Erased: 14

592 57 9
                                    

NAPABUNTONG-hininga na lang si Sora habang nakatingin sa right index finger niyang may Band-aid na. Demons really seal contracts with blood, huh?

Pagkatapos, kunot-noong nilingon niya si Christmas na nakaupo sa tabi niya sa queen-sized bed kung saan siya nagising kanina. "Anong nangyari sa'kin, Team Leader?"

"Nakatulog ka pagkatapos mong gumawa ng deal with Halloween," paliwanag nito. "Dinala ka niya rito sa guest room. Since he doesn't like physical contact, he used his telekinesis to move you and make you lie down on his floating giant pumpkin-shaped cushion to bring you here."

Hindi niya ma-imagine ang sarili na tulog habang nakaupo sa lumulutang na malaking pumpkin-shaped cushion kaya inalis na lang niya sa isip. "Thank you, Team Leader. Nasa'n na ang boss ko?"

"Ah, right. Pinapatawag ka pala niya dahil meron siyang official activity na ginagawa ngayon." Tumayo ito at hinawakan siya sa mga kamay para hilahin patayo. "Let's go, Miss Sora."

Binitawan na siya ng Team Leader paglabas nila ng guest room dahil nanguna ito sa paglalakad para i-guide siya. Napansin niyang may mga nakasabit na painting sa magkabilang-panig ng dingding. Lahat ng nakaguhit sa mga 'yon, may kinalaman sa Halloween season at nakakatakot na symbol gaya ng jack-o'-lantern na may monstrous carving, mga multo, sementeryo, at mga nilalang na may sungay.

Demons?

"Halloween is in this room," anunsiyo ng babae nang makarating sila sa dulo ng hallway kung saan may mahogany double doors na mukhang antigo base sa nakaukit sa mga pinto. "Ito ang private office niya. Dahil ikaw ang assistant niya, ito na rin ang magiging opisina mo simula ngayon."

"Ohh. Thank you."

Ngumiti lang ito, saka pumitik sa ere kasunod ang pagbubukas ng mabigat na double doors.

Naunang pumasok ang babae nang bumukas na ang mga pinto. Narinig niyang binati nito ang mga team member nila habang pumapasok siya. Natigilan siya sa paglalakad habang in-a-absorb ang eksenang sumalubong sa kanya.

Si Halloween, nakadapa sa nakalutang na malaking pumpkin-shaped cushion habang naka-stretch ang isang braso kay Kenzo na nakatayo lang habang kinukuhanan ng dugo ang boss niya gamit ang hawak nitong malaking syringe. Tinanggal na ng Memory Wiper ang blazer na suot nito at ngayon, nakikita na niya ang puting long sleeved polo at navy blue waistcoat na nasa ilalim lang niyon kanina. Nakatiklop din hanggang siko ang kanang manggas ng top nito kaya napansin din niya na marami nang marka ng injection sa braso nito.

"Mr. Halloween, sorry I'm late," mabilis na sabi niya nang matauhan. "Ano ang kailangan kong gawin para ma-assist ka?"

Hindi man nakikita ang mukha ni Halloween, sigurado siyang tumingin ito sa kanya dahil sa direksyon niya nakaharap ang pumpkin head nito. Umangat ang kabilang kamay nito at tinuro ang kabilang side ng malaking opisina. "That's your station, Sora. Nando'n na ang MWA Logbook na nakapangalan sa'yo. Nilagay ko na rin sa table mo ang manual na iniwan ng previous assistant ko."

"Noted, sir," sagot niya, saka siya nag-excuse sa mga kasama para pumunta sa cubicle niya.

Malapit lang 'yon ang space niya sa pinto. Nakadikit ang pahabang mesa sa dingding at 'yong cubicle niya, may malaking spider web na mukha namang laruan lang. Maaliwalas ang table niya at kumpleto sa gamit. Meron pang computer tablet na naka-on na at may page na nakabukas kung saan nakasulat ang malaking note sa screen: Manual For The Next Memory Wiper Assistant

Umupo siya sa swivel chair at in-operate ang computer tablet. Pagkatapos, binuksan niya ang MWA Logbook. Malaking notebook iyon na may plain leather brown cover. Blangko ang mga pahina sa loob at kulay cream ang mga papel na para bang matagal nang na-print ang mga 'yon. Ang fountain pen na nakasuksok sa spine, kulay maroon. Naka-engrave na do'n ang pangalan niya: SORA M.

Super Cleaners OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon