Chapter 3:

140 7 0
                                    

Biglang nagising si Steven dahil sa himas ni Jasmine sa kaniyang dibdib. Komportable itong nakayakap sa kaniya at ang himbing ng tulog. Pinagmasdan niya na muna ito.

'Mas maganda siya kapag di niya suot yung salamin niya.' Sabi ni Steven sa sarili at agad na binigyan ng matamis na halik si Jasmine sa forehead nito.

Dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakayakap ni Jasmine at agad na bumangon sa kama niya. She saw the eyeglasses of Jasmine on his side table. 'Ilan kaya yung grado nito?' curious niyang tanong sa sarili kaya tiningnan niya ito at sinubukang isukat. Nagulat naman si Steven sa nasaksihan. It's too dark na parang wala siyang makita.

"Is she can afford to use these eyeglasses? May nakikita pa ba siya nito? So weird." nakakunot noong tanong ni Steven sa sarili.

Agad niya itong itinanggal sa pagkakasuot at ibinalik sa side table. He opens the curtain on the window inorder for the sunlight to pass through his room. Matapos nun ay lumabas na rin siya ng kwarto niya para maghanda ng breakfast.

***

Nagising si Jasmine dahil sa sikat ng araw na tumambad sa kaniyang muka. Alam niyang wala siya sa kaniyang bahay dahil wala naman siyang window sa kaniyang kwarto. Hindi niya naman klaradong makita kung nasan siya dahil sa napakaliwanag at di niya suot yung eyeglass niya. Natatakot na siya kaya tinakpan niya ang muka ng kumot. Medyo masakit pa yung ulo niya epekto ng paglalasing niya kagabi. Naramdaman niya din naman ang pangangalay ng ibabang katawan na animo'y naglakad ng ilang kilometro ang layo.

'Tsk! Ano ba yung ginawa ko kagabi? Ba't halos lahat ng parte ng katawan ko nangangalay sa sakit?' tanong ni Jasmine sa isipan.

Sinubukan niya ng hanapin yung eyeglass niya. Nang makitang nasa side table ito ay agad niya itong kinuha at sinuot. Matapos nun ay don niya lang napagtanto na wala siyang suot na damit.

"Teka, nasan yung damit ko? Tsaka, nasan ako?" taranta niyang tanong sa sarili tsaka nilibot ng tingin ang kwarto. "Kaninong kwarto to?" naguguluhang tanong niya. Nakita niya naman ang bathrobe na nasa sahig kaya agad niya itong isinuot.

"What the hell? Nasang lupalop ba ako ng mundo?" naiinis niyang tanong sa sarili tsaka paika-ikang lumabas ng kwarto.

'Ah! My thighs hurt.' reklamo niyang sabi sa isipan.

Nagulantang naman siya ng tumambad ang lalaking nakatopless sa harapan niya.

"You woke up already? Hali ka magbreakfast na muna tayo?" nakangiting sabi ni Steven at akma na sanang hahawakan sa kamay si Jasmine ng agad niya naman itong maiwas rito.

"OMG! Don't touch me! Atsaka, sino ka?!" nanlilisik ang mga matang sabi ni Jasmine habang nakaduro ang kamay kay Steven.

"Wtf, don't tell me wala ka na namang naaalala?" sabi ni Steven habang nakapamewang.

"Is it not obvious? Magtatanong ba ako kung may naaalala ako?!" Singhal niya kay Steven.

"Well, try to remember everything. Kasi kung ipapaliwanag ko lahat sayo baka abutin ako ng gabi." Ani Steven sabay talikod.

"Eh sa hindi nga kita maa---" 'Wait, I'm in the clubhouse last night and---and I met him there.'

"Oh? Natigilan ka? Naaalala muna?" tanong ni Steven sabay subo ng sandwich na kaniyang ginawa.

"I just remember that I met you in the clubhouse, and then we dance. After of it---you insist to drove me home because I'm drunk and---" natigilan sa pagsasalita si Jasmine ng makalimutan kung ano yung sunod na nangyare.

My Secret Fiancé [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon