Chapter 03 : East Bridge University

3 1 0
                                    

Kody's Point of View

Paguwi namin sa bahay, agad akong nahiga sa kama.

'Di matanggal sa isip ko yung babae na nakasalubong ko kanina.

Infairness, ang ganda nya.

Mukang may lahi, matangos ang ilong, makinis, at mahaba ang buhok.

Kumbaga perfect looks ba, pero pagdating sa ugali, ekis.

'Di ko nagustuhan yung ugali nya kaya sumama ang loob ko.

Malay ko ba kasing lalabas sya ng RestRoom, hindi ko namalayan, tapos ako sisisihin nya.

*toktok*

"Kuya? It's me, Cassie!"

"Pasok!"

"Aren't you feeling well?" She asked.

"Hindi, lil sis eh." Diretsa kong sagot.

"Why? Alam ko na kung bakit, Kuya. Isn't that girl who you bumped sa Airport kanina?"

"Pano mo nalaman, Cassie?" Pagtataka ko.

"Nakita ko kayo magtalo kanina, Kuya. Nung papasok din sana akong girl's room." Sambit nya.

"Oh. Nakita mo din pala, well nakaka-sira lang kasi ng mood yung ugali nya, kala mo kung sino." Medyo naiinis kong sambit.

"Oo nga kuya, pero I know mabait naman yung Ate, siguro pagod lang 'yun."

"Pagod? Eh mukang ayos na ayos nga yung itsura at kagagaling lang dun." Sambit ko.

"Restroom nga Kuya diba? Restroom."

"Ewan ko sayo, Cassie. Bumalik ka na nga sa room mo. See you tomorrow."

"Hay nako, ewan ko sayo Kuya. Baka ikaw may gusto dyan kay Ate kaya 'di mo sya matanggal sa isip mo."

'Di na 'ko nakasagot sakanya at sinira na yung pintuan.

Addison's Point of View

*toktok*

"Ma'am Addi, handa na po ang breakfast nyo, bumaba nalang po kayo." Katok nung yaya namin habang natutulog pa 'ko.

Hay nako! Nagpapahinga pa 'ko eh.

Napilitan naman akong tumayo dahil gutom na rin ako.

Pagbaba ko, nagulat ako sa unexpected visitor.

"Kuya?! Anong ginagawa mo dito?" Napakaripas ako nang pagbaba sa hagdan.

"Inorasan ko yung pag-board mo dito sa Pinas, kumuha na rin ako ng ticket pag-akyat mo nung Plane, nagpaalam na rin naman ako kina Daddy, para bantayan ka." Naka-ngisi nyang kwento.

"Ano?! Babantayan mo 'ko?! Kuya? Ano 'ko bata?! What the-"

"Now, go eat and no more blablabla."

Wala akong nagawa dahil may kasalanan pa 'ko kina Daddy at Mommy.

"I won't eat you! Bahala ka dyan." Umakyat uli ako ng kwarto tapos nagbihis na and nag-prepare umalis.

"Ops. San ka pupunta, my lil sis?" Harang sakin ni Kuya sa Main Door.

"I'll just go hang out with myself! Kaya tumabi ka na dyan."

Napa-lingon uli ako kay Kuya at nakita kong hawak nya ang Car Keys ko.

"Mahirap na, Addi. Wala ka namang Student License, or any kind of License, baka mahuli ka pa. I'll just drive for you, sasamahan na din kita. San ka ba pupunta?"

Napa-irap nalang ako and walang choice at sumakay na sa sasakyan.

Naka-cross arms ako na pumasok sa sasakyan.

"So, san tayo pupunta?"

"I want you to take me at the University kung saan in-apply ako ng PS ni Dad." Sambit ko.

"Oh, okay. I'll take you there, my Precious Lil Sis." Sambit nya.

"Precious lil sis mo mukha mo. Tse!"

Kody's Point of View

"Kody?" Tawag ni Mommy.

"Yes, Mommy?"

"Pwede mo bang ihatid tong paper files ng students sa University natin? You can go with Cassie."

"Sige Mom, may aasikasuhin lang ako sandali, then diretso na 'ko sa University."

-

"Good Morning, Sir Kody!" Bati sakin ng Security Guard nung University.

Pumasok ako sa Administrative Office.

"Good Morning po! Ano po 'yun?"

Iniabot ko ang mga files at lumabas na ng Office.

Pupunta sana muna kami ni Cassie ng canteen bago umuwi kaya lang may napansin ako eh.

Totoo ba 'tong nakikita ko?

"Kuya?" Biglang singit ni Cassie.

"Ano?"

"Nakikita ko kung ano nakikita mo." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Cassie, let's go. Bago pa tayo makita nyan." Hinawakan ko sya pero hindi sya sumama sakin.

Nagulat nalang ako sa susunod nyang ginawa.

"Hi, Ate!"

Nako po!

Hindi ako nakagalaw nang sumunod syang lumingon.

Tila nanlaki ang mata naming dalawa.

At pareho kaming nagtaka.

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw.

Lumapit bigla si Cassie at hindi na 'ko nakagalaw.

"Hello, ate ganda! Nakita ka namin ni Kuya sa Airport kahapon, ikaw ba 'yun?" Napa-tingin lang yung babae sakanya.

"Kilala mo sila?" Tanong nung lalaking kasama nya, baka boyfriend nya.

Hindi nakapag salita yung babae at hindi na sya nagulat.

Nagulat ako nang lumapit sya bigla sakin.

"Oh? Sinundan mo ba 'ko? Oo nga pala, hindi pa tayo tapos. Do you want me to say sorry sayo?" Nagulat ako.

Hindi ako sumagot.

"Ate, my name is Cassie, sya naman si-"

Tinakpan ko bigla yung bunganga nya at hinawakan yung kamay nya.

"Miss-- kung sino ka man, i don't need your apologies and don't be a badass thingy, dahil hindi ka ganon kaganda to talk to me." Tinalikuran ko sya at ramdam ko sa mukha nya, na gulat din sya.

"Kuya! wait lang kasi! Tatanungin ko pa name nya eh!"

Addison's Point of View

"What? Kilala mo 'yun?" Pagtataka ni Kuya.

"Hindi ko rin alam, Kuya." Speechless talaga ako, dahil-

Tinawag nya 'kong Badass?

"Kuya, who the fuck he is para sabihan akong badass!" Nag-pout ako at nagkunwaring umiyak.

"Sino ba 'yun, my lil sis? Bakit ka nya pinapaiyak, humanda sya sakin, pag nagkita uli kami."

-

Paguwi namin sa bahay, nagulat pa din ako sa sinabi nya, at hindi ko maalis sa isip ko.

"Miss-- kung sino ka man, i don't need your apologies and don't be a badass thingy, dahil hindi ka ganon kaganda to talk to me."

"Aish! Arghhhhhh!" Hindi ko mapigilan mainis dahil sya ang kauna-unahang tumawag sakin ng ganun. Kainis!

Humanda ka, sa susunod nating pagkikita, son of a bitch!

Forever YoursWhere stories live. Discover now