2

6 0 0
                                    

sorry

Prenteng nahiga ako sa aking kama pagkatapos kong sindihan ang scented candle. Time to relax, Same. Wala munang aral. Final exam is done! I still have some requirements left pero madali na yun at matatapos ko naman siguro iyon agad.

Nahiga na ako nang makaramdam ng pagkatamad kumilos at inilabas na lamang ang iPad ko. Buti na lang pinayagan na ako na magkaroon ng social media accounts noong 13th birthday ko. Bawal pa daw kasi sabi nina Mommy at Daddy pati na rin ng mga kapatid ko kapag hindi pa teenager.

I didn't make a Facebook account because I know there's a lot of toxicity there. Twitter and Instagram are better. I don't have a lot of followers but I'm starting to get quite some. I have 1k in twitter and only around 500 in instagram. Siguro kasi lumipat na ako ng USC at nakilala bilang Borja. Saka siguro nakikita din ako sa mga profiles ng mga kapatid ko. Iyong iba naman ay mga fans ni Kuya.

I clicked on Kuya Vico's ig story. Litrato nila ito sa Samgyup kahapon. I tapped the photo again once to see the tags. Una kong pinansin iyong pinakapogi. With his grim aura, he didn't even smile in the photo. Unlike my guy classmates and friends, they always smile. Ganon ba talaga kapag mga mas bata? Hindi ko alam pero napapansin ko lang. Yung mga ka-age ni Kuya, madalas ako makakita ng fierce poses.

His username is simply @HardLagman pero niisang post man lang ay wala siya. His name is Hard? Literally Hard?

Despite of no posts, he has 1 989 followers. Bakit parang sikat siya? Bakit hindi ko siya kilala kung ganoon? Kung sa school siya sikat, bakit kahapon ko lang siya nadiscover? Nakaisang buong school year naman na ako sa USC ah? Marahil ay dahil ito sa hindi masyadong nakikihalubilo ang junior high department sa iba't ibang businesses ng ibang departments.

"José Eduardo Acordon Lagman", I read his name on his profile. He's only following exactly 200 and he doesn't have anything on his bio. What kind of profile is this? Wala pang post o kahit highlights na lang ng ig stories. Teka nga, I don't care!

Lagman? Even his family name isn't familiar with me. Mukhang hindi kilala ang mga Lagman dito sa San Castellana. But I like his name. It gives me a classic... espanya... vintage vibes. Then 'Hard' is like modern.

In his profile picture, I can see he's with his Mom. Nakaakbay siya rito habang ang Mom niya ay nakasandal sa balikat niya. I can't clearly see their faces because Ig doesn't let people click profile pictures. But I'm sure they're at the beach with the sea behind them. And oooh, his lips are curved. Far from his aura.

Bukod rito kay Hard (if that's really his nickname), I also checked out the others' accounts. Not that I'm into them but I believe it is no big deal. I just got curious.

Ngayong gabi ay nagkasabay-sabay kaming kumain ng hapunan. I'm sitting beside Ate Hasmin while Kuya Vico is across her. Si Mommy and Daddy naman ay nasa magkabilang dulo ng table which is sakto lang naman yung length for all of us. Usually sabay sabay naman talaga kami. Minsan lang hindi dahil sa sari-sariling businesses.

"Same keep your phone nasa harap tayo ng pagkain." Agad ko naman sinunod si Daddy.

"Youtube pa." Pang-aasar ni Kuya Vico pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Ate Hasmin looks tired probably because of her first day at the poultry. Dad lets her learn how to manage our businesses. Alam ko na labag ito sa loob ni Ate Hasmin dahil ang tinapos niyang kurso ay Behavioral Sciences ngunit utos nina Dad ay siya ang mamahala ng mga negosyo.

Alley To Your WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon