Naglalakad na ako papunta school. Hays nakakapagod kaya maglakad ya know aishhh. Pinagsisisipa ko nalang yung mga maliliit na batong nakikita ko ng hindi ko alam na may natamaan ako
"Ouch!" Aniya tiningnan ko sya. Matangkad, maputi, uhm teka medyo singkit ang nipis pa ng labi parang koreano. Tama koreano nga e ano namang ginagawa ng koreano diba dapat sa baguio sila kasi malamig don ang init kaya dito sa ---- La Union
"Inoobserbahan mo ba ako?" Teka marunong syang magtagalog? Koreano ba talaga to?
"Hindi bakit kita oobserbahan?" Sabi ko. Nilagpasan ko nalang sya malalate ako e pero napansin ko na sumusunod sya
"Magnanakaw ka no? Bat ka sumusunod sakin?" Sigaw ko sakanya. "Tulong tul---" hindi natuloy yung sasabihin ko ng takpan nya yung bunganga ko ng palad nya. Ang bango ng kamay nya infairness hahah
"Ang ingay mo, hindi naman ako magnanakaw" sabi pa nya tapos binitiwan na ako nagulo na tuloy itong buhok my goshh
"Bat ka sumusunod sakin" pagtataray ko. Ang gwapo nya kaso basta ewan hehe
"Aishh nevermind" sabi nya at umalis na. Tiningnan ko lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napamaang nalang ako tapos dumiretso ako sa school. Pagkapasok ko completo na ang mga kaibigan ko. Agad naman akong tinawag nila briaen
"Oi babae. Dali halika nga" sabi pa nya agad kong nilagay ang bag ko sa upuan atsaka tumabi sa kanila
"Ano ba yon?" Tanong ko. Pinakita nila yong phone ni casey saakin at nanlaki ang mga mata ko
"Nandito ngayon sila sa ----" sabi ni briaen nakangiti naman sila habang tinitingnan ako. Inisip ko kaagad yug koreano na nakaharap ko kanina
"K-kasi may k-koreano akong nakaharap kanina" sabi ko sakanila nanlalaki naman ang nata nila
"WHAT SIGURADO KA?" Tanong ni Briaen napa tango tango naman ako.
"Ano ginawa mo?" Tanong ni isabela
"Natamaan ko kasi sya ng bato" tapos kwinento ko sakanila ang mga sumunod na nangyari. Huhuh baka isa sya sa mga koreano na kachat namin
"Patay ka jan. Sabi pa naman nila pupunta sila dito ngayon" si casey. Kinakabahan naman ako naku patay talaga ako. Maya maya pa ay sabay sabay na nag vibrate ang phone namin at galing iyon sa gc naming mga Armys na kasama ang pitong koreano
BTSFam
I met a girl earlier. She is annoying -yonjoon
Nagkatinginan kaming apat. Tiningnan nila ako ng lagot-ka-look
Jinja? Where?
Kwento rin ni yonjoon saamin may nakita syang babae kanina pinagkamalan pa nyang magnanakaw e -PJ
Tiningnan nila ako ng masama. E malay ko bang napagbintanga ko sya ng magnanakaw sumusunod kasi sya e kasalanan ko pa
"Whut? Pinakamalan mo syang magnanakaw?" Tanong ni briaen. Umoo nalang ako ano magagawa ko kasalanan naman nya
"Eh sumusunod sakin e" reklamo ko din. Bat ako ang sisisihin nila bahala sila
Srsly? Can you describe this girl?
Arg. She's beautiful but so annoying and she is a rude woman -Yonjoon
Napakunot nalang ang noo ko. Narinig ko naman na tumawa sila tiningnan ko sila ng masama
BINABASA MO ANG
My Lovelife Story
Teen FictionUmibig ako sa lalaking pinakilala saakin ng mga kaibigan ko. Isang koreanong ngayon ko lang nakilala