Ang mahirap kasi sa buhay iyon yung kaya mo naman na gawin pero hindi mo kayang subukan. Kaya mo naman lumaban pero hindi mo parin sinubukan. Alam mo naman kaya mong ipanalo pero hindi ka lumaban. Ang bawat isa may mga pinahahalagahan, pamilya, kayamanan, kasikatan, rangko. Ako? Isa lang ang pinahahalagahan ko, ang kaibigan ko na maituturing kong pamilya at kayamanan, lumaki ako na sila na ang kasama ko, gigising ako sila ang makikita ko, kakain ako sila ang kasabay ko kaya nasabi ko ng mga panahon na iyon na wala na akong ibang gustong hilingin pa kundi ang makasama sila araw-araw na masaya at ligtas. Pero siguro nga hindi palagi masaya, isang araw nagising ako wala na ang dalawa sa tatlo kong kaibigan ang dahilan? Lumabas sila ng gabi na mahigpit pinagbabawal dito sa lugar namin na kapalit ng paglabag mo ay buhay o kaya naman ay magiging servant ka sa loob ng Palasyo o Akademya. Ang ELISCAVE PALACE lugar ng mga mayayaman at makapangyarihang tao pero hindi kami katulad nila, naninirahan kami sa isang simpleng bahay, nagtatrabaho para makakain sa araw-araw.
Nakiusap kami sa mga kawal ng palasyo kung maari nila ipakita sa amin ang dalawang namin kaibigan pero ang sabi nila "Kamatayan ang ipinataw na parusa sa kanila" doon nagsimula ang pagkamuhi ko sa lahat ng tao na nasa palasyo kaya pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako tutungtong sa lugar na iyon.
Pero ito ako ngayon nakatayo sa harap ng malaking gate ng Akademya na katabi lamang ng palasyo naghihintay na makabalik sa isang kawal na pumasok sa loob ng information office para ipaalam ang presensya ko, maya-maya ay bumalik din ang kawal na may kasama ng dalawang may edad na babae, isang lalaking may edad at anim na kaedad ko na nakasuot ng uniform na binubuo ng apat na lalaki at dalawang babae na sa mga itsura pa lamang ay halatang laking mayayaman talaga. "Anung pangalan mo Ms?" sandali akong tumitig sa kawal bago ako sumagot "Vixeniexe Dyatdre" pagpapakilala ko, napatingin ako sa mga kaedad ko ng may narinig akong impit na tili "Ikaw na yung inaantay namin since last year! Bakit ngayon ka lang pumasok dito?" masiglang sabi ng isang bababe, napakunot ang nuo ko dahil kinakausap niya ako pero di niya naman ako kilala, ang sabi kasi sa akin ni Austine huwag ako makikipagusap sa taong hindi ko kakilala, "I'm Alicia Fellix" pagpapakilala niya sa akin kaya tumango lang ako sa kanya "tapos ito naman si Mia Dale Zuades" tukoy niya sa isang babae na may mahabang buhok "Ito si Vincent Monteri, huwag ka magdidikit diyan babaero yan ei!" narinig ko ang pagangal nung Vincent sa sinabi Alicia "Ito naman si Jamesian Velasques" tumingin ako doon sa tinuro niyang Jamesian at tumango rito "Ito naman si Ethan Montemayor pinakamakulit sa amin!" napatitig naman ako kay Ethan dahil halatang masayahing tao ito naalala ko sa kanya si Austine "At ito naman si Lyndel Agustine Eliscave, leader natin!" Eliscave huh! The first son of Eliscave, the one who will sit next in the throne, the heir! Napatingin ako kay Alicia nang kumapit ito sa braso "Magsalita ka naman Niexe , aren't you prou--" i cut her word "Don't call me in that name! Isa lang tao lang ang pwedeng tumawag sa akin niyan!" inalis ko ang pagkakahawa niya sa akin at tumingin sa mga matatanda na kanina pa tahimik "Anung dapat gawin ko Mr and Mrs?" hindi ako sigurado sa pag address ko ng mga pangalan nila. "Well, since your here, dito ka na magaaral, kabilang ka narin sa Eliscave Royalty so act as one of them!" matapos sabihin iyon sa akin ng matandang babae ay umalis narin ito agad. "Tara na, masyado nang mahaba ang oras na nasasayang natin!" biglang sabi ni Lyndel, sumunod iba sa kanya kaya sumunod narin ako, ilang minuto ang nakakalipas ay tumigil kami sa isang mataas ng building pumasok kami dito at sumakay sa elevator, pinindot ni Mia ang 19F. Tahimik lang kami habang umaakyat ang elevator, malalim akong napabuntong hininga at ipinasok ang dalawang kamay sa dalawang buksa ng jacket na suot ko. Isang taon, isang taon akong nagsanay. Sinanay ang katawan sa sakit ng hampas, sugat at bugbog. Sinanay ang lakas ng pakiramdam, ang bilis ng kilos at gaan nito. Lahat ng ginawa at pagtitiis ko ay ang pagiisip na makuha ko si Austine sa kanila, hindi ako papayag na pati si Austine na kaisa-isa kong pamilya ay kukunin nila sa akin.
Sa isang taon na nagsanay ako wala din akong nabalitaan tungkol kay Austine, sa tuwing pinupuntahan ako ng babaeng nagalok sa akin na lumaban kapalit ng kalayaan ni Austine ay wala palya na tinatanong ko si Austine sa kanya pero palagi itong wala sagot sa akin kundi "keep training hard Ms. Dyatdre!" minsan nga naiisip ko kung maysaysay pa ba ang paghihirap at pagtitiis ko! Sana ayos ka lang Austine kung nasaan ka man naroroon ngayon.
Napatingin ako sa pintuan ng elevator ng bumukas ito katulad kanina ay tahimik kaming lumabas, tumigil sa isang pintuan si Lyndel at tumingin sa akin "02131205 yan ang password ng dorm natin Vixen" 1 what? Natin? "What do you mean natin?" umakbay sa akin si Vincent "Vixen baby, magkakasama tayo sa isang dorm pero don't worry may kanya-kanya naman tayong kwarto sa loob! Takot lang namin sa isa diyan kapag wala kang magandang kwarto dito" nakakunit ang noo kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin at naunang ng pumasok "saan ang kwarto ko? I want to rest" tanong ko sa kanila pero imbis na sumagot ang isa kanila ay hinawakan ni Lyndel ang kamay ko at iginaya ako sa isang pintuan at binuksan iyon dahil hawak ni Lyndel ang kamay ko pumasok narin ako "this is your room, wide and neat, you have your own comport room" nakasunod lang ang tinggin ko sa kanya habang tinuturo niya ang mga sinasabi niya, may binuksan siyang isang pang pintuan na katabi ng sa CR matapos ay mabilis na lumapit ito sa akin hinila ako papasok doon "This is your closet, lahat ng kailangan mo ay naandito na kapag may kulang o problema ay sabihin mo agad sa akin. I will provide it." tinignan ko naman ang mga pinagsasabi niya at halos lahat ng iyon libo ang presyo ng bawat isa. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin rin sa akin "Ang maging ka-grupo kayo ay hindi kinwestyon, ang makasama kayo sa iisang bubong ay hinayaan ko dahil alam kung kailangan iyon dahil iisang grupo tayo pero ang mga ito ay hindi ko matatanggap! May mga gamit akong dala iyon ang gagamitin ko. Salamat na lang pero makakalabas ka na!" Binuksan ko pa ang pintuan para sa kanya pero hindi ito natinag sa kinatatayuan niya at mariin na nakatingin sa akin "You can't wear a cloths like them, you are part of Eliscave Royalty now, hindi mo alam ang mga ugali ng students dito na nagaantay sa pagdating mo, kaya dapat maging presentable ka bago ka humarap sa lahat" ngumisi ako sa kanya "Yeah right! Nakakahiya nga naman na araw-araw kayong may kasama na pulubi" akmang magsasslita ito pero hindi ko na sia hinayaan pa " alright i get it now, susoutin ko ang mga iyon simula ngayon pero lumabas ka na, gusto kong magpahinga!" nagtangis bagang ito na humakbang palapit sa akin "I just wanna remind you na Eliscave ang kausap mo ngayon, walang kumakausap sa akin ng ganiyan!" asik nito sa akin, pinag cross ko ang mga braso ko sa dibdib ko at lalong ngumisi sa kanya" And i don't care! For your information Mr. Eliscave i don't give a fuck! Eliscave or not wala akong susunurin na kahit sino dito, masanay ka na dahil ganito talaga ako makipagusap kahit kanino!" Lintaya ko sa kanya "I ruled everything here so fo--" i cut him "At ako ang ilalaban sa IWATA FIGHT! So better back off Mr. Eliscave, katulad ng sabi ko kanina wala aking pakialam kung sino ka man, andito lang ako para maghanda sa laban na hindi naman dapat sa akin!" pero dahil si Austine ang hawak niyo laban sa akin wala akong magawa kundi ang lumaban. Tumingin ako sa kanya ng diretso kitang kita ko kung paano ito natigilan "Stop messing with me Lyndel, i'm not here to follow you or anyone, i'm just here for one an only reason and it's to fight in IWATA!" And save my best friend. Without a word he left my room. Pabagsak akong humiga sa kama, bahagya pa akong lumubog kaya napaayos ako ng higa, napakakomportable sa pakiramdam, may air-conditioning pa! Ang yayaman talaga. Tumayo ako at pumasok sa closet para kumuha ng isang t-shirt at maong short sa ganito kasi coportable, nang makabihis ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bagpack na dala ko, lumang version! Lumabas ako ng kwarto nadatnan ko silang lahat na nanonoud ng tv, umupo ako sa single sofa na malapit sa kanila at nilabas ang cellphone para maglaro doon, tanging ingay lang ng tv ang maririnig dito. Ang boring hindi katulad sa labas palaging may ginagawa, pibhasa mga anak mayayaman kaya sanay na sa ganitong gawain. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo, lalabas muna ako at doon tatambay sa labas. Lumabas ako ng walang sabi sa kanila at sa tingin ko naman it's not necessary na sabihin ko sa kanila lahat ng gagawin ko. Pumasok ako loob ng elevator at pinindot ang GF, ilang beses tumigil ang at bumukas ang elevator dahil may sumasakay at lahat sila tinititigan ako ng maigi pero hindi ko na sila pinansin pa. Nang makalabas ang ako ng elevator ay sandali akong naglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa garden umupo ako sa isang bench at tumingin sa mga bulaklak. Mahilig si Austine sa mga bulaklak sa katunayan ay may maliit itong garden sa bahay namin. Kung makikita ito ngayon Austine siguradong maiingit iyon. Konting tiis na lang mababawi din kita Austine at sana maintay mo pa ako. Kasunod niyo ay ang pagbalik ng mg mga alaala kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito."HUWAG ka na sumama Niexe, sandali lamang ako roon dahil kukunin ko lang naman ang sahod ko" pagpipigil sa akin ni Austine ng magpilit akong sumama sa kanyang lumabas. "Iyon na nga sandali ka lang kaya pasamahin mo na ako!" he sigh then extend his hand to me kaya inabot ko iyon at hinawakan "No matter what happen don't let go of my hand Niexe!" ngumiti ako dito at tumango "Oo naman!".
Naging maingat ang bawat kilos namin para hindi kami makita ng mga kawal na gumagala sa gabi. Mabuti na lamang ay hindi kalayuan ang bahay na pinagtrabuhan ni Austine ng araw na iyon kaya mabilis namin nakuha ang sahod niya. Matapos magpasalamat ay umalis narin kami agad, katulad kanina mabilis parin ang lakad namin at diretso pero pareho kaming naestatwa sa kinatatayuan namin ng may makasalubong kaming tatlong kawal sa pagliko namin, naging alerto at mabilis kaming nilapitan ng mga ito. Napatingin ako kay Austine ng maramdaman ko na kinakalas niya ang pagkakahawak niya sa akin kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit dito "Let go Niexe! hindi ka nila pwede makita at mahuli! Tumakas ka na!" mariing sabi niya sa akin, mas lalo akong umiling sa kanya tumingin ako sa mga kawal na palapit na sa amin at sumisigaw ng huwag kaming tatakbo kundi ay babarilin nila kami. Kahit anung higpit ng kapit ko sa kanya nagawa niya parin nakalasin ito at hinawakan ang pisngi ko "Run Niexe! babalik ako kahit anu manyari!" umiling ako dito habang umiiyak na "No! Iyan din ang sinabi nila Izhra at Vonico bago sila mawala!" sagot ko sa kanya "Babalik ako pangako! hindi kita kayang iwan ng matagal di ba?!" tumango ako sa kanya habang unti-unting humakbang ng patalikod "Gagawa ako ng paraan para mabawi ka Austine! pangako iyan! hintayin mo ako!" tumango siya sa akin at ngumiti, iyon ang naging hudyat para tumakbo ako sa maaabot ng lakas ko. Tumigil ako ng makita kong nakalayo na ako sa kanila at tumingin sa likuran ki nagbabasakaling nakasunod sa akin si Austine pero wala siya at siguradong tuluyan na itong nahuli ng mga kawal. I'm sorry Austine kung hindi sana ako nagpumilit na sumama sana nasa bahay ka na ngayon.
Diretso akong pumasok sa kwarto ko ng makarating ako sa bahay at doon umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiyak. Nagising ako nanlalabot kaya dumiretso ako sa kusina para magluto ng makakain, nang makaluto ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Naiwan sa ere ang pagkatok ko sana ng maalala ko ang mga senaryo kagabi kung paano nagpaiwan si Austine para lang hindi ako mahuli ng mga kawal. Bumama ulit ako sa kusina at malungkot na kumain mag-isa.
Nakaupo ako sa labas ng bahay ng may tumigil na magarang kotse sa tapat ng maliit naming gate, bumaba dito ang dalawang lalaki na kasuot ng suit at isang babae na nakasuot ng isang hapit na itin na bistida, walang pasabing pumasok ang ito at lumapit sa akin. "You must be Vixeniexe Dyatdre!" anang ng isang babae, tumayo ako "Ako nga po, anu po kailangan niyo?" tanong ko sa kanya, nangunot ang noo ko ng tumawa ito "Ikaw ang may kailangan sa amin Ms.Vixeniexe" napamaang ako sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan "Austine!" banggit niya sa pangalan ng kaibigan ko na ikinataranta ko "Anung ginawa niyo sa kaibigan ko? Pakawalan niyo siya!" lintaya ko dito "Sumali ka sa IWATA FIGHT papakawalan namin si Austine!" napalunok ako "I-iwata F-fight?" paninigurado ko "Yeah!" parang bang bored na sagot nito sa akin "But that's absurd, i can't fight you know that!" angal ko sa kanya pero ngumisi lamang ito sa akin "The decisions is all yours!" lumakad ito paalis, ito lang ba talaga ang paraan para palayain nila si Austine? pero hindi ko kaya makipaglaban! hindi iyo basta-bastang laban lamang dahik sabi sa akin dati ni Austine nakapanood na siya ng laban na iyon at wala daw kinatatakutan ang bawat kalahok doon. Tumingin ako sa babae na dahan-dahan na naglalakad palayo sa akin kaya tumayo ako at lumapit sa kanya "J-just give me time!" walang pag-asa sa boses ko pero ngumiti ito sa akin "Great don't yah worry you have a lot of time to train!" sabi nito at tuluyang lumabas sa gate at sumakay sila sa kotse.
Lumipas ang dalawang araw ay may dumating na dalawang babaeng nakaitim at sinabing sumama ako sa kanila dahil sila daw ang magsasanay sa akin sa loob ng isang taon, mahirap sa akin ang magtiwala pero iniisip ko na lang si Austine ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Eliscave Academy: School Of Soul Fight
Diversos"Sumali ka sa IWATA FIGHT papakawalan namin si Austine!" "I-iwata F-fight?" "Yeah!" "But that's absurd! I can't fight you know that!" "The decision is all yours!" "Just g-give me time!" "Great! Don't yah worry, you have a lot of time to train!"