047 || soobin

708 43 18
                                    

SOOBIN.

It's already 3:30 pm. Ang bilis ng oras. Tumingin ako sa salamin, tinitingnan ang sarili ko. Ba't kaya gusto niyang makipag-kita? Mukang importante ang sasabihin niya. Well, hindi ako sure, feeling ko lang haha.

Kinuha ko ang phone ko sa kama ko bago lumabas ng kuwarto.

"Ma, alis muna ako." Pagpapaalam ko kay mama at dumaretso agad sa labas. Sa tingin ko wala pa si Jadie doon, it's only 3:33 pm. Balak 'kong dumaan sa 7/11 para bumili ng banana milk kasi maaga pa naman.

Pumasok ako sa convinience store at dumaretso kung nasaan yung bibilhin ko. Natagalan ako dahil ang daming masasarap na inumin doon. Kilala niyo naman ako diba? Mahilig ako sa pagkain liEk duh, sino bang ayaw sa pagkain? Kung sino man kayo, sapakin kita dyan e.

Habang namimili parin ako, may tumawag saaking pamiliyar na boses. "Soobin." Si Astrid lang naman pala. "Oh, Astrid? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

Lumapit pa siya saakin habang naka-ngiti ng kaonti, "Soobin, pwede bang favor?" Sabi nito saakin. Napa-kunot ang mga noo ko, bat bigla siyang nagpapa-favor?

"Osige?"

"Layuan mo si Jisu." Nagulat ako sa sinabi ni Astrid. At bakit? Anong meron sa pag-lapit ko sakanya? Nabalitaan niya ba na crush ko si Jisu? E ano naman? May gusto din ba siya sakanya?

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Basta. Gawin mo nalang."

Psh, ewan ko sayo.

I shrugged my shoulders at kumuha na ng banana milk dahil yun naman talaga ang balak kong bilhin.

Lumabas ako ng 7/11 at nagfflashback parin sakin yung mga sinabi ni Astrid. Ba't niya papagawa yun?







Naka-rating ako sa park at hinanap na agad si Jadie. 3:50 palang pero sa tingin ko nandito na siya. Hinanap ko siya sa mga benches at ayun, nakita ko na siya.

"Jadie." Kinawayan ko ang babae habang nalapit sakanya. Tumingin naman siya sa direksyon ko at napangiti habang tumayo.

"Hi, Soobin." Bati nito.

"Ba't gusto mo makipag-kita?" Tanong ko sakanya at ito naman ang rason ng pag-tingin niya sa baba. Ano ba talaga? Nakaka-lungkot ba ang sasabihin niya? Lul, ayaw pang sabihin e.

"Ano kasi Soobin.."

"Ano?"

Tumunghay siya at nakipag-eye contact sa'kin. Bigla naman akong kinabahan. Bakit.. Bakit parang pamilyar siya sa'kin? Ba't parang.. Nakita ko na ang mga mata niya noon?

Jadie Lee, sino ka ba talaga?









"Soobin, ako si Blythe. Namiss kita nang sobra, sana ako parin hanggang ngayon."

B-blythe?













OOPSZXC HEHEHEHEH

𝐜𝐞𝐥𝐥𝐩𝐡𝐨𝐧𝐞.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon