Chapter 1:

391 14 0
                                    

"One week nalang at magiging Mrs. Qunsio na ako. I'm so excited." Masayang sabi ni Jasmine sa sekretaryang si Marrah.

"Excited na rin ako para sayo Ms. Min." Nakangiting sabi ni Marrah.

Bigla namang tumunog ang phone ni Jasmine at napangiti siya ng makitang ang tumatawag ay si Charlie, ang secret fiancé niya.

"Ang lapad ng ngiti mo Ms. Min a. Si Sir Charlie ba yan?" usisa ni Marrah. Nakangiting tumango lang naman si Jasmine at agad na sinagot yung tawag.

"Hello love." Nakangiting bati ni Jasmine dito.

"Hi love. Are you in your company?" tanong ni Charlie sa kabilang linya.

"Yes love, I'm here in my office right now." sagot ni Jasmine.

"Okay. Wait me love. I'm on my way." Masayang sabi nito.

"Okay. Take care love." Ani ni Jasmine bago ibaba ang tawag.

"Inlababo po talaga kayo kay Sir Charlie Ms. Min no?" nakangiting tanong ni Marrah na ikinapula naman ng muka ni Jasmine.

"Anong klaseng tanong yan Marrah?" nahihiyang sabi ni Jasmine.

"Nahihiya pa si Ms. Min. Eh halata naman sa mga ngiti nyo kanina."

"Obvious naman pala tapos tinatanong mo pa ako." Natatawang sabi ni Jasmine.

"Gusto ko lang po kasing kompirmahin. Kasi for sure, ganun din po si Sir Charlie sa inyo." Nakangiting sabi nito.

Bigla namang pumasok sa loob ng opisina ni Jasmine ang isa sa empleyado niya.

"Ms. Min meron pong nangyaring aksidente malapit sa kompanya natin." Ani ng empleyado ni Jasmine.

"Anong klaseng aksidente?" pag-aalalang tanong ni Jasmine.

"May kotse po na biglang sumabog."

"Kotse? Kaninong kotse?" agad na tanong ni Jasmine.

"Hindi pa po kompirmado kung kanino pero sa pagkakaalam ko po dito po sa kompanya natin papunta yung kotse."

"Marrah samahan muko. Puntahan natin at baka kilala ko kung kaninong kotse yun." Ani ni Jasmine at agad na lumabas ng opisina. Sumunod naman si Marrah sa kaniya pati yung empleyado ni Jasmine.

Palabas na sila Jasmine ng Min-Min Company ng bigla namang nanginig ang kaniyang mga tuhod. 'What the hell! Ba't parang nanginig tong tuhod ko? Kumain naman ako kanina a.' ani nito sa sarili.

"Dito po tayo Ms. Min." pagtuturo ng daan na sabi ng empleyado ni Jasmine.

"Malayo pa ba?" tanong ni Marrah dito.

"Malapit na po tayo." Ani ng empleyado.

Lumiko naman sila sa bandang kanan ng hallway.

"Ayan na po." Turo ng empleyado sa umaapoy na sasakyan na kalahating kilometro ang pagitan mula sa pwesto nila.

'This car is so familiar. Hindi pwedeng sa kaniya to. Please... sana hindi po ito kay Charlie.' Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jasmine sa isipan.

"Hindi ba kotse ni Sir Charlie yan?" ani ni Marrah.

Agad namang nilapitan ni Jasmine yung mga pulis at agad na nagtanong sa mga ito.

"Sir, did you already confirmed whose car is this?" nanginginig na tanong ni Jasmine.

"Yes Ma'am. It's from Mr. Charlie Qunsio." Sabi ng police officer na ikinagulat at ikinabagsak ng luha ni Jasmine.

My Secret Fiancé [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon