3

5 1 0
                                    


This app is insanely cool! Bago lang ito para sakin. At nawindang talaga ang utak ko sa nakita ko ang cool nya. Kung sino man ang creator ng game na to thank you!

Welcome to Stigma Luxx!!

After mag salita yung metallic voice pinakita lang yung mga dapat pindutin ay dahil alam ko na yun at nakakatamad mag basa skip na lang. Pagkatapos ng boring na part na yun mag start na daw ako sa tutorial ko. First pinakita muna kung paano maisummon ang chain blade ko pati kung pano kontrolin ang apoy ko then after nun mag sisimula na yung tunay na laban.

Sa isang mapunong at madamong lugar magaganap yung laban in short sa forest mangyayari ang tutorial. Kaharap ko ngayon ay isang  normal wolf. Sa unang tingin normal lang sya pero nung mapatamaan ko sya ng aking chainblade pumula ang mgamata nya tumulis at humaba din ang kanyang mga kuko at pangil. At dahil sa pag kagulat hindi ko napansin ang kanyang atake.

"Ugh! Shit!" nakalmot nya ako sa balikat ko pero ang pinagtataka ko is bakit sumakit din ang balikat ko dun din sa part na natamaan yung avatar ko.

Isinawalang bahala ko na lamang ang sakit na nararamdaman ko baka guniguni ko lamang iyon. Pinag patuloy ko na lamang ang laban ko sa wolf unlike other games mas mahirap ito kayat mas lalo akong na chachallenge.

Sumugod nanaman saakin ang wolf pero this time naiilagan ko na ito. Mabilis ko lang naiiwasan ang kanyang mga atake pero nasasabayan nya parin ang bilis ko. Tumalon ako paatras para mailayo ang sarili ko sa kanya laking gulat ko na lamang ng bigla na sya nag pakita sa harap ko at akmang sasaksakin ako gamit ang kanyang matutulis na kuko kaya naman gumulong ako pakanan para maiwasan ko ito.

Ang weird ng game na to dapat madali lang ang tutorial e pero ayos na  ito sa una pa lang exciting na pano pa kaya kapag tunay na game na.

Hindi ko na hahayaang magalusan pa ako ng wolf na to kayat ako naman ang sumugod sa kanya habang papalapit ako sa kanya binabato ko sya ng fire ball upang duon matuon ang atensyon nya at ng makalapit ako sa kanya tumalon ako ng napaka taas  at inatamw sya mula sa kanyang likod binigyan ko sya ng tatlong malalalim na hiwa kaya naman lalo syang nagalit at akmang susugudin ako pero naunahan ko sya. Nag pakawala ako ng maliliit at maraming fire ball pinalibutan ko din sya ng apoy para hindi sya makaiwas sa gagawin kong atake. Kasabay ng mga fire ball umabante din akopero nung malapit na ko sa kanyagumilid ako sabay saksak sa likod nya at hiwa sa leeg nya sabay pakawala ng malaking fire ball. Pinanood ko syang maging abo dahil sa apoy ko.

Congratulations you successfully finish the tutorial!

"Yes! Yahoo!" Sigaw ko ng mabasa ko ang notification mula sa game. Mag vivictory dance na sana ako ng marahas na bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Maiden Bren Limbo!" Sigaw ni mama. Patay.

StigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon