4

0 0 0
                                    

funny

Eventually back to school rin ang kahahantungan namin pagkatapos ng bagong taon. And as expected, may mga homeworks and performance tasks agad. Naassign pa ko na maging leader ng group namin. Ayoko sana pero ayos na din siguro para machallenge ko ang sarili ko.

USC really be hittin' strictness and hardwork here. I wanna talk to the university's president— we need to clear things up and he has to know the limits! And that is a joke of course.

Samgyup is already playing in my mind. Hindi pwedeng hindi pagkatapos ng linggong ito ay hindi ako makapag-samgyup.

Kasama ko ngayon si Aidan, si Will at si Rob. Mga lalaking classmates ko sila at galing kami sa faculty dahil may mga ipinasa lang kami sa teacher. Nahuli kasi kaming tatlo sa oras ng submission pero ayos lang naman daw basta bago mag-end ang last period ay makapagpasa na. Masyado namin sigurong cinareer yung essay part ng activity kaya kami natagalan. I like writing essays, a fact.

We're on our way now back to our classroom. I'm not wearing my vest because I accidentally spilled my drink on it. Kinuha muna ito ng class class Vice President namin para dalhin sa help center at malabhan ng helper doon.

"I just used the third format since doon ako sanay. I know the first one would be clearer and more organized pero yun nga mas sanay ako don sa pangatlo." Pagkukwento ni Aidan. "Fortunately, mas mataas ang score kapag yun ang ginamit."

Aidan did not sound arrogant at all, confident lang. He's the first in rank among all of us in class and he really is a smart kid so may ipagyayabang naman talaga siya. He has outstanding grades.

"Yes naman. Ang hirap kasi non eh kaya hindi ko ginamit." I snickered though it's fake. Medyo nakakahiya kasi heto na naman ang bobo brain cells ko.

"Ok lang yon mababa naman ang standards ni Sir Angelo." Tumawa naman ako dahil sa sinabi ni Robi. Nag-apir silang dalawa ni Will. Tama siya, mababa nga ang standards ni Sir Angelo kaya siguro mataas pa din ang makukuha naming marka sa activity na iyon.

Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Ako nga yung pinakamadali ang ginamit ko eh." Will shamelessly admitted. "Ikaw ba?" Tanong niya kay Robi.

"H-Ha?" Robi glanced at me which I found weird. "Ahhh yung madali lang."

Huh? I saw his paper and he used the third format like what Aidan did. Bakit iba ang sinabi niya? Alam naman siguro niya na mahirap yung third format— unless madali lang talaga para sa kanya.

I shrugged it off. Baka mapahiya siya kapag sinabi ko na nagsinungaling siya. Maybe he just didn't wanna brag.

Papasok na sana ko ng room nang hawakan ni Robi ang kamay ko na ikinagulat ko. Hindi ko lang ito ipinahalata sa kanilang tatlo.

"Robi."

"Ah una na kayo. Usap lang kami ni Same." Sabi niya doon sa dalawa kaya naiwan kami rito sa labas ng pintuan.

Nahihiyang binawi ko ang kamay ko bago magsalita. Pwede naman kasing tawagin na lang ako eh. Hindi na kailangang hawakan pa yung kamay ko.

"Bakit?" Pag-akto ko ng normal. Sumandal pa ko sa pader para marelax.

"Uh, I'll go straight to the point." He took a deep breath. "I'll be attending this party... I just wanna ask you if you could be my date? Th-They said I should bring a date and I-I can't think of anyone else to ask."

Alley To Your WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon