2

44 0 0
                                    

Nagising ako sa isang malakas na usapan at sigawan sa labas ng bahay namin. Inayos ko ng mabilisan ang buhok ko bago lumabas para makita ang nangyayari.

"Ano ba Marise? Nasaan na ang pera ko?!" Hiyaw ni Aling Fe kay mama. May utang sa kaniya si mama at magang maga ay hinihiyawan na niya ang mama. "Ilang araw na iyan ahh!"

"Pasenya na po talaga ay wala pa po kasi akong ipapambayad. Kung pede lang po muna na idaan natin ito sa isang mapayapang usapan. Magigising na ang--"

"Mabuting usapan Marise?!" Hiyaw ulit ni Aling Fe. "Ganoon ba talaga kayo kahirap para hindi kayo magbayad ng utang sa tamang araw?!"

Dali dali akong naghalwat sa aking mga gamit para maghanap ng pera.

Meron akong kaunting ipon galing sa cafe kaya iyon nalang ang ibinigay ko sa babae.

"Pasyensya na talaga Aling Fe." Sabi ko habang iniaabot ang pera na hinablot naman agad ng ale.

"Dapat lang." Mas sumama ang tingin niya sa aming dalawa ni mama pero umalis rin.

Mahina kaming dalawa ni mama sa mga ganoong usapan. Hindi kami palaban tulad ng pamilya ni Clarisse na ipinaglalaban ang mga bagay na alam nilang tama.

Tahimik kaming dalawa ni mama na kumain ng nilabon na kamote. Yes, ganoon nga kami katipid, lalo na sa pagkain. Ngayon pinakang tumagos sa puso ko ang mga masasakit na salita na natatanggap ko sa ibang tao. Nauubusan kami madalas ng ipon dahil na rin sa mga maintenance ni mama. Nakalimutan ko bang banggitin na mahina rin ang puso niya? Lalo na kung nagagalit siya, nalulungkot, nastrestress, or kung ano man? Well, kaya nga gusto kong maging doctor. Gusto kong matulungan si mama pati na rin ang iba pang may masamang kalusugan.

Tiningnan ko ang aming pagkain at lalo lang akong nalungkot dahil kahit anong gawin namin, ay ganito lamang ang magagawa namin. Sinulyapan ko rin ang malungkot na muka ni mama na palagi namang nakangiti noon.

"Huwag mo nalang pansinin si Aling Fe Ligaya." Aniya.

"Pero mama, kahit hindi man tayo makapagbayad agad ng utang ay wala siyang karapatang manghusga! At saka--"

"At saka ano Ligaya?! Kung makikipagaway pa tayo sa kanila kung sino ang mas nakakaawa ay ano nang mangyayari sa atin?!" Hiyaw ni mama. Ngayon lang rin siya sumigaw at magalit ng ganito. I have known my mom as a prim and proper woman. "Kung nakakalimutan mo ang lugar natin Ligaya. Mas nakakaangat sila sa atin at kung sisiraan natin at guguluhin ang nangyari ay sa una palang ay talo na tayo. Baka hindi na nila tayo pautangin muli. Saan tayo kukuha ng pangsuporta? Kina Beth? Hindi puwedeng sa kanila na tayo aasa."

Her words hit me like a boulder. It hurt me so much I think i want to cry. Wer words are true. And it is reality. Mahirap tumayo kung alam mong may hihila at hihila sa iyo pababa at ibabagsak ka ng padabog. Mas maigi pa ngang manatili nalang sa anino. Katulad ng sinabi ni mama.

"Magligpit ka na ng pinagkainan kung tapos ka na. May trabaho pa ako."

Hindi ko alam kung paano lumipas ang araw ng hindi kami nag imikang muli.

"Ano ba Ligaya mag focus ka nga sa inaaral natin!" Hiyaw sa akin ni Clarisse.

Nag-aaral kami ngayon sa cafe as usual. Natapos ang isang linggo simula ng mmnangyati kay Aling Fe. Mabuti naman at tumigil na siya sa pagkakalat ng balita na kami ay isang iresponsableng mag-ina. My blood would boil everytime I think about her. I hate her.

I sighed so deep all of my problems washed away. Napansin ito ni Clarisse at pasalamat sa Dios hindi na siya nagsalita.

Nilibre ako ngayon niya ng isang green tea kaya napainom nalang ako.

Against the Heart's WillWhere stories live. Discover now