafe na ito dahil 'according' sa mama ko ay dito niya nakatagpo kaniyang love of her life, by which ay ang long-lost father niya. Kind of weird right? Bata pa ako ng makasanayan ko na ang pumunta dito dahil naniniwala akong dito ko makakatagpo rin ng papa. Literally.

Wala akong papa. Matagal nang sumalangit si papa dahil sa sakit na lukemia. At dahil wala kaming pera, mas pinili niyang mawala kesa mahirapan pa kami ni mama sa paghingi ng mga utang. Sana may makatagpo si mama dito ng bagong asawa.

Matalik kong kaibigan si Clarisse de Leon, siya ay ang anak ng may-ari ng cafe na ito kaya itinuri na nila akong kapamilya. Para magkaroon ng konting baon, dito ako nag papart-time job tuwing weekdays. At ngayong sabado, tumatambay ako sa aking madalas na puwesto, sa may bintana. Dito ko kasi nakikita ang buong view ng aming maliit na probinsya. Maliit lang ang bayan namin doon kaya matapos ng iilang gusali simula sa cafe, ay isang malawak na palayan na at gubat.

Simple lang naman ang buhay namin dito sa Purok Rosas. Magkakakilala kaming halos lahat rito kaya masaya kami araw-araw.

Matapos akong makahigop ng kaunti sa aking green tea, which is my favorite, inilabas ko na ang aking mga libro na tungkol sa biology at anatomy ng human body. Running for top 1 ako every year. At kailangang mag-aral ng mabuti dahil pangarap namin ni papa ang magi akong doctor.

Nilagay ko na ang aking earphones at pinatugtog ang isang calming piano music dahil malaki ang tulong nito sa pag fofocus ko sa pagrereview para sa aking next na exam. Plus yung lasa ng green tea. Plus ang scenery ng aming probinsya. Plus ang determination kong mag-aral. Plus---

Tinanggal ni Clarisse ang aking earphones at sinigawan ako. "HOY! KANINA PA KITA TINATAWAG LIGAYA!"

Plus an annoying best friend... Si Clarisse ay isang matangkad at morenang babae. Bilog ang kaniyang malachokolate na mga mata at matangos ang ilong niya. Mahaba rin ang itim niyang buhok na may kaunting blonde  na highlights sa parteng dulo nito. Halos lahat ng mga kilala kong lalaki sa aming school ata ay may crush sa kanya. Maganda kasi.

Mabuti nalang at walang ibang customers sa cafe. Salamat sa Dios.

"Ano ba itong pinapakinggan mo?"

Bago pa ako makapagprotesta ay isinuot na niya ang earphones ko na agad rin naman niyang tinanggal. "Ano ba yan! Ang lame naman ng iyong music taste! Kailangan mo ng mga music na may beat."

I rolled my eyes and then snatched back my earphones.

"Ligaya Allegrize M. Baltazaar. Such a very pretty name." Itinaas niya ang kaniyang mga kamay para mas maipahiwatig ng mas maigi ang bawat salita. "Hindi bagay sayo."

Hinampas ko siya sa braso.

"Bitch!"

Nagtawanan kaming dalawa. Normal na sa amin ang magmurahan sa isa't isa. Weird. We're special that way.umupo siya sa harap ko.

"Paturo naman sa math."

Padabog niyang nilagay ang kaniyang math book sa harap ko. Kailangan ko pang hawakan ang inumin ko para lang hindi matapon sa aking damit.

"Awan sa iyo. Matapos mong insultuhin pangalan ko may mukha ka pa talagang magpaturo sa akin." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Kasalanan ko bang ganyan ka makisama?!"

"Kasalanan ko bang maging Ligaya pangalan ko?!"

Ligaya ang paboritong pangalan ng papa ko at ang Allegrize naman ay gawa gawa lamang ng mama ko.

Nagtagpo ang aming mga mata. Nagtawanan kami. Ulet. Sa huli, ako parin ang nagturo sa kanya. She has this kind of weird charm which makes everyone do whatever she wants. And it's funny because I am the only one who can resist her puppy eyes and then eventually follow her command, sometimes. But it's okay. She is like a sister to me. Siya lang ang tanging kaibigan ko simula oa noong mga bata kami. Plus malaki ang ambag namin ng mama ko sa kanilang pamilya.

Ang pamilya nila kasi ay isa sa mga totoong kaibigan ng mama ko. Na hanggang ngayon ay tinutulungan nila kaming dalawa. Nagbibigay sila ng kahit kaunting share ng kanilang pagkain kung napasobra ang luto ni mama (Katulong nila ang mama ko). By which sila rin ang naghire kay mama para may pandagdag kami sa mga gastos namin. At pati na rin ang trabaho ko dito sa cafe.

I would do anything to pay them back.

Nagpaalam na ako kay tita Beth, ang nanay ni Clarisse bago ako pumunta sa bahay gamit ang aking bisekleta.

The wind whisked through my ears as I ride home on an empty and lonely road towards the household of the Baltazaars. The scene is beautiful i might say. From the peacefull trees, to the most delicate fireflies. Fireflies tend to glow every night. Nothing can beat it's beauty I swear. Sorry to say this but this is the scenery I see everytime I peek through my window.

Ang maliit namin na bahay ay katabi lang ng kalsada. Medyo malayo ito sa bayan kaya ibinili nalang ako ng mama ko ng bisekleta pang araw araw. Sa kusina, nakita ko ang mama na nagluluto ng sinigang na baboy.

Inakap ko mula sa likod si mama. Her brownish hair is tied to her usual bun. Her light complexion is spotted by sunburns because of working all day at the market selling mangoes and sweets.

Magandang babae si mama. Medyo singkit ang kaniyang mata at manipis lang ang kaniyang labi.

"Happy birthday mama." Bulong ko.

Nilingon niya ako at nginitian. "Salamat Ligaya."

Lalong lumapad ang ngiti niya ng may ibinigay akong isang envelope sa kaniya. "Ito ba yung card mo?"

Tumango ako.

Mabilis niyang binuksan ang envelope at halos maiyak siya dahil sa grades ko.

"Ma, yan lang po muna ibibigay ko ngayon ha. Wala pa akong ipon pambili ng cake."

Inakap ako ni nanay. "Ok lang iyon anak. Ang mahalaga sa akin ang makitang yanong tataas ng iyong mga grado. Tingnan mo! 95 sa math, 97 sa science. Kababaan mo ay 91 kataasan mo 98!"

Ipinakita niya sa muka ko ang card ko.

"Mama, kaya ko pa iyang taasan. Kung lang sana--"

Tumalikod siya. "Hay nako bata ka. Katataas na nga ng grado mo. Lumayas ka na nga dito at maghain!"

Tumawa kaming dalawa. Sinunod ko nalang si mama at hindi na nagsalita. Hindi nagtagal ay kumain na kami ng hapunan. Masarap talagang magluto si mama.

Magkahiwalay ang kuwarto namin ni mama. Nga lang, mas malaki ang silid niya kaysa sa akin. But I don't mind. Mahalaga sa akin na nakikita ko ang mga bituin sa aking bintana kasama ang mga lumilipad lipad na mga alitaptap. Napangiti nalang ako.

Bago ako mahiga sa aking kama, kinuha ko muna ang maliit na picture ng buong pamilya ko. Nasa may perya kami dito ang tanda ko. Maliit pa ako ng kinuha ang litrato na ito. Buhat ako ni papa at si mama naman ay may hawak na isang maliit na teddy bear na ipinanalo ni papa para sa kanya. It's kind of sweet for him to do that. Despite their age, they act like a couple teenagers who really loves each other.

Bago siya mawala, inihabilin niya sa akin ang kaniyang locket. Sa loob noon ay litrato naming tatlo nina mama. Ang sabi niya dapat lagi ko raw itong suot dahil ito raw ang tanging tanda ko na lagi lang siyang naandiyan sa tabi ko. Sa puso ko.

I clutched the necklace dearly. Halos maiyak ako ng malamang wala na si papa. Inihabilin niya yung locket the night before he died.

"Good night papa." I whispered, kissing the locket before sleeping.

Against the Heart's WillWhere stories live. Discover now