Chapter 1: Examination

13 0 0
                                    


IRENE EIKO HATORI

December 26, 2049
Five days before the Announcement

May pasok nanaman! Nagmamadali kong hinablot ang bag ko at naghagdan nalang pababa ng building. Agad akong pumunta sa space motorcycle ko at pinaandar iyon papunta sa school.

Kahit tinatamad ay kailangan kong pumasok kasi may exam kami ngayon sa medyo terror naming adviser.

Pagpasok ko ng room ay nakatayo na sa harapan ang adviser namin. Binati ko muna sya at dumiretso sa upuan ko.

"Alam nyo namang may exam tayo ngayon diba?"

"Yes"

"Alright. This exam covers ALL of your subjects. May nadadagdag din na tasks sa inyong exam to measure your physical, survival and reasoning skills", naka-ngising paliwanag ni Ma'am Aina.

Napa-ismid pa ako nang i-emphasize nya ang salitang 'ALL'. Ano bang nakakatuwa dun sa sinabi nya?

Sumimangot ako dahil nararamdaman ko nanaman ang paparating na sakit sa katawan pagkatapos ng physical at survival test.

Hindi ko alam kung bakit may ganoong klaseng exam eh napakadali nalang lumaban at mabuhay ngayon, lalo na dito sa Ersa.

May mga gears na pwede mong suotin para mas mapabilis ang reaction time o kaya ang agility and speed mo. Meron din namang mga health potions na dinevelop ng Survival Department ng Ersa, kaso ngalang hindi pa ito ganoon ka-effective sa ibang tao. Pili palang ang nakakagamit nang maayos ng mga health potion.

"But ma'am, required po ba talaga yung reasoning test? Nakakapagod ng utak yun eh!", rinig kong reklamo ni Nica. Napatawa naman kaming lahat sa kanya. Nagrereklamo sya sa reasoning test pero doon naman sya pinakamagaling. Ang tamad lang talaga nitong kaibigan ko.

Pagkatapos ipaliwanag ng adviser namin ang iba pang parte ng test ay pinasagutan nya na sa amin ang academic test sa loob ng tatlong oras.

Halos pumintig na ang ulo ko sa sakit sa kakasolve ng mga mathematical at scientific problems! At hindi lang yon, marami pa kaming ibang subjects kaya nakakasakit talaga ng ulo ang academic test.

Matapos ang academic test ay sumunod na ang reasoning test. Napakadali lang niyon kasi puro riddles lang ito at mga situations. Nag-lunch break saglit at pinapunta na kami sa gymnasium nang matapos naming lahat kumain.

"Ugh, Rene! Paano nananaman ako neto? Physical test na!", iyak sa akin ni Nica at napatawa. Kahit sobrang galing nya sa reasoning at sa academic ay pumapalya sya sa physical at survival dahil masyado itong tamad na gumalaw galaw.

"Akala ko ba you are Veronica Wailey, the greatest? Bakit ka nanlulumo dyan?", nang-aasar na sabi ko.

Umirap ito, "Duuuh, my dear! Kahit na gusto kong ako ang greatest ay hindi mangyayari iyon kapag andito ka!", natatawang sabi nya at hindi ko na din maiwasang hindi matuwa, "Ikaw si Irene Hatori, my dear. Ersa University's number one student. You excel in everything! No one can beat you", ngumiti ito sakin at hinila na ako papunta sa pila at nakinig na kami para sa gagawin.

Ang physical test namin ay hindi pangkaraniwang physical test dahil nga katulad ng sinabi ko, ay mayroong mga gears, tools and equipments na pwedeng gamitin para mapabilis ang aming katawan. Ang gymnasium ay isang malaking plain black room at mayroong sapat na liwanag para makita kung sino ang mga nandoon.

"Today's physical and survival exam is no different from our practice. You can equip whatever gear you have to enhance your body and ability. Space guns and the likes are allowed. Get your suits from the locker room and change. Five minutes. Now!", biglaang sigaw ni Ma'am Aina kaya naman parang langgam na naghiwalay ang mga tao dito sa gymnasium at naghati sa dalawa since there are two locker rooms; one for the boys and one for the girls.

UKIYO: The Transient WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon