Chapter 8

958 40 1
                                    

Xen's P.O.V.

Maayos naman ang naging takbo ng lahat. Malapit na naming matapos yung mga artworks. Katunayan nasa bakuran kami. Wala pa nga si Gian eh. Tamad talaga yun.

Nagpepainting ako nang naglagay si Aien ng guhit sa pisngi ko.

"Ano ba Yen?!" Pagsusungit ko kaya umupo nalang sya at nagpainting. Palihim naman akong pumunta sakid nya at bigla ko syang binuhat.

"Ano ba Xen bitiwan mo nga ko?!" Sigaw nya at pilit na pumipiglas sa mga yakap ko.

Aien's P.O.V.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko para kay Xen. Ang alam ko lang ay mahal ko sya. Gusto ko sya laging katabi at sabik ako sa mga halik nya.

Ang mga yakao nya ngayon. Sobrang nakakagaan ng loob. Nawala tuloy ang pagod ko habang nagpipinta.

Bigla nalang kaming natumba at gumulong. Napunta sya sa ibabaw ko. Pinagmasdan ko ang muka nya. Ang makapal nyang kilay. Ang matangos nyang Ilong. Ang kanyang mga labi na ang sarap halikan.

Dahan dahan yong lumapit sakin. Siniil nya ako ng halik. Ginantihan ko sya dahil ako'y sabik na sabik rito. Ang mahalikan ang labi nya ay nakapagdala sakin sa langit sa sobrang sarap.

Bumitaw sya sa paghalik at bumulong. "Mahal mo ba ako?"

Walang ano ano'y hinalikan ko syang muli bago sumagot. "Oo. Mahal kita"

"Mahal rin kita" bulong nya saakin at hinalikan nya akong muli.

Xen's P.O.V.

Naging mahaba ang bawat araw na magkasama kami ni Aien. Lagi ko syang pinapasyal sa mall. Minsan sa park. Minsan naman magkasama kaming nagdidinner. We escape everything around us. Halos makalimutan ko na ang nga bagay bagay.

Naglalakad ako sa pasilyo ng school. Inaalala lahat ng masasaya naming araw. May dala pa nga akong flowers para sakanya. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo. Ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko talaga sya.

Pumasok muna ako sa CR at naghilamos.

"G-gian baka makita tayo rito"

"Akong bahala sayo"

May mga narinig akong boses. Lumapit ako sa isang cubicle. Sana mali ang nasa isip ko. Pero boses yun ni Gian at Aien eh! Hindi ako magkakamali.

Pagkabukas ko rito ay nakita kong naghahalikan si Aien at Gian. Parehas pang unbuttoned yung mga polo nila. Dumilat si Aien at nakita nya akong nakatitig kaya lumakad nalang ako palabas ng CR. Pinigilan ako ang luha ko. Sinigurado kong niisang patak ay walang aagos.

"Xen sandali!" Tawag sakin ni Aien

Humarap ako at tinago ko yung bulaklak.

"Bakit Aien? About ba sa project? Sige mamaya di ako busy. Papuntahin mo na rin si Gian ha. Para may maitulong naman" sabi ako at ngumiti, take note, yung pekeng ngiti lang ha.

Saka ako lumakad papalayo.

Aien's P.O.V.

Yung mga sinabi nya bago sya umalis. I know hindi yun yung dapat nyang sasabihin yung ngiti nya? Hindi yun totoo. Alam ko yon. Nararamdaman ko.

"Aien bat ka umalis di pa tayo tapos!" Sabi ni Gian

Humarap ako sakanya at sinutok sya. Kasalanan nya to lahat!

"Aien. Sinabi na sayo ni Dad diba. Wag mong hayaan yang puso mo na sirain yung plano natin kay Xen. Saka diba Ikakasal na tayo? You should teach that heart of yours to love me! Yun ang dapat mong gawin" sabi nya saakin "Isa pa. Plano lang natin yun diba? Ang paniwalain syang mahal mo sya"

"Sya ang totoo kong mahal at hindi Ikaw!" Sigaw ko sakanya sabay alis.

Xen's P.O.V.

Hindi ako lumayo ng sobra. Nagtago ako sa pader malapit kay Aien. Dahil gusto syang balikan at tanungin kubg bakit nya nagawa yun. Pero walang label ang kung ano mang meron samin.

Yes we kiss. Yes we exchange our 'I love you's. But we're not in a relationship

"Aien bat ka umalis di pa tayo tapos!" Rinig kong sabi ni Gian "

Aien. Sinabi na sayo ni Dad diba. Wag mong hayaan yang puso mo na sirain yung plano natin kay Xen. Saka diba Ikakasal na tayo? You should teach that heart of yours to love me! Yun ang dapat mong gawin. Isa pa. Plano lang natin yun diba? Ang paniwalain syang mahal mo sya" dagdag pa nya

"This is enough for you to stop loving him Xen" sabi ko sa sarili ko at tinapon yung flowers bago lumakad papalayo.

Pagdating ko sa classroom di ko namalayang lumuluha na pala ako kaya pinunasan ko yon bago tuluyang pumasok.

Aien's P.O.V.

Habang naglalakad, nakita ko ang isang bouqet of flowers. Pero sira sira na ito at mukang pinabayaan nalang rito.

Binasa ko kung para kanino.

"From Xen: I love you Aien. Can you be my..."

Yun ang sabi sa sulat na naroon. Siguro eto na yung hinihintay ko matagal na. Ang alukin nya ako na maging boyfriend nya. Ang sweet sana non....

Pero ano tong ginawa ko?!

Naluha nalang ako at umiyak nalang habang yakap yakap ang flowers. Im so sorry Xen. Di dapat ako pumayag sa gusto nya....

Chapter 8 done! Thank you sa mga nagbabasa! Meron nga ba talaga?😅😆 Vote and Comment!

Love into Magic(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon