Prologue

38 2 0
                                    

Prologue

 

Sa eroplano pauwi ng pilipinas.

Nakakapagod ang tour na ginawa ko sa Los Angeles, USA. Hindi ko alam sa manager ko kung bakit kailangan ko pang gawin yun.

Nagsuot ako ng shades at sumandal sa kinauupuan ko. Ilang oras pa kasi bago makalapag ang eroplano.

"Akala mo kung sinong sikat." Dinig ko mula sa kalapit kong upuan. "Napakayabang nya kaya." Hindi ko alam kung bumubulong sya sa hangin o may kausap. "Napaka-playboy pa."

Napadilat ako at tinignan ang nagsasalita. Babae ito at may hawak hawak na magazine.

Mukhang bumubulong nga lang sya sa hangin dahil wala syang katabi sa upuan. Pero napakalakas naman ng bulong na yun? O sadyang napaka-tahimik lang sa paligid dahil halos lahat ng passanger ay tulog at nagpapahinga maliban lang sa kanya.

"Hindi naman sya ganun ka-cute. Mali yata ang description ng writer na to eh." Inilapag nya ang magazine sa maliit na lamesa na nasa harapan nya.

Napatingin sakin ang babae. Maganda sya ah, walang make-up, nakabonet at kahit na magulo ang buhok nya ay maganda parin sya.

Maya-maya pa ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Bigla syang nagulat at umiwas ng tingin sakin. Pero mga ilang sandali lang ay muli nya akong tinignan at tinaasan ng kilay.

"Manloloko." Halos pabulong nyang sabi.

Umiwas na lang ako ng tingin, hindi pinansin pa ang sinabi nya  at tinuon ang pansin sa magazine. Napangisi na lang ako ng malaman kung sino ang cover.

'Akala mo kung sinong sikat'

 

'Napakayabang nya kaya'

 

'Napaka-playboy pa'

 

'Hindi naman sya ganun ka-cute'

 

Lahat ng nadinig kong sinabi ng babae ay biglang kong naalala.

Umayos ulit ako ng pagkakasandal at pumikit.

Mali nga kaya talaga ng description ang nagsulat ng article tungkol sakin.

*buntong hininga*

Aaminin ko...

Playboy ako.

Pero ang pagiging cute ko... Hindi sa nagmamayabang pero hindi lang ako basta cute. Hindi ako tuta no para sabihan ng cute lang.

Pogi to.

Handsome.

Gwapings.

Si Miko Sebastian kaya to.

Ang teen hearttrob.

Manloloko?!

Bakit naman nya nasabi yun?

Muli akong napaayos ng upo at tumingin sa babae pero mukhang hindi na'to maiisturbo pa dahil nakasandal na ito at nakasuot na ng shades.

143: "I Need You" [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon