Chapter 4

2.5K 100 4
                                    


       Hindi na siya nagdalawang isip na umalis ng matanggap niya ang isang text mula sa isang unknown number. Alam na niya kung sino iyon at kung ano ang kailangan nito.Dahil sa sobrang pagkataranta ay hindi na niya nagawa pang maligo.Nagpalit na lang siya ng damit at kaagad na dinampot ang kanyang clutch bag bago nagmamadaling lumabas ng bahay.Alam niyang magagalit ang asawa sa sandaling malaman nitong umalis siya na hindi kasama si Mang Kulas.Tsaka nalang siya magpapaliwanag pagkabalik niya.She badly need to get there.

     She must.

     Agad siyang sumakay sa nakaparadang sasakyan sa di kalayuan.Good thing may mga tunay siyang kaibigan na alam ang tunay niyang sitwasyon kaya nakahandang tumulong ang mga ito.Alam na rin ng mga ito ang gagawin just in case something happens like this.Mabuti nalang at wala din si Mang Kulas ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay mahihirapan siyang takasan ito.Nakahinga lang siya ng maluwag ng makalayo na at mukhang wala namang sumusunod sa kanya.

     Habang nagmamaneho ay hindi siya mapakali at hindi maalis ang kaba at takot na kanyang nararamdaman.Sari-saring imahe ang nabubuo sa kanyang kaisipan na lalong nagdaragdag sa takot na nararamdaman.Mahigpit ang kapit niya sa manibela,waring doon kumukuha ng lakas.Isang malalim na buntunghininga ang kanyang pinakawalan upang kahit paano ay payapain ang sarili.She may have been in this situation for so many times but the fear and pain she's been experiencing just intensifies even more.

     Hindi na niya mabilang kung ilang sasakyan na ang kanyang nilagpasan marating ang sinasadya.

     Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan ng makarating siya sa paroroonan.Halos liparin na niya ang kwarto na kinaroroonan ng taong pinakaimportante sa kanya.Ang isang taong siyang dahilan kung bakit nagtitiis siyang makapiling ang asawa.Kung asawa nga ba siya nito o isang tropeo na kailangan nitong ibandera sa mundo.

     Dahan-dahan siyang lumapit sa kinahihigaan nito.Ginagap niya ang kamay nito marahang pinisil iyon.Dinala niya sa kanyang bibig ang kamay nito at mabini iyong hinalikan.Bilang isang ina,napakasakit para sa kanya ang makita ang anak sa gaanong kalagayan.Sa bawat araw na dumaraan ay unti-unti siyang pinapatay sa kaalamang naghihirap ito at wala siya sa tabi nito.Ngunit alam ng Diyos ang rason kung bakit kailangan niyang panandaliang lumayo sa anak.Ayaw niyang madamay ang anak sa gulo ng mundong kanyang ginagalawan.Ayaw niyang dagdagan pa ang sakit na nararanasan nito.

    "Kanina ka pa niya hinahanap.Mabuti nga at nakatulog kaagad."

    Nilingon niya si Nanay Lolit na siyang nag-aalaga sa anak magmula ng maisilang niya ito.Ninang niya ito at retired nurse kaya alam niyang hindi nito pababayaan ang kanyang anak.

    Lumapit ito sa kanya at banayad siyang hinalikan sa ulo.

     "He'll be safe.Gagawa tayo ng paraan upang gumaling siya.Hindi tayo pababayaan ng Diyos lalo at alam niya kung ano ang pinagdaanan mo at ninyong mag-ina kaya manalig lang tayo sa kanya.Pasasaan ba at matatapos din 'to!"

     Hindi na niya napigilan ang luha ng mamalisbis ito sa kanyang magkabilang pisngi.Saksi ang Diyos sa sakit at paghihirap na pinagdadaanan ng kanyang anak at bilang ina,doble naman ang sakit na dulot noon sa kanya.May mga pagkakataon na gusto na niyang sumuko at piliing makasama ang anak ngunit hindi niya magawa.May mga bagay siyang dapat gawin para sa ikabubuti nito.Para sa kaligtasan nito.Labag man sa kanyang kalooban na mapalayo dito,kailangan niyang tiisin.Kailangan niyanv kumita upang matustusan ang mga pangangailangan ng anak.Kailangan din niyang makalikom ng malaking halaga sakali mang dumating ang panahong makahanap sila ng donor.

    A bone marrow donor.

    Binigyan na siya ng ultimatum ng mga doctor.Kailangang maoperahan ang kanyang anak sa lalong madaling panahon.Kung gaanon lang siguro kadali ang maghanap ng bone marrow donor na ka-match nito.

GUEVARRA BROTHERS SERIES 3(LANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon