Chapter 4

3 0 0
                                    


JANE'S POV

Nagising ako sa tuma-tamang sinag ng araw sakin. Bumangon na ako, ang sakit ng ulo ko. Parang feeling ko kasi saglit lang yung tulog ko. Parang pumikit lang tas dumilat din agad.

Naligo na ako at nagayos para pumasok. Bumaba na ako at laking gulat ko andun na si Jungkook. Lagi kasi niya ako sinusundo papuntang school para sabay kami. Pero nagulat ako na nandun siya kasi hindi kami maayos na nagkausap kagabi.

"Goodmorning siga!" Bati niya. Ang laki ng ngiti neto parang iba yung aura niya ngayong araw.

Luh? Ano trip neto? Wala lang sa kanya yung kagabi? Sabagay ano ba ako sakanya siyempre tropa lang wala lang naman yung away namin sakanya.

"gOoDmOrnIng" sagot ko at nagmake face lang sakanya at dinilaan. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Nagasaran lang kami na parang walang nangyari kagabi.

Nagpaalam na kami kay Halmeoni at tumungo na papuntang school. Naglalakad na kami pero parang nagiba yung ihip ng hangin at biglang bumigat ito. Naalala ko bigla yung story ni Jungkook. Prangka akong tao kaya tinanong ko na siya nung naisip ko yun bigla.

"Ilong, bakit mo ako pinost sa story mo kagabi anong arte mo dun" siniko siko mo siya at hinaharang niya yung kamay para di ko na siya sikuhin. Tumawa siya tapos tumingin sakin tas yumuko.

"A-ah, parang ano yung promotion. Para maexcite yung mga tao sa iuupload ko na bagong video. Ayos lang naman diba?" Kumamot siya sa ulo niya.

"Baka isipin nila girlfriend mo ako." Inasar
ko na lang siya para hindi kami maging awkward sa topic.

"Ayos lang. Mas ayos nga eh. Gusto mo totohanin pa natin e." Kinindatan niya ako at naglakad lang siya ng tuloy tuloy. Samantalang ako naiwan at nagulat sa sinabi niya.

"Yah! Baka pasukan ng langaw yung bibig mo!" Humarap siya sakin ng bahagya at naglakad papalapit sakin.

Yah! Jane! Ano nangyayari sayo? Humawak ako sa puso ko kasi ang lakas ng tibok. Lagi ka naman sinasabihan ng cheesy shit ni Jungkook bakit iba ka maka react.

"Crush mo ako no?" Tinataas taas niya yung kilay niya habang sinara yung bibig ko. Nakanganga pa rin kasi ako ng lapitan niya ako. Ikinagulat ko yun at nawala na ako sa pagiging tulala.

Sinuntok ko siya sa braso at kunwaring sisipain. "A- Ang kapal mo! Bakit naman ako magccrush sayo? Ang laki ng ilong mo! Tiyaka di kita type no!" Sigaw ko sakanya.

"Sus kunwari ka pa babe." Sagot niya. Susuntukin ko na siya dapat ulit kaso pinigilan niya ako and he held my hand and interwined it with his. Hinigit niya na ako maglakad at tinitingnan ko lang yung kamay namin na magkawahak pa din. Nagulat na lang ako ng bigla niya tong hinalikan habang naglalakad kami.

"Yah! Ano ginagawa mo? Pinagttripan mo nanaman ako. K-kung may gusto kang babae sakanya mo gawin wag mo ipractice sakin!" Sigaw ko sakanya habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Bakit pa ako magppractice? Eh hawak ko na kamay mo?" Sagot niya. Nakatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya sa daan.

"H-hoy jungkook. Bestfriend mo ako kaya naiintindihan ko mga ganyang salita mo. Pero pag ginawa mo na yan sa ibang babae baka umasa sila sayo. Choose your words carefully." Hinihigit ko na yung kamay mo sakanya. Pero hinigpitan niya yung hawak niya at tumigil maglakad.

Hunarap siya sakin at humingang malalim. "Jane shunga ka ba o manhid ka lang talaga?" He pinched the top of his nose after saying those words.

He looked at me with sincerity and saw my confused face. He cupped my face and said "Jane, matagal na kitang gusto. Nung una crush lang kita kaya sinubukan ko talaga magaral ng mabuti para lang maging kaklase ka. Pero simula nung nakilala kita at ibinahagi mo yung mundo mo sakin mas lalo kitang nagustuhan. Akala ko nung una mawawala yun kasi close na tayo at hanggang kaibigan na lang magiging tingin ko sayo pero hindi e. Mas lalo kitang nagustuhan. Hindi na ata gusto e. Mahal na kita Jane. Kapag iniisip ko na mapupunta ka pa sa iba parang di ko kakayanin."

Nahalata niyang namula ako at nagulat. Hindi ako makasagot. Hindi din kasi ako aware sa feelings ko kung gusto ko nga ba talaga siya. Matigas kasi akong tao at minsan lang magpakita ng emosyon. Nakatulala lang ako sakanya ngayon at hindi ko pa din alam sasabihin ko.

 Nakatulala lang ako sakanya ngayon at hindi ko pa din alam sasabihin ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He's still cupping my face, broke the silence and sighed. "Hindi mo kailangan sumagot Jane. Alam kong hindi mo alam paano magreact sa ganito. Sana lang, hayaan mo akong iparamdam ko pagmamahal ko sayo. He kissed my forehead and intertwined his hands with mine. Nagpatuloy na ulit kaming maglakad papuntang school at hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko.

Tahimik lang ako at gulat pa rin sa nangyari. Hinatid na ako ni Jungkook sa klase ko dahil may Taekwando practice siya. Competition na kasi nila next week kaya lagi na sila nagttraining.

Tulala pa rin ako at di napansin yung mga sinasabi ni Jungkook. Nagulat na lang ako ng pinisil niya ng bahagya yung pisngi ko at hinawakan ko ang pisngi ko at tiningnan siya.

"Yah! Nakakapipi ba talaga yung sinabi ko? Kanina ka pa tulala." Ngumiti siya sakin at kinuha ang kamay ko. Binigyan ko lang siya ng awkward smile.

"Sabi ko kita na lang tayo mamaya sa lunch. Wag mo ako iiwasan ah." Inangat niya yung ulo ko at hinalikan ako bigla sa noo.


Nagulat nanaman ako at hinawakan ang noo ko. Pinisil niya ang pisngi ko at umalis. Ramdam na ramdam ko yung pagkapula ko. Pagalis ni Jungkook ay nakita ko bigla si Taehyung na nasa may locker at nakatingin sakin na parang gulat. Nagulat ako ng lumapit siya sakin.

"A-anong ginagawa mo dito? Diba college ka na?" Tanong ko sakanya.

"Boyfriend mo na yun?" Nagulat ako sa tanong niya. Ang tagal tagal akong di kinausap neto tas eto agad yung tanong. Chumichismis agad, hindi manlang ako tanungin kung kamusta na ba ako o si Halmeoni.

Inirapan ko lang siya at sumagot "anong pake
mo kung oo?" papasok na sana ako ng klase ng hinigit niya ako at niyakap patalikod.

"Edi masaya ako para sayo. Ikaw talaga Jane, ang sungit mo pa rin kahit kailan!" Ani niya habang kumakawala ako sa yakap niya.

"Jane?" May pamilyar na boses sa likod mo. Nagulat ka ng makita mo kung sino.

"J-jungkook?"

Pastel Skies. • Jungkook FFWhere stories live. Discover now