Naglalakad si Lash papunta sa car park kung nasaan ang sasakyan niya ng may babaeng nakablack shades at cap ang humarang sa kanya. Nagulat pa siya at akala niya ay holdaper ito kung hindi ito nagsalita.
"Lash, Hugz, Wait si Yuri ito. Huwag kang matakot." sabi ni Yuri sa mahinang boses. Tiningnan lang siya ng seryoso ni Lash at umiba ng direksyon. "Lash naman! Kausapin mo ko please." Bigla naman humarap sa kanya si Lash.
"Hindi na ako magpapadala sa kasinungalingan mo! Hindi na ako maniniwala sayo kahit kailan. Kaya kahit anong gawin mo, wala na akong pakialam!" naghihinanakit na sabi ni Lash. Gustong tumulo ng mga luha niya pero pinigilan niya. Hindi na niya papayagan ang sariling ipakita dito ang kahinaan niya. Never again.
"Lash, I know I hurt you. Pero please give me another chance. Mahal kita and this time, totoo na. I was blinded by-" Hindi na naituloy ni Yuri ang sasabihin dahil nakarating na si Lash sa kotse nito at sinara ang pinto. "Lash please.." Kinatok pa rin ito ni Yuri. She can see tears in Lash eyes pero pilit iyong pinupunasan ni Lash.
"Go away and never come back! I never wanna see you again!" sigaw ni Lash at pinaandar na ang kotse niya. Leaving Yuri hopeless. Kahit nakablack shades si Yuri ay kakikitaan ng kabiguan ang mukha nito at laglag na mga balikat.
Umiiyak si Lash habang nagdadrive. She nearly believe her. Just nearly... Naisip niya mabuti na lang at pinigilan siya ng mga kaibigan na puntahan ito sa stage noong concert nito. Kung hindi baka buong pilipinas alam na niloko siya nito.
Si Kimley Lash Rosales. Ang nag iisang tagapagmana ng Rosales Corp. at lahat ng kayamanan ng mga magulang niya, niloko lang at pinaglaruan. Ganoon ba siya kahina at katanga sa paningin ni Yuri? Galit talaga siya.
~~~
Two weeks before Lash's departure..
*Flashnews!*
"Sa kalagitnaan po ng pagkanta ng ating Concert Queen ay bigla po itong nahimatay. Ayun po oh, kitang kita po sa video ang pagbagsak ni Yuri Jia. Madami ang nag - aalala, pero madami din ho ang nagtatanong. Ano ang nangyari sa kanya? makakaasa po kay- ubo ubo- excuse me po! Makakaasa po kayo na ito ay hindi namin, tatantanan!" Sabi ng tagapagbalita sa TV.
Kitang kita sa video na nasa kalagitnaan ito ng pagkanta ng bigla itong pumikit, akala ng lahat ay ninanamnam nito ang pagkanta. Pero sa pagpikit na iyon ay unti unti itong bumagsak hanggang sa mawalan ng malay.
"What the hell happened to her?" nagtatakang sabi ni Mahbz.
Magkakasama sila noon sa living room at nanonood lang ng TV pwera si Lash na sobrang busy sa nalalapit na pag alis.
"We all don't know. We haven't seen her for months now." sabi ni Dj. Napaiwas naman ng mata si Kat. At may isang taong makakapansin ng galaw niya na iyon.
"Spill it up, Acosta. Anong nalalaman mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ash. Napatingin naman ang lahat kay Kat na may inosenteng mukha.
"Huh? Anong alam ko? Busy din ako noh." maang maangan na sabi ni Kat. Hindi naman ito nagtagumpay dahil nagtaasan lang ng kilay ang mga kaibigan niya.
"Hindi ka marunong magsinungaling, Pusakal. Ni hindi ka makatingin ng diretso sa amin eh." napapailing na sabi ni Phepz. Sa loob ng ilang buwan at malaki din ang ipinayat nito. Napabuntong hininga na lamang si Kat.
"Tss.. Oo na. I saw her.. She went here last week yata. Looking so fragile and sick. Parang hindi na nga nakakakain. Nagpapaupdate pa din ako sa detective na inupahan ko noon about sa kanya. Ang sabi trabaho lang ng trabaho si Yuri, pero lagi din itong lasing at nasa bars." mahabang sabi ni Kat.
BINABASA MO ANG
Fall in Love with a Krung Krungz (gxg)
Roman d'amourA world of bi femme. A story of 6 beautiful girls who are rich and famous. On how they will survive the problems and mystery of their lives. This story has no boys. Only girls.