SYDNEY
BUMALIK AKO sa pagkakaupo pagkatapos kong pagbuksan ng pinto ang kaibigan kong si Clara. Naupo rin siya sa kaharap kong upuan at ngumiti sa akin ng malamlam. Medyo mapula ang mga mata nito at parang may nagbabadyang tumulo roon anumang oras. Malamang may problema ito.
"Nag-away na naman ba kayo ng boyfriend mo?" Panghuhula ko sa problema niya. Biglang tumulo ang mga luha sa mata niya na kanina niya pa tinatago.
Humagulgol siya ng malakas, siguro kanina pa niya ito pinipigilan. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya at ramdam ko ito sa paghikbi na ginagawa niya.
Umiiyak pa rin siya pero pilit pa rib siyang nagsalita, "B-break na kami n-ni Thalis." Sa pagbitaw niya ng mga katagang yun ay lalong lumakas at bumigat ang bawat hagulgol niya. Mukhang hindi niya tanggap... katulad ko.
Tumayo ako't lumapit sa katabi niya. Hinila ko ang monoblock na inuupuan ko at inilipat sa tabi niya. Umupo ako at niyakap siya habang hinihimas ng aking mga kamay ang kanyang likod para iparamdam sa kanya na nandito lang ako.
Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon lalo na't alam kong mahal niya pa rin si Thalis. I am also suffering from the same pain, until now. Itong ito ako dati. Ito rin yung ginagawa ko noong iniiyakan ko pang mga pangyayaring 'di na mababago. Para bang kinukurot ang puso ko habang naririnig ang paghikbi ni Clara. Sobra siyang nasaktan at ito lang ang kaya kong ibigay sa kanya, simpatya at pang-unawa.
Ilang minuto rin bago humina ang mga hagulgol niya at naging hikbi na lamang. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Siguro naman nabawasan na yung sakit kahit konti. Inangat nito ang tingin sa akin.
"Sydney... Nakita ko pala si Gian sa office kanina, sorry hindi ko agad nasabi." Medyo nawala na ang lungkot sa boses niya pero bakas mo pa rin ang nangyaring pag iyak niya kanina.
"Huwag ka magsorry, hindi ito ang tamang oras na pag-usapan 'yon. Alalahanin mo muna ang sarili mo, next time na lang 'yong akin." Nginitian ko siya, "pero salamat." Salamat. Bumalik na siya. Pagkakataon ko na ito. I will win him back.
Hindi nagtagal at nagpaalam na rin si Clara na uuwi na. I volunteered to drive for her kasi medyo nanghihina siya kakaiyak, delikado para sa kanya. Pumayag naman siya para na rin daw sa kaligtasan niya.
I drove her home and after that we gave each other a goodbye. After that I drove home. While driving I can't stop thinking about what she has said a while ago. It's for real Gian, came back.
Masyado napalalim ang isip ko kaya nabigla ako ng may lalaking bigla sanang tatawid ng kalsada. Bigla akong prumeno at muntikan na akong tumalsik dahil doon. Hindi dito pwede tumawid pero heto siya at nakakunot ang noo sa akin. Bumaba ako ng kotse at tiningnan kung ayos lang ba siya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko habang tinitingnan ang katawan niya kung may galos man lang ba o ano. Wala naman akong nakitang sugat o ano. Ang nakita ko lang ay isang pares ng pamilyar na mga mata. Parang nakita ko na siya o parang may kamukha siya. Sinong artista kaya? Gerald Anderson? Joseph Marco?
Ngumiti ito at tumango bago nagsalita, "Can you drive me home?"