Fall in Love with a Krung Krungz (gxg)

3.3K 35 4
                                    

"Huy! Nabalitaan niyo ba? may bagong students daw ang BFU. take note ah, STUDENTS. ibig sabihin hindi lang isa." Excited na sabi ng isang estudyante ng Bi Femme University.

"Ano naman ngayon? lagi naman tayong may bagong students dito." sabi naman ng isang mukang walang pakialam na estudyante.

"eh kasi iba ngayon, beautiful, rich and hot ang mga bagong pasok dito! Nakita ko sila kanina sa office. Grabe, hindi man lang sila binawal ng Dean sa mga buhok nilang iba iba ang kulay. yung isa red, yung isa blonde yung isa brown, ay susme! so hoooot! you should see them! sana dito sila sa klase natin!"

"Talaga? shucks! I want to see them! may bagong pagkakaguluhan na naman dito. saan sila ngayon?? tara puntahan natin!"

Nagtatakbo ang dalawa palabas ng classroom at dumiretso sa office ng BFU. Pero bago pa sila makarating sa pinto, napahinto na sila dahil may ANIM na mukang anghel ang lumabas mula sa pinto...

"oh....em...gee... sila ba yun??"

"oo sila nga! gosh!"

Natulala na lang ang dalawang babae ng nagsidaan sa harap nila ang anim. Ngumiti sa kanila yung pulang buhok at nagHi. Muntik na magtitili ang dalawa at lalapit na sana sila ng harangin sila ng isang pinaka blond ang buhok.

"Hi Girls, mamaya niyo na kami interviewhin okay? We know we're damn hot but we're going to our classrom first." Kumindat pa ito sa kanilang dalawa kaya halos himatayin sila sa kilig.

Sinundan nila ang mga ito para malaman kung saan silang section. Halos lahat ng taong madadaanan ng mga ito at tumitingin sa kanila. Yung tatlo sa kanila seryoso lang at diretso maglakad. yung pula ang buhok kaway dito kaway doon ang ginagawa, yung isa nakapamulsa at ngumingiti sa mga bumabati sa kanya yung isa naman ngingisi ngisi at kumikindat pa sa mga tao.

Pumasok ang anim sa iisang classroom. Section 3-A.

Sa loob ng classroom.

Naghiyawan yung mga tao at dinumog na sila.

"Girls, girls, girls, please calm down. Hindi kami artista. hehe, and If I were you wag niyo kami hiyawan kasi ayaw namin yun. lalo na yung nakakunot na yung noo sa banda dun." sabay turo sa gilid niya nakatayo ang babaeng nakapamulsa at kulay itim ang buhok.

"Whatever, Mahbz" sabi lang nito at tumingin na sa ibang direksyon.

Natawa lang ang tinawag na Mahbz na may pinakablondie na buhok at nagpatuloy ito sa pag kausap sa mga classmate.

"Quiet down! The six new students stand up and introduce yourselves." sabay pasok ng teacher nilang si Ms. Red.

Tumayo sa harap ang anim at isa isang nagpakilala.

"Hi! I'm Phepz. Just Phepz. friendly ako (^^,)"

"Yo, I'm Kathie."

"I'm Ashley"

"I'm Dj"

"Hey Girls, I'm Babe. joke haha, the name is Mahbz!"

"Hi, I'm Kimley. But you can call me, Lash."

"Hindi, kayo yung sikat na grupo ng Bi's sa North Side ng Fem-Subdivision? " tanong ng isang estudyante.

"Yup, We are Krungkrungz, you've got any problems? (^^,)" tanong ni Mahbz na nakangiti pero nakataas ang kilay.

"err..wala naman. hehe...welcome?"

"Thanks. Can we sit down now?" Si Kat, hindi na niya hinintay yung teacher at umupo na siya tapos nagheadset at dumukdok sa arm chair niya.

"Kat. It's not polite to sleep while in class." sabi ni Dj or Danielle Joelle, tumayo ito sa tabi ng nakadukdok na si Kat. Pero hindi siya pinansin ni Kat.

"I know you can hear me." Seryosong sabi ni Dj.

Napabuntong hininga na lang si Kat at umupo ng maayos tinanggal ang headset. saka ngumiti ng maluwang kay Dj.

(^_^)v

"Sareeh (Sorry) TL!" Sabi nito at nagpeace sign pa.

Maayos silang nakinig sa kanila teacher hanggang matapos ang oras ng kanilang subject. Nakaupo lang sila dun at naghihintay ng susunod na subject.

"Hay Pusa talaga antukin kasi." si Ashley.

"May sinasabi ka My fren....? (~~.) " - Kat.

"Huh? wala ah. sabi ko wala ng Pluto sa solar system. gosh.." - Ash.

Sasagot pa sana si Kat pero naunahan siya ni Dj.

"Shut it, Hidalgo. Uumpisahan mo na naman ang solar sytem at mapupunta na naman tayo sa mga scientist. lets listen na." sabi ni Dj at naupo na sa upuan niya. Tatawa tawa naman si Kat at Mahbz.

"Excuse me, Lorenzo! ikaw ang laging nagpupunta ng usapan sa mga scientist! you and your books! palibhasa di alam kung anong pastilyas." sagot ni Ash.

"Hahahaha! Patay si Dj Lorenzo, binuking na ni Ash Hidalgo! hahahah" sabat naman ni Phepz.

"Hoy Red Hair, shut up ka din dyan!" Sabay na sabi ni Dj at Ash.

"sabay talaga? baka naman kayo pa ang magkatuluyang dalawa niyan........" nakangising sabi ni Kat.

"Oohhh.. Dj and Ash.. K.I.S.S.I.N.G ..... under the ..... treeee...." biglang kanta ni Mahbz.

Bigla naman namula si Dj at nagiwas ng tingin. Napansin agad ni Kat at Phepz pero di sila kumibo.

"Ew. pwede ba? ayoko sa kulot. duh.. hindi kami talo niyan." Sabi ni Ash na nakakunot ang noo pero kung titingnan mong maigi, namumula din ang pisngi niya.

"Hooooy! kulot di ako ah! aray ah! aray!" sabi ni Mahbz.

"tss.. kulot salot." harot pa ulit ni Ash.

Si Kat at Phepz tawa ng tawa. Si Lash naman nakangiting nagmamasid lang. Si DJ naman ay parang uusok na ang tenga sa inis. Si Mahbz naman ayaw patalo kay Ash at nakikipagdebate pa tungkol sa kulot at unat na buhok. Hindi nakatiis si Lash kaya sumabat na siya.

"Ano ba kayo? tama na nga yan. ang iingay na natin. pinagtitinginan na tayo ng mga classmates natin. mamaya niyan dumating yung isa pang teacher natin marinig pa kayo tapos mapagalitan pa tayo, mahiya naman tayo. bago palang tayo dito ee. makisama na muna tayo. tama na muna ang away at sa bahay niyo na ituloy ang harutan. pagbutihin natin ang year na to. para din sa ating lahat to. okay?" mahabang sabi ni Lash.

The rest of Krung Krungz?

Nganga.

Tbc..

Fall in Love with a Krung Krungz (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon