Chapter 3: The Mission

2 0 0
                                    


IRENE EIKO HATORI

January 1, 2050

Napahawak ako sa ulo at unti unting dumilat. God, my head hurts so much at namamanhid ang kaliwang kamay ko.

"Rene, my dear... are you okay now?"

Tumambad sa akin ang muhka ng nag-aalalang si Nica at nasa likod naman nya si Echo na nakaupo sa kabilang higaan at nakapikit.

Ginala ko ang paningin ko at napansin kong itim ang kulay ng kisame at puro puting higaan lang ang nandito. I'm still at the Black Box.

Tumango ako kay Nica at napabuntong-hininga ito. Umupo ako at lumapit naman si Nica kay Echo. Tinapik nya ito.

"Echo... sige na diyan ka na matulog sa higaan ko. Alam ko namang napuyat ka sa pagbabantay kay Rene."

"Alright."

Namula ako dahil sa sinabi ni Nica. Hindi naman ako kailangang bantayan ni Echo magdamag!

Nagka-utang na loob pa tuloy ako. Huhu.

Tuluyan nang humiga si Echo sa katabing kama ng kama ko. Mukhang antok na antok na talaga siya dahil sa pagbabantay sa akin.

"There's a door at your 9 o'clock, Rene. That's the door to the bathroom, go and get changed.", Nica said.

May binigay sya sa akin na damit — undies, black fitted jeans, black spaghetti strap top, and black leather jacket.

What's with the color black? May lamay ba?

Muhkang gets naman ni Nica ang itsura ng mukha ko, "Uniform daw natin yan. Ang baduy, right?"

Umiling ako. These clothes are very comfortable, at least for me. Nica likes dresses and girly things.

I got up from the bed and headed towards the bathroom, at agad na nagpalit ng damit. When I got back to my bed ay naghihintay na doon si Nica, while Echo's still asleep. Mag-usap nalang daw muna kami habang hinihintay ang oras para sa almusal.

I found out from Nica that I was asleep for almost 6 hours, napaismid naman ako dahil doon. My handcuff injected me a drug that can make me fall asleep for 6 hours. Sinisigurado ng Head Group na walang makakatakas sa amin.

Hindi ko din naman alam na naka-program pala ito sa elevator at bawal din pala kaming bumaba.

Nagkagulo raw nang bigla ako napaluhod sa harap ng elevator at nang sumigaw si Echo na tumawag ng official. Wala namang gusto tumawag ng official dahil kapag pinindot namin ang button ng elevator at magagaya sila sa nangyari sakin.

Bigla tuloy akong napatingin sa kaliwang braso ko. Namumula parin ito dahil sa pagtusok sa akin kanina pero wala nang dugong lumalabas. Mababaw na din ang tusok ng mga needles.

At wala daw nagawa si Nica at Echo kundi ihiga na lamang ako sa kama at magpunit ng tela mula sa bedsheet ng higaan para mapigilan ang paglabas ng dugo mula sa kaliwang braso ko.

I'm so thankful for the both of them. Magkaklase na kaming tatlo for the past 10 years, at simula noon ay naging busy na ang mga magulang ko sa kanilang tungkulin sa sarili nilang department kaya silang dalawa lang ang kasama ko palagi.

Makalipas ang isang oras ay may dumating na official at sinabing pwede na kaming bumaba sa 1st floor para makapag-almusal.

I walked towards the bed where Echo is sleeping, dahan dahan ko syang inalog para magising, "Echo, almusal na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UKIYO: The Transient WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon