Chapter 2

9 0 0
                                    


JANE'S POV

Hindi ko din alam bakit umarte ako ng ganun kanina.
Tas nung nagcr ako, pagtingin ko meron nga ako. Nasungitan ko nanaman si Jungkook. Hahahaha! Pero iba kasi ngayon e, parang nasaktan na talaga ako. Lagi kasi niyang turing sakin lalaki parang wala akong feelings ganon. Parang di ako pwede maging babae paminsan. Well kasalanan ko rin naman, ganto na kasi talaga ako umasta. Halos si Jungkook lang din naman naging kaibigan ko buong buhay ko kaya parang lalaki na din ako umasta.

*flashback*

"Hyejin please! Lahat ibibigay ko wag lang yan." Sigaw ko. Hawak niya kasi yung kaisa isang remembrance sakin ni mama. Kwintas na may picture niya. Baby pa lang kasi ako iniwan niya na ako sa Lola ko.

"Ayoko nga. Eto gusto ko kasi eto lang naman may mukhang pakinabang sayo." Sagot niya. Hawak ako ng dalawang niyang kaibigan sa magkabilanh kamay. Bestfriend ko tong si Hyejin dati eh, nung sumama lang sa dalawang to biglang umarte na at lagi na akong binubully.

Isusuot niya na dapat yung kwintas ng nagdilim na paningin ko sa galit. Itinulak ko ang kamay ko sa dalawang bata at napatumba sila. Hinugot ko yung kwintas kay Hyejin at hindi niya pa rin ito binitawan kaya napagitas to at nasira. Nahulog yung kwintas at inapakan niya yung pendat. Halos mapunit na ang picture ni mama. Tinulak ko siya at napaupo. Gaganti pa sana siya ng may humarang
na lalaki sakanya.

"Umalis ka na." Ani ng lalaki.

Tumayo na si hyejin at tumakbo palayo kasama ang
mga kaibigan niya. Nakatingin lang ako sa kwintas habang umiiyak. Hindi ko na napansin na pinupulot niya na to. Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin na ako sakanya at inilagay don yung sira sirang kwintas ko.

"Jane? Halika na. Ihahatid na kita sainyo." Binibigay niya yung kamay niya para tulungan ako
tumayo. Inangat ang ulo ko para makita ko ang mukha niya.

Taehyung? Nagulat ako dahil hindi naman siya nagaaral sa school namin tiyaka mas matanda siya sakin. Kapitbahay kasi namin siya nila Hyejin kaya minsan ko na rin siyang nakakalaro at nakausap. Siya yung una kong naging kaibigan at madalas kami magkakasama nila Hyejin. Mag kasing edad din si Hyejin at Taehyung sila ang una naging magkaibigan bago ako.

"Ano? Tatayo ka ba o hindi?" Nakaabot pa rin ang kamay niya sakin. Nakatingin lang ako sa kamay niya at hinawi eto at tumakbo na ako papuntang playground.

Wala akong pake nun sa kahit sino kaya tinakbuhan ko lang si Taehyung. Nawala na yung kaisa isang bagay na magpapaalala sa mama ko. Sinubukan ko ayusin to pero wala talaga at umiyak nalang ako ng may lumapit sakin.

Si jungkook. Kilala ko siya dahil halos crush siya ng buong klase namin, nagsinungaling lang ako na may kaibigan ako sa klase niya pero ang totoo medyo crush ko din kasi siya. Kaya gumaan loob ko nung nagpakita siya na may pake siya sa akin. Pero umalis din ako agad kasi ayokong isipin niya na crush ko siya at gusto kong magmukhang walang pake.

Malapit na ako sa bahay nun  hanggang sa napansin ko na wala pala yung kwintas sakin. Tumakbo ako agad papuntang playground at hinanap ang kwintas ngunit wala ito dun. Naiyak nanaman ako at malungkot na umuwi.

Inisip ko na lang dumaan muna sa beach malapit samin para makita ko ng maganda yung sunset. Paborito kasi namin to ng papa ko pag tapos niya ako sunduin sa school kakain kami ng cotton candy at manonood ng sunset. Ginagawa ko pa rin to kahit wala na siya. Nung iniwan kasi kami ni mama, nagkasakit siya sa utak dahil sa stress at fatigue. Pero sinubukan niya labanan dahil gusto niya akong alagaan, pero di niya na kinaya nung 8 years old ako. Iniwan niya na ako kay Halmeoni at inalaagaan naman niya ako ng mabuti. Hanggang ngayon ginawa ko ng maging ritwal na dumaan sa beach pag may gusto ako sabihin kay Papa. Ramdam ko kasi andon siya.

Pastel Skies. • Jungkook FFWhere stories live. Discover now