Chapter 1

6 0 0
                                    

Amber's POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. I roamed my eyes around the room and I pretty guess it's a man's room. Hindi na maipagkakaila 'yon. Sinubukan kong bumangon at umupo sa gilid ng kama. I looked down to myself only to find that I am wearing nothing but my undergarments under a man's t-shirt. Sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang huling suot ko.

Pinikit ko ang mata ko at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ang paminsang-minsang pagkirot ng aking ulo ay hindi nakakatulong para marelax ang isip ko.

Ang pagkakasisante ko sa trabaho. Ang pagsayaw ko sa bar. Ang pagbugaw sakin ni inay. Tama! Ang lalaking malapit na makabangga sakin! Posible kayang sa kaniya itong kwarto na 'to?

Napalingon ako sa pinto nang mapansing tila may nagmamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang lalaking magkakrus ang braso habang nakasandal sa hamba ng pinto. He looks somewhat familiar. Oh right! Siya pala 'yung lalaki kagabi.

I was about to utter a word of gratitude for keeping me last night when I noticed him staring at me— well let me rephrase that. Nang sinundan ko kasi ang paningin niya ay nakatitig pala siya sa.... legs ko.

Maagap kong tinabunan ng kumot ang na-exposed kong legs. Tila natauhan naman siya at pinipilig ang ulo habang kumukurap-kurap ang mata.

Tsk, pervert.

Peke siyang umubo habang kinakamot ang batok. “Good morning. Did you sleep well?” Kimi akong tumango, bahagyang nakaalerto.

Mahirap na, baka rapist pala ang isang 'to.

“Nasaan ako?” tanong ko sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. “At saka..... ikaw ang nagbihis sa akin?”

I just noticed how his cheeks reddened in a split second. “N-nandito ka sa condo ko. Matapos mong umiyak kagabi ay nakatulog ka agad. And no! I asked my girl neighbor to dress you up. Nadumihan kasi ang damit mo dahil sa pag-upo mo sa grass.”

Oo nga pala, dinamayan niya ako sa panahong wasak na wasak ako. “Pasensya na kung naabala pa kita kagabi,” I said apologitically and he just smiled.

“You don't need to apologize. Besides, pwede kang manatili muna dito. Ayokong nang bumalik ka pa sa inyo matapos kong malaman ang mga karanasan mo sa puder ng mama mo.” Agad na napaangat ang tingin ko sa kaniyang gwapong mukha.

Okay hindi ko na ide-deny na gwapo siya. Maputi, matangos ang ilong, perfect jaw, mahabang pilik-mata, at higit sa lahat.... nagsusumigaw ng karangyaan. Don't expect me to say kissable lips 'cause I'm not a pervert like him.

But seriously? Ayaw niya akong ibalik sa pinagmulan ko? I'm just a stranger, but it feels like I am more than that to him. Kakakilala lang namin pero may tiwala na agad siya sa'kin. Is that even normal'

“Ah w-wag na. Baka maging p-pabigat lang ako sayo,” mahinang tanggi ko. Hindi naman ako gano'n kakapal ang mukha para tanggapin ang alok niya. Saka, hindi pa rin masisigurong mapagkakatiwalaan siya.

Naalala ko na naman kung paano ipamukha sakin ng mga tao na wala akong silbi. My tears fell immediately at the reminiscence.

“Hey, why are you crying?” Naramdaman ko ang mainit niyang palad na pumapahid sa mga luhang tumatakas sa aking mata. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Stop crying. Huwag kang mag-alala, I promise to never let you cry again. Kung sakiling iiyak ka ay sisiguraduhin kong dahil yon sa tuwa,” malumanay niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

Nagulat ako sa pagkahigpit ng yakap niya. But what really made me surprised is that I didn't even feel awkward, instead, I feel comfortable in his arms. Hindi ko na namalayang tumigil na ang pagtulo ng aking luha at niyakap siya pabalik.

Nang tuluyan na akong tumigil sa pag-iyak— which is very embarassing in my part kasi para akong bata— ay inaya niya akong mag-almusal. It's 9:25 in the morning kaya ngayon ay naramdaman ko na ang pagkagutom. Kumakalam na ang sikmura ko.

Pinagsuot niya muna ako ng jersey short na pag-aari niya. Lumabas kami sa kaniyang kwarto at hindi ko mapigilang mamangha sa kabuuan ng kaniyang condo. It has a modern motif  interior design with a color palette of black, grey and white. Not to mention na napakaaliwalas ng lugar. Hindi maipagkakailang nanggaling nga siya sa isang mayamang pamilya. Sa mga muwebles pa lang ay siguradong ilang libo na ang presyo ng mga iyon.

Bumaba kami sa hagdan at tumungo sa dining area. Nakabuntot lang ako sa kaniya na parang tuta.

“Saan ka nga pala natulog?” tanong ko matapos niya akong paupuin sa bangkong hinila pa niya para sa akin. May nakahanda na ring pagkain sa mesa. He's a gentleman. Iyan ang nasisiguro kong katangian niya na mabilis mapansin.

“Sa couch ako natulog. It's quite uncomfortable pero nakatulog naman ako ng maayos,” wika niya tsaka umupo sa tapat ko. I apologized once again. At gaya ng kanina, hindi na daw ako dapat magsorry. I'm kind of thankful to him. I'm just a stranger but he accepts me completely at his home like I'm one of his friend.

Tahimik kaming kumakain ng almusal, tanging ang tunog ng mga kubyertos lang ang maririnig. Aaminin ko, masyado na akong nahihiya sa kaniya. Sobra-sobra ang kabaitang pinapakita niya sa'kin. I thought bihira na lang ang mga ganitong uri lalaki. Now I'm wondering kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Is it just because of mere pity?

Psh, para naman akong batang lansangan niyan.

Sabay kaming natapos sa pagkain. Agad akong nagpresinta maghugas ng aming pinagkainan.

“Hindi mo na kailangan gawin yan. I'll wash the dishes,” aniya.

Umiling ako at tumungo na sa sink. “Ako na. Para naman masuklian ko ang kabutihan mo,” nakangiting sabi ko at sinimulang hugasan ang mga pinggan.

Hindi na siya umangal pa. I felt his presence at the back. Nilingon ko siya at nakita kong nakaupo sa kitchen table at matamang nakatitig sakin.

“H-hindi ka b-ba lalabas.” I mentally cursed myself. Hello, Amber? Condo niya 'to, saka bakit ba ako nauutal?

He just flashed a bright smile. “Just continue what you're doing. Dito lang ako.” Dahan-dahan naman akong tumango at binalingan ang mga hugasin.

Ramdam ko pa rin ang mga titig niya hanggang sa matapos ako. And during the past five minutes, there's only one word I could say: Awkward.

Tumalikod ako para tingnan kung ano na ang ginagawa niya at muntik pa akong napasigaw nang mabunggo ko ang matigas niyang katawan. Shoot, kanina pa ba siya sa likuran ko?

Pinakatitigan ko ang mukha niyang mala-adonis. I can't deny the fact that he is the most handsome man I ever met in my whole existence.

“Tara,” aya niya sabay hatak sakin palabas ng kusina.

“S-saan tayo pupunta?” Huminto siya sa tapat ng maindoor at hinarap ako. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil konting galaw lang ay mahahalikan ko na ang mapupula niyang labi. Ang lapit-lapit ng katawan niya sakin.

“We need to buy new clothes for you since you will be staying here for good. Okay?” sabi niya at ngumiti.

Napatingin ako sa sarili ko saka ko siya napapangiwing binalingan. “Nang ganito ang suot ko?”

“You look cute. Let's go.”

Hindi ko alam kung anong ispirito ang sumapi sakin at hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi nang lumabas na kami sa condo unit niya.

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon