Chapter 14: 𝗛𝗶𝘀 𝗰𝗮𝗿𝗲

2K 28 2
                                    

Jade POV: 

Good morning all humihikab-hikab pa akong bumangon. May klase pa nga pala kami.

Actually tinatamad akong maligo malamig kasi. Pero meron namang warm water doon sa cr. Syempre cr pang mayaman ata ito.

Habang naliligo hindi ko maiwasang isipin si Raver kamusta na kaya ang pakiramdam nya. Kung ako nga ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko ngayon siguro mas malala yon.

Agad akong nag-madali dahil baka mamaya ma late na ako. Alam na alam ko pa naman yong teacher na'yon masyadong OA na magturo. Kahit wala sa subject nya pinapa-quiz pa sa'min, hanep diba.

"Good morning po" bati ko kina Mrs. Kim

"Good morning din sayo hija bakit parang ang putla mo ata, may sakit ka ba?" dire-diretsong sabi nya sa'kin.

"Medyo masakit lang ho yung ulo ko pero kaya ko pa naman ho." tugon ko sa kanya.

"Sigurado ka bang kaya mo? baka mamaya bigla ka nalang tumumba dyan, pwede namang magpahinga ka nalang at bukas kana pumasok."

Hay nako hindi nyo alam kung gaano ko kagusto ang humilata nalang dyan at matulog. Pero ito kasing anak mo masyadong matigas ang ulo.

Masyado pang mayabang duwag naman. Baka nga kapag hinarang 'to sa daan ng mga lasenggo hindi makalaban eh.

Nabalik ako mula sa pag-iisip ng may tumikhim mula sa itaas. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jake na pababa na ng hagdan.

Tumingin naman sya ng diretso sa mga mata ko kaya tinitigan ko rin sya. Ito na naman yong tingin na para kang hihigupin.

Sya ang unang nag-baba ng tingin dahil pababa na sya sa hagdan.
Baka nga naman madulas sya HAHAHA.

Grabe amoy na amoy ang pabango nyang mamahalin. Tss makapaglagay ng pabango parang isang bote ng isang bote kada araw.

"Anak sobrang bango mo na naman ata, amoy na amoy kana namin pababa ka palang ng hagdan."
Bati naman sa kanya ni Mrs. Kim.

Hinintay lang namin sya at tyaka sabay-sabay na pumunta sa dining table. Hays bakit pakiramdam ko hindi ko ito kayang ubusin. Kokonti lang naman itong pagkain ko kumpara doon sa mga nakaraan.

"Hija sigurado ka bang ayos kalang mukang hindi nababawasan ang pagkain mo ah?" tanong na naman sa'kin ni Mrs. Kim

"Hindi ko nga ho alam kung bakit ganon parang hindi ko nga ho mauubos ito eh." pag-amin ko naman sa kanila dahilan para mapunta sa'kin lahat ng tingin nila.

"Hindi kaya dahil sa nabasa ka ng ulan? kung saan-saan kasi nag-sususuot" nabaling naman ang tingin ko kay Jake.

Kainis naman ito kung hindi mo sana kinampihan ang babaeng baliw na'yon hindi sana ako mababasa ng ulan. Hindi ko na tinapos ang pagkain at humingi nalang ako kay Lycka ng baonan tyaka nilagay ang mga natirang pagkain na hindi ko nagalaw.

"Mauna na ho ako sa labas." tumango nalang sila at ako naman ay nag-madali na papunta sa labas. 

Masakit talagang sobra ang ulo ko parang binibiyak.

Agad naman akong nagpunta sa driver seat ng kotse at tyaka pasalampak na umupo. Ipinikit ko naman ang mata ko dahil parang nakakalma ako kapag ganon.

"Lumipat ka! ako na dyan." kahit nakapikit ako ay alam ko kung sino ito. Siguradong si monster Jake lang ito.

Hindi ako gumalaw, naramdaman ko nalang na binubuhat nya ako palipat sa passenger seat. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid ko.

"Tsk bakit ba kasi nagpipilit kang pumasok tingnan mo ang itsura mo ngayon!." malakas na sigaw sa'kin ni Jake.

Hindi nalang ako nagsalita kahit naman ata ibuka ko ang bibig ko ay wala ring lalabas na salita. Bwesit! dati rati naman ay hindi ako mabilis magka-roon ng sakit. Nauulanan din naman ako pero hindi naman agad ako nagkakasakit.

"By the way ako ang magda-drive." malamang ikaw ang nasa driver seat! gusto ko yang isigaw sa kanya pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

Kainis! talagang sakit ito masyadong panira.

Hindi na ako gumalaw at nanatili nalang na tahimik. Total wala rin akong boses. Peste!

Jake POV:

Sa totoo lang gusto kong matawa ngayon sa itsura ni Jade. Masyado syang tahimik may sakit kasi hehehehehe.

Pinaandar ko na ang kotse papunta sa KU. Ako ang magda-drive kasi mukang hindi nya kaya. Kaso ang nakakainis ayaw nyang magpahinga nalang muna. Masamang-masama siguro ang pakiramdam nya kaya nag-aalala rin ako.

Feeling kasi kayang-kaya nya lahat tsk nakakainis ang pagiging mayabang nya minsan. Hindi lang minsan kung hindi madalas.

Pagka-park ko ay agad syang bumaba hindi man lang nanghintay. Baliw talaga!

Inis naman akong sinundan sya nakakainis nag-aalala ako na baka mamaya. Bigla syang himatayin sa daan at wala man lang tumulong sa kanya.

OA na ba ako?
ewan ko ba  sa kanya ko lang ito nararamdaman.

Pagka-pasok na pagka-pasok nya ay agad syang naupo sa upuan at blangkong nakatingin sa kawalan.

Tsk ito na naman sya sa walang-kahase-haseng itsura nya. Mukang walang pakialam sa paligid.

Mabilis ko syang nasalo ng bigla syang matumba. Badtrip talaga itong babaeng ito sabi ng huwag ng pumasok nag-pipilit parin.

Jade POV:

Asan na ako? luminga-linga ako sa paligid at napansin ko na parang nasa bahay na ulit ako.

Teka ang pagkaka-tanda ko nasa school lang ako kanina. Bakit andito na ako ulit?

Anong nangyari?

"Nandito ka kasi sobrang taas ng lagnat mo at nawalan kana ng malay kanina buti nandon ako para saluhin ka. Kung wala ako roon siguradong bumagsak ka sa sahig!."

Sana hinayaan mo nalang ako kung mambabaoy karin naman pala.

"Bakit mo ako tinititigan ng masama hah! Ikaw na nga ang nilagtas ikaw pa galit" tiningnan ko si Jake ng parang walang pakialam. Bahala sya, badtrip.

Pabagsak na lumabas sya ng pinto hindi ko na pinigilan. Total wala naman na akong sasabihin sa kanya edi umalis na sya mabuti nga yon.

Jake POV:

Nakakainis sya na nga itong tinulungan sya pang matapang. Bahala na sya sa buhay nya pakialam ko!

"Sir ito na po yung pinapaluto nyong lugaw tapos nasa tabi po nyan yong gamot na pinabili nyo."

Humarap ako kay Lycka at nagpasalamat tyaka inagaw ko yung tray at ako ang nagdala sa taas.

Marupok na kung marupok basta nag-aalala ako sa kanya.

"Hoy Jade kumain ka muna bago ka matulog dyan tyaka ito yung gamot inumin mo."

"Ayaw kong kumain wala akong malasahan."

"Sinabi ko bang lasahan mo! kainin mo lang para may lakas ka."

Umupo naman sya agad at walang buhay na tumingin sa'kin.

Inagaw nya ang tinidor at nagsimulang kumain. Gigil na gigil sa pagkain eh hindi naman sya aanuhin nito.

Kung hindi ba naman sa katangahan nya edi hindi sya lalagnatin.

Inagaw ko sa kanya ang kutsara at ako ang nagtuloy sa pagsubo sa kanya.

Baka kasi mamaya pati yung kutsara ay mayupi narin.

Muka syang wala sa sarili kapag may sakit may part na nakakatakot talaga.

I'm In Love With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon