Chapter 3

2.7K 98 4
                                    


Hatinggabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Marga.Hindi niya maiwasang mag-alala sa asawa kahit pa hindi naman siya pinapansin nito.Talagang sagad sa buto ang galit sa kanya.Sagabay,hindi niya ito masisisi.Nagpasya na lang siyang matulog na lang.

As if he cares about me,... Bulong niya.And it's killing her everyday knowing that he hates her so much.Wala man itong sinasabi sa kanya ngunit mas masakit ang ginagawa nitong hindi pamamansin sa kanya.

Cold treatment.That is.

Nararamdaman din niya bilang isang babae ang mga aktibidadis nito sa iba bilang isang lalake.Halos ikamatay niya iyon ngunit wala siyang magawa dahil alam niyang kasalanan niya ang lahat.

Ngunit hanggang kailan niya matitiis ang pagtrato nito sa kanya?

Hanggang kailan niya makakayanan ang kaparusahan nito?

Naramdaman na lang niya ang pamamalisbis ng kanyang mga luha.Bawat gabi ay ganon na lamang ang nangyayari sa kanya.Hindi niya namalayan na nakatulugan na lang niya ang pag-iyak.

HINDI rin siya nakatiis na hindi umuwi sa kanyang bahay
Wala naman siyang pakialam kung naroon ang asawa at naghihintay sa kanya.Hindi rin naman siya natatakot sa kalagayan nito at alam niyang mahigpit ang seguridad sa lugar nila and besides alam niyang hindi ito pababayaan ni Mang Kulas.Ilang oras din siyang nanatili sa bahay ng ina.Bandang alas tres na ng madaling araw ng mapagpasyahan niyang umuwi ng masiguro niyang nasa ayos na ang lahat.Hindi talaga mawawala ang mga taong may maiitim na balak sa kanilang pamilya.They've all been receiving death threats but look's like Kent's life is at stake right now.Mabuti na lang at magaling ang mga nakuha nitong bodyguards.

He felt tired all of a sudden.Ewan ba niya kung bakit hindi siya mapakali.Kung tutuusin dapat nga ay iwasan niyang makita ang asawa dahil ipinaaalala lang nito ang pagmamanipula at panggagamit nito sa kanya.Ngunit sa tuwina na lamang ay may kung anong pwersa ang humihila sa kanya papalapit dito.

Such a gold digger and conniving bitch! Bulong niya sa sarili ng biglang umahon ang pagkamuhi sa asawa.Ngunit sa kaloob-looban niya ay may isang parte na hindi matanggap na ganoon ang turing niya rito.

Malakas niyang nahampas ang manibela ng kanyang sasakyan.At lalo lang uminit ang kanyang ulo ng maamoy ang natural na bango ng asawa sa loob ng sasakyan.Kung sa ibang pagkakataon lang siguro,aaminin niyang si Margarette ang tipo ng babaeng gugustuhin niyang makasama bilang asawa.Hindi niya lang matanggap kung paanong minanipula nito siya nito.He was used of being on top of everything doing what he wants without a need of anyone's approval.Siya ang nagdedesisyon sa lahat.He's a Guevarra and he do things his way,with his own rules.Tapos bigla itong darating sa buhay niya at sa isang iglap ay naging asawa niya ito.At sa buong buhay niya,ngayon lang nangyari na hindi niya napaghandaan ang lahat at kahit anong isip niya,hindi niya maapuhap kung bakit napunta siya ganoong sitwasyon.Maybe because he was attracted with her the momemt he first saw her.

Hindi na niya namalayan na nakauwi na pala siya.Kusang bumukas ang malaking gate sa kanyang harapan.Agad niyang minaniobra ang sasakyan papasok sa loob.Kusa din iyong sumara ng tuluyan na siyang makapasok.

The perks and privilege of being a Guevarra and a well known doctor.

Mapait siyang napangiti.Kaakibat ng pagiging isang Guevarra ay ang bigat ng responsibilidad nito.You shouldn't let your guards down or you'll be dead.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya pagkapasok sa loob ng bahay.It feels so empty.Marahil ay tulog na ang asawa.Ipinatong niya ang coat sa sandalan ng sofa at pahinamad na umupo roon.Marahan niyang hinilot ang sintido dahil sa pagsakit noon.Ipinikit niya ang mga mata ngunit tukso naman na mukha ng asawa ang nakikita pa rin niya.

"Damn,woman!What have you done with me?" Hindi niya napigilang maibulalas ang mga salitang iyon.

GUEVARRA BROTHERS SERIES 3(LANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon