1. Friends?

548 7 4
                                    

Nagising ako ng maaga dahil may pasok ako, malamang. Inaantok palang ako bakit kasi napakaaga ng pasok nagdadabog nalang akong bumaba at dumiretso sa sofa at agad nahiga don. Pumikit lang ako pero hindi ko alam na nakaidlip pala ako

"Hoy! Anong oras na wala ka bang balak pumasok?" gising ni mama sakin. Tiningnan ko ng mabuti yung orasan namin maaga palang naman e!

"Ma! Ang aga aga palang" nakapikit paring sabi ko agad naman nya akong kinurot sa tagiliran. Aww huhuh ang sakit kaya

"Kumilos kana at anong oras na" sabi pa nya atsaka dumiretso sa kwarto nilang dalawa ni papa. Nagdadabog nalang akong dumiretso sa kusina atsaka nagtimpla ng gatas at kumuha lang ng cookies. Umupo nalang ako doon hanggang sa maubos ko yung limang cookies na kinuha ko at ininom ko kaagad yung gatas. Pagkaubos ko nilagay ko nalang lahat sa lababo, bala sila jan. Tinatamad na kong maghugas

Umakyat ako pabalik sa kwarto at tiningnan ang oras sa cellphone ko. Kinuha kona ang twalya ko at nagtungo sa c.r mabilis lang akong naligo 30 minutes e sa ayaw kong magbabad sa tubig e. Nagbihis agad ako ng uniform atsaka kinuha kona ang bag ko. Nagtungo ako sa kwarto nila Mama at nakita kong tulog.

Napangiwi nalang ako atsaka dumiretso na sa labas. Nilalakad ko lang ang papuntang school dahil malapit lang naman dito yon hanggang sa hindi ko inaasahan na makasabay si Briaen isa sa mga kaibigan ko. Sabay kaming pumunta sa classroom at syempre nangunguna nanaman don ay walang iba kundi si Casey

"Woii adda ipakilalak kanyam" (may ipapakilala ako sayo) sabi nya. Nilagay ko naman ang bag ko sa upuan ko at dumiretso sakanya pinakita nya ung phone nya, umupo kaming apat at nagkumpulan agad syang nagtanong

"Kilala nyo si PJ nadnoeynos?" Tanong nya napailing nalang kami. Sin ba yon teka nag "nagfriend request sakin" dagdag pa nya

"Huh? Ako din e nagfriend request din sakin" sabi ko nilabas ko kaagad ang phone ko at binuksan ang facebook at pinakita sakaniya

"Ehh pati kanyak nag friend request!" (Pati saakin nag friend reguest) si briaen napatingin naman kami kay Isabela nilabas din nya ang phone nya at maya maya pa ay may nag poop sa notification nya

PJ nadneoynos sent you a friend request

Yan ang nagpoop sa cellphone nya. Nagtataka kaming tumingin sa isa't isa.

"Kilalanin mo sya ah, casey." Sabi ko napatango tango nalang sya marami narin ang nagsisidatingan na classmate namin.

Inistalk ko ang PJ na iyon. Hanggang sa may nakita akong tag sakanya

Kim Yonjoon with PJ nadneoynos and 5 others

Pinindot ko iyon at tiningnan ang mga naka tag. Puro koreano hindi kaya poser tong mga to?

"Guys parang poser" sabi ko. Iniistalk rin kasi nila

"Kaya nga" sang-ayon ni Isabela. Pinagpatuloy nalang namin ang pagsstalk. Hanggang sa magbell na at yun na ang pahiwatig na Time na. Nagsipuntahan na kaming lahat sa upuan namin at hinintay ang teacher na dumating.


Nandito na kami ngayon sa canteen nakaupo kami sa isang bench dito. Syempre pinagpatuloy namin ang pag stalk pagkatapos ng dalawang subject konti lang ang Pictures nila and hindi rin gaanong ka famous.

"Guys teka" si casey. Napatingin nalang kami sakanya

"Bakit?" Tanong ni briaen. Agad namang pinakita samin ni casey yung phone nya

"Sa Baguio 'to diba?" Tanong nya. Sa strawberry farm iyon sa baguio posible kayang hindi sila poser?

"Oo pero, hindi parin tayo sure kung Poser sila o hindi" sabi ko. Napakibit balikat nalang kami. Tuloy lang kami sa pag stalk syempre curious kami no! Bigla nanamang nagbell gosh bat ang bilis ng 30 minutes?

My Lovelife StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon