Chapter 15

647 26 0
                                    

Xen's P.O.V.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Sabi ni Dyllan

Kasalukuyan kaming nasa garden namin sa likod ng bahay namin. Medyo malawak to at may mga part na completely grass lang.

"Titingnan natin kung may iba pa kayong kayang gawin na di nyo pa nalalaman about sa mga powers nyo" sabi ko.

Tumingin lang sila saakin.

"Natutunan na namin lahat" sabi ni Michael "light magic lang naman kaya ko eh"

"Dont underestimate your powers Mic. Try mong gawing liwanag yang braso mo" sabi ko.

Sinubukan naman nya iyon. Flashing lights lang ang nagagawa nya dahil bumabalik lang ito sa dati. "Kulang ka sa focus" sabi ko

Bumuo ako mg bola ng apoy sa kamay ko at saka ako tumingin sakanya. "Mic. Focus" sabi ko

"Hindi mo gagawin yan diba?" Kabado nyang tanong

"Gagawin ko" sabi ko naman

"Safe ba yan Xen?" Sabi ni Jinna na kabado parin

"Safe to kung magfofocus si Mic" sabi ko at ngumisi.

"Wag mong gawin Xen!" Sabi nya

"Focus ka. Gawin mong light particles ang braso mo kung ayaw mong masunog at maputol yan" sabi ko at pinakawalan ang fireball na mabilis na kong tinira papunta sa braso nya.

Napapikit nalang sya sa mga pangyayari. Tumagos ang fireball sa braso nya dahil naging ilaw ang braso nya. Tumama naman ang fireball sa isang halaman kaya nasunog ito.

"Good sabi ko sayo magfocus ka eh" sabi ko at gumawa ng spikes na gawa sa matigas na bakal. They are all aiming towards Michael

"Now. Try it to your whole body" sabi ko at ni release na yung mga spikes

"Wait dipa ko han-" di na nya natapos ang sasabihin nya dahil napakawalan ko na yung mga spikes

Ang buong katawan nya ay naging isang liwanag na may humanoid figure. Tumagos lang sa katawan nya yung spikes.

"Wow...." Tanging nasabi ko sa sarili ko sa sobrang bilib ko sa ginawa nya. Bumalik na rin sya sa dati nyang .anyo at halatang di nya rin inaakala ang mga pangyayari.

"See? Anong di ka pa handa dyan" sabi ko at ngumisi

"Next, Jinna" sabi ko at lumapit naman sya.

"Patingin nga ng laman ng spellbook mo" sabi ko

Pinakita nya saakin ang bawat page ng spellbook nya. Nakalutang ito ngayon sa harap ko

"Ops wait" sabi ko at itinigil nya ang pagbuklat sa pages ng libro nya.

In-examine ko muna yung details tungkol sa nakita kong nilalang sa page na iyon. Sya ang Mummified Ice princess na kayang magsummon ng mummies na nagbubuga ng... Yelo?

Ang weird nung kapangyarihan nya pero okay narin to.

"Okay ganto gawin mo Jinna, tawagin mo sya at hingiin mo ang kapangyarihan nya" sabi ko

"T-teka pano kung hindi gumana?" Tanong nya na nagaalala sa sarili

"Edi....di gumana. Its either sasanib sya sayo or hindi nya ibibigay. Pero ikaw may sabi diba? Nakokontrol mo ang laman ng librong yan?" Sabi ko sakanya.

Tumango sya at kinuha yung libro.

"I summon you Mummified Ice Princess! Give me your powers!" Sigaw nya.

Isang babaemg balot ng benda ang lumabas mula sa libro. Meron itong asul na nagliliwanag na mga mata. Bigla itong pumasok sa katawan ni Jinna.

Unti unting nabalot ng benda ang katawan ni Jinna, maliban sa ibabang bahagi ng kanyang ulo. Nagliwanag naman ang mga mata nya at naging asul.

"Ngayon kalabanin mo ko" sabi ko.

Hindi sya nagsalita pero lumabas mula sa lupa an dalawang mummies.  Binubugahan ako ng mga mummies ng nagyeyelong hangin ngunit kinokontra ko lang ito ng apoy.

Pinadyak ko ang paa ko at nagkaroon ng crack mula sa kinatatayuan kong lupa papunta sa kinatatayuan ng dalawang mummy.

Lumabas naman mula rito ang sobrang init na lava at nilamon ang dalawang mummy.

Bumalik sa dati ang kaanyuan ni Jinna at bumalik naman sa libro ang tinawag nya.

"WOW! Di ko maimagine na kaya kong gawin yon!" Sigaw ni Jinna sa pagkamangha. Nagtatatalon sya at niyakap yung libro.

"It will be very useful pagdating ng mga yon dito" sabi ko at ngumiti. There's no way for them to defeat us now. Di narin nila makukuha si Aien saakin.

Author's Narrate

Habang nagpapalakas ang grupo ni Xen, meron ding grupo ang naghahanda.

Pumunta sila Gian, Fhaye at Shai sa America matapos silang kausapin ang daddy ni Gian. Pagdating nila sa America ay agad silang dinala sa lab ng CuancoTech

Doon ay nakita nila ang isang bata na nakahiga sa loob ng isang capsule.

"Sya na ba yun?" Tanong ni Gian sa isang scientist

"Miggy Taylor, 10 years old, and nuclear energy is present in his body, sya na po yun" sagot naman nito. "Kasalukuyan naming kinukuha ang mga yun para ilipat na sainyong tatlo"

"Good" sabi ni Gian sa Scientist at ngumiti

"Malapit na ang pagbagsak mo Xen" bulong pa nya

To be continued....

Seems like may nalalapit na laban? uwu Stay tuned! Vote vote vote!

Love into Magic(Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon