Chapter 2

3 0 0
                                    

Amber's POV

Nandito kami ni Edward sa mall. Kanina ko lang nalaman ang pangalan niya. Nakakahiya naman kasi kung papatuluyin niya ako sa kaniyang condo nang hindi ko man lang alam maski ang pangalan niya kaya naglakas loob akong tanungin siya n'ong papunta kami sa mall. Napag-alaman ko ring isa siyang CEO sa sariling niyang kompanya.

“Amber, let's go.” Masyadong marami akong iniisip kaya hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami sa isang mamahaling boutique.

Nakayukong sumunod ako kay Edward na nakapasok na sa loob at may kausap na babae. I'm still wearing the same outfit as last night (sa kadahilanang pinalabhan niya agad ang mga ito kagabi) kaya hindi maiwasang mapalingon ang mga tao sakin. Para akong naligaw na batang lansangan, idagdag mo pa ang malaking tsinelas ni Edward na suot-suot ko ngayon. Nakakahiya!

Nang makalapit ako kay Edward ay hinawakan niya ako sa balikat at pinakilala sa babaeng kausap niya.

“Amber, she's Jane. She will help you pick any clothes you want. I'll just wait at the couch, okay?” I nodded.

Umupo nga si Edward sa isang leather couch at nagbasa ng magazine.

Inaya naman ako ni Jane sa mga nakahilerang damit. Just as Edward said, Jane did her duty to suggest some clothes that I might like. May nagustuhan akong mga damit pero masyado iyong mahal at pangmayaman ang disenyo kaya hindi ko 'yon kinuha. Hindi naman kasi ako mapagsamantalang tao. Kahit na sabihing libre ni Edward ang lahat ay alam ko naman ang limitasyon ko.

“Eto ma'am Amber, bagay sa'yo ang dress na 'to.” Tiningnan ko ang blue off-shoulder dress na kinuha ni Jane. Simple lang ito pero napakaganda.

I smiled. “Sige, para kahit papaano ay may dress ako.“

Sinuklian naman niya ako ng ngiti. “Alam mo ma'am Amber ang swerte mo sa asawa mo.” Humagikhik siya na parang teenager na nakapanood ng kilig scenes ng KathNiel.

“N-naku! Hindi ko asawa si Edward-”

“Asus nagdedeny pa si ma'am. Lahat ng babae ay pinapangarap ang isang sweet at gwapong lalaki tapos dinedeny mo lang? Wag ganun ma'am.” Napatingin ako kay Edward na prenteng nakaupo sa couch. Yes, he's indeed handsome and sweet. Napakabait rin niyang tao at higit sa lahat, gentleman.

Hindi ko inaasahan ang paglingon niya sa gawi ko at ang pagngiti niya sa akin.

“Ayieee namblush si ma'am Amber. Kinikilig kay mister yiieee,” pabirong inirapan ko si Jane.

“H-halika na nga. Baka mainip yun,” mahinang sabi ko habang pinipigilan ang pagngiti.

In the end, I only got those simple clothes. Yung casual na shirts at jeans lang kinuha ko kasi yun naman talaga ang nakasanayan ko. Kumuha rin ako ng mga underwear. Nasa pitong paper bags ang lahat ng damit. I'm now wearing a simple black shirt and faded jeans since kanina pa ako nilalamig sa suot kong shorts.

“Salamat Jane. Puntahan ko lang si Edward.”

Lumapad naman ang ngiti ni Jane. “Sige po ma'am Amber. Come again! Sana pagbalik niyo may laman na ang tiyan mo hihihihi.”

Pinandilatan ko siya ng mata. This woman has a wide imagination! Goodness gracious!

Nakayukong lumapit ako kay Edward na matiyagang naghintay na matapos ako. Si Jane kasi ang kulit at madaldal, hindi ko na namalayan ang oras at napasarap ang pagsama ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong pisngi ko nang maalala ang sinabi ni Jane kani-kanina lang.

Inangat ni Edward ang tingin sakin saka binalingan ang bitbit kong paper bags. “Yan lang ang nabili mo? Pwede mo namang dagdagan kung gusto mo.”

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon