INABOT na siya ng hating-gabi sa kaantay sa asawa ngunit ni anino nito ay hindi dumating.Sabagay dapat sanay na siya sa pagtrato nito sa kanya.Mapait siyang ngumiti.Akala niya,tama ang naging desisyon niyang makasal sa taong matagal na niyang pinapangarap ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito ang sitwasyong kinasadlakan niya.Everyday they had to act like a normal couple kahit pa taliwas iyon sa katotohanan.
Masakit.
Nakakapagod.
"You need to act as a perfect wife infront of others pero tandaan mong asawa lang kita sa papel.And never would I fall for your games!No your place." Tandang tanda pa niya ng sabihin iyon ni Lance sa kanya.Paano ba niya makakalimutan?Sinabi 'yon sa kanya on their wedding day.
Kunti na lang,pakiramdam niya susuko na siya.Wala ring nakakaalam maski sa mga kaibigan niya kaya wala man lang siyang mapagsabihan.
Mapait siyang ngumiti.Gustuhin man niyang umiyak ngayon at ibuhos lahat ng nararamdaman,wala na rin itong saysay pa.Kaya matapos ang isang oras na pag-aantay ay nagpasya na siyang umakyat sa kanyang kwarto.Sabagay kahit naman dumating ito ay parang hindi naman siya nakikita nito.Magkaiba nga silang ng tulugan eh.Mag-asawa lang talaga sila sa papel.Pakitang tao lang kung anuman ang meron sa kanila.
Hindi na rin niya nalamayan na nakatulog na rin pala siya.
PASADO alas sais na ng magising siya kinabukasan kaya dali-dali siyang bumangon at dumiretso ng banyo upang maligo at ayusin ang sarili.They may not be the typical married couple but she see's to it na nagagampanan pa rin niya ang tungkulin niya bilang isang tunay na asawa.Kahit pa kadalasan ay balewala ang mga ginagawa niya para dito.Sinisiguro niyang naipagluluto niya ito ng almusal at naihahanda niya rin ang susuotin nito.
Siguro nga,natutunan na niyang pakibagayan ang sakit at pambabalewala nito kaya hindi na gaanong masakit kapag hindi siya nito pinapansin.
She sighed deeply.Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na sa kusina.Katatapos lang niyang maghain sa mesa ng bumaba ang asawa.He looked dazzling and handsome in his blue long sleeve na nakatupi hanggang siko na pinaresan nito ng itim na slacks. Sabagay,kailan ba ito naging pangit sa kanyang paningin?Palagi naman itong gwapo kahit pa bagong gising ito at hindi pa naliligo.
Ipinagtimpla niya ito ng kape bago siya umupo.Nakakabingi ang katahimikan.Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng kanilang kubyertos at plato.Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.Manaka-naka niya itong sinusulyapan subalit nananatiling walang ekspresyon ang mukha nito.
Narinig niyang tumunog ang cellphone nito at nakita niya kung paanong nagsalubong ang kilay nito.Hindi na nito tinapos ang pagkain at nagmamadaling umalis na.
Habol niya ng tanaw ang likod nito.Buong akala niya,sanay na siya sa pagtrato nito sa kanya na para bang hindi siya nag-eexist but deep down inside her,it hurts like hell.
Ilang taon na nga ba silang kasala?
Yes.Halos dalawang taon na silang kasal at oo,ganito na ang set-up nila umpisa pa lang nang pagsasama nila.Hindi nga niya alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat.Hindi ito ang pinangarap niyang buhay may-asawa.Malayong-malayo sa sitwasyon na pinapangarap niya.Isa lang ang naging konsolasyon niya sa mga nangyari,he had gotten the chance to marry the man of her dreams. The man she had learned to love more than herself.
Iniligpit na rin niya ang pinagkainan nila.Nawalan na rin siya ng ganang tapusin pa ang kanyang pagkain.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay nila.It was supposed to be there home but it look like a cage for her right now.Isang kulungan nang mga lungkot at pasakit na kanyang nararanasan.Isang lugar kung saan kailangang manatili ang mga pangit na pangyayari.
BINABASA MO ANG
GUEVARRA BROTHERS SERIES 3(LANCE)
RomanceMATURE.COMPLETED.RATED SPG. LANCE GUEVARRA,a well renowned neurosurgeon around the world.Walang social life,no set of friends at wala pang naging girlfriend eversince.All work and no play makes a person dull,that's what they say but for him,wor...