Chapter 2

35 3 0
                                    

Chapter 2

 

John Miko Polino's P.O.V

 

Nakakainis naman tong si Nics oh, hindi makaintindi. Kanina pa text ng text, kahit sa set kanina... Alam naman nyang may shooting ako. Yan tuloy napagsabihan ako ng Direktor kanina dahil hawak ko ang cellphone ko at si Gabby ay nainis nanaman sakin, pero kung sa bagay ay lagi namang inis sakin yun at kung bakit? Yun ang hindi ko alam.

Nasanay na lang ako na laging masama ang tingin nya sakin, nakakunot ang noo nya kapag nakikita ako, hindi maipinta ang mukha, lagi akong tinataasan ng kilay at ang pinakanakakainis ay ang pagpaparinig nya.

Kung noon pa man na hindi pa kami magkilala ay ganun na sya sakin... Pwes ngayon mas lalong grumabe.

Dumaan na muna ako sa condo para magpalit ng damit bago pumunta sa guesting sa isang showbiz talk show.

"Oh? Himala, napa-aga ka yata ngayon." Sabi ni Harry na nakaupo sa couch at nanunuod ng T.V.

Sya si Harry Samaniego, kasama ko dito sa Condo. Ang totoo nyan ay sa kanya talaga ang condo na ito, nakikitira lang ako pangsamantagal dahil hindi pa tapos ang pinapagawa kong bahay na bago at malapit lang din sa work ko. Meron naman din ako isa pang bahay kung saan nakatira din ang buo kong pamilya ang kaso ay malayo naman to sa work ko.

Isa na pala syang General Manager sa isa sa mga company ng Villano corporation ngayon kung saan ay mina-master nya ang paggawa ng alak.

"Magpapalit lang ako at kukuha ng gamit." Dumiretso ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, inayos ulit ang buhok ko at kumuha na din ng iba pang gamit.

"Si Nics nga pala --" sabi ni Harry ng makalabas ako ng kwarto.

"Oo alam ko, kanina nya pa kaya ako tini-text."

 

"Pinapa-alala ko lang sa'yo baka kasi mamaya nya ay pagsimulan nanaman ng gulo."

 

"Oo na. Sige." Paalam ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ang kaso ay bago ko pa mahawakan ang doorknob ay bumukas na'to. Ang bumungad sakin ay si Terrence na hindi maipinta ang mukha. "Anong nangyari sa'yo?" At napatingin ako sa bitbit nya na maleta. "At ano yan?"

 

Hindi nya ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok sa loob at umupo sa tabi ni Harry. Kahit si Harry ay nagulat din na makita si Terrence.

Sya si Terrence Sevillano, asawa ng kaibigan namin na si Jaime. Halos tatlong taon na din silang kasal. Isa syang deputy CEO ng Villano Corporation dahil sya lang naman ang nag-iisang anak na lalaki ng may-ari nito. Katulad ni Harry ay mina-master din nya ang paggagawa ng alak. As the matter of fact, ay boss sya ni Harry but at the same time ay bestfriend na din. [Kung gusto nyo po malaman ang kwento ni Terrence Sevillano at Jaime Zapanta ay basahin nyo po ang 'I Want You']

"Bakit nandito ka?" Pagtataka ni Harry. Hindi na muna ako umalis at nilapitan sila.

143: "I Need You" [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon