"Hoy, Poncio! Huling araw na ng tawad mo.. Kuryente...tubig.. Renta.... Bayaran mo na!"
......
Isang nakabibinging ingay - humuhudyat ng isang bagong umaga -nakabibingi ngunit mahahalatang boses ng isang matanda."Hay, tumunog na naman ang sirang plakang matandang yan... teka.. Matanda?..wahh!!! "
Napatalon sa kanyang kama si Sam at dahil sa biglaang pagbangon, nabinat ata siya at napabulagta sa sahig..
"hay buti na lang hindi ako gaanong nadali, safe ang pretty face ko. Alam niyong pinakaiingatan ko ang mukhang to dahil ito lang ang tanging nagpapaalala sakin sa nanay ko . "
Ako nga pala si Sam, Anak lang naman ako ni Tay Poncio- may-ari ng Kainan jan sa May gilid ng kalsada.. 16 years old , 16 years din na Hindi ko nakikita ang mother ko ni hindi ko alam Kung nasaan Siya, buhay pa ba siya... Hindi ko Alam dahil sa tuwing tatanungin ko si itay , wala hindi Siya umiimik. pero sabi Nila magkamukha daw kami kaya ang face ko ang tanging lead ko Kay mama. Grumaduate ako as valedictorian sa Milan High and currently looking for a school to enroll in.
"Poncio!"
Sorry but I have to go, anyways, nice meeting you all.
"Aling Sonya, eto na.. Saglit lang..
Si Aling Sonya lang naman ang landlady namin. Matanda, mag-isa pero grabe Kung sumingil ng renta ( May patong pa ah) Wala namang kasama, ewan ko lang Kung saan niya nilalagay ang sinisingil niya ...Dali-dali akong lumabas ng bahay, nakita ko Siya sa may gate ...
Pagkabukas ko palang ng pinto, "bayar..."
Pinutol ko siya sa pagsasalita. Nabigla ata Siya kaya inusisa niya Kung anong meron at medyo matamlay ang mukha ko.. *Haha nakagawa ako ng opening para humingi ng extension ng bayaran..*"Aling Sonya, alam niyo naman sigurong nagkaproblema sa kainan kaya ---....."
"Kaya Kung sana pagbigyan ko pa kayo ng extension ng bayaran? ", singit niya. Tumango-tango naman ako dahil totoo naman talaga. Hindi kami makakabayad dahil sa Nangyaring insidente sa kainan. "Ok. ", sabi niya sabay alis..
*hay makakahinga din, makahigop nga ng tubig *.
Nasa kusina na ako at nakahanda nang lunukin ang tubig na nasa bibig ko nang biglang..
"Uy Sam, nangangalawang na pala ang "acting skills" mo ah" sabay tawa na parang walang bukas..
Nagitla ako at natapon ang tubig na sanay iinumin ko. Boses pa lang alam ko nang pahamak ang dating niya, lumingon ako at nakita si Lance na naka-lean sa wall.Kahit kailan talaga hindi ako magkakaroon ng private moment para sa sarili ko kapag andito kang hinayupak ka", sabi ko sabay titig sa kanya ng masama.
"Woowoo! Easy ka lang chong! Aga aga eh", sabi niya Habang nagpipigil sa pagtawa.Siya nga pala si Lance, my rival in academics but also my best friend and best adviser sa mga relationships- even though I've never been in it, mainit kasi Siya sa mga kaklase namin mapababae man o shokling..we'll he got the looks, brain, and even popularity- well sa school nga lang. Nakikitira Siya dito sa Amin at nagtratrabaho sa kainan , ewan ko lang Kung bakit pinili pa niya dito. Kapag tinatanong ko siya, secret daw and take note, he had been hiding that secret for almost 3 years meaning 3 years na din kaming magkaibigan at magkasama sa isang bubong. Pero sa tatlong taong yun, Wala akong mahagilap na personal info tungkol sa kanya- only his name, age and year level.
Yun lang. Pero ang weird niya kasi parang may tinatago pero despite that fact, we were so close. Minsan nga nagkakatabi kami sa Kama matulog (pero walang malisya ah ) .
*sorry guys if this chapter is so bad. I'll try to improve the next chapeters*