Chapter 1

54 2 0
                                    

Chapter 1

 

Gabriella Gomez's P.O.V

 

"Pero mahal kita." Paalis na sana ako pero bigla nya akong hinawakan sa braso. Kahit na ganun ay hindi parin ako humarap sa kanya. Patuloy parin ako sa pag-iyak. "Please, huwag mo kong iwan." Hinawakan nya ako sa pisngi at tinignan sa mga mata. "Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko."

 

"I'm sorry, pero ito ang kailangan nating gawin... Ito ang nararapat."

 

"Hindi... Ayoko."

 

"Pero --"

 

"Ikaw ang mahal ko at hindi sya. Ikaw lang at wala nang iba."

 

Umiwas ako ng tingin. "Pero hindi na kita mahal."

 

"Hindi ako naniniwala sa'yo."

 

Naramdaman ko na lang ang bigla nyang pagyakap sakin. "Please, Gian... Ayoko na." Pilit kong syang nilalayo sakin pero sadyang napakahigpit ng yakap nya sakin. "Please." Muli nanaman akong napa-iyak. "Please... Huwag natin pahirapan ang isa't-isa."

 

"Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba."

 

"Pero. Pero, Gian... I'm sorry, hindi ko magagawang mahalin din ang lalaking pinakamamahal ng kapatid ko."

 

"CUT!!!" Sigaw ng director. Bumitaw na kami sa pagkakayakap at inabutan naman agad akong tissue ng aking personal assistant. "Good take." Nakangiting sabi ni Director David. "Magpahinga na muna kayo at maghanda na para sa susunod na shoot."

 

Sinunod naman namin ang sinabi nya. Umupo na muna ako. Nakita ko ang make-up artist na aayusan sana ako.

"No." Hawi ko sa brush na may foundation. "Mamaya na pwede?" Tumango lang sya at umalis.

 

"Ang galing mo talaga umarte, Ms.Gabby." Sabi ng P.A ko. Muli nya akong inabutan ng tissue pang-pahid sa mga luha ko kanina. 

 

"Nasan ang Yaya?" Sabi ko habang tintignan ang cellphone.

"Lumabas lang sandali."

 

"Saan pumunta?"

 

"Hindi po sinabi kung saan pero ang sabi po nya ay babalik din sya agad."

143: "I Need You" [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon