Chapter 3

8 0 0
                                    



TAEHYUNG'S POV

Nagising ako sa maingay ko na alarm. I growled and rolled in the bed sinubukan ko pa rin matulog kahit maingay yung alarm. Ayoko na pumasok. Magsusummer na din kasi kaya wala na masyadong professors na pumapasok at kadalasan puro clearance nalang pinapagawa. College na ako at sa Seoul University ako nagaaral, dito din ako nagdodorm.

"Yah! Magpatulog ka naman! 11 pa pasok ko!" Binato ako ng unan ng dorm mate ko, si Jimin.

Wala akong nagawa kundi patayin ang alarm
at bumangon na. Nagayos na ako papasok habang si Jimin tulog na tulog pa rin. Lagi kasi tong nasa college party eh. Kaya laging late nagigising buti na lang hapon pa mga pasok neto.

Naglakad na ako papuntang klase ko ng biglang may yumakap sakin na babaeng maliit at pamilyar.

"Hyejin?" Humarap ako sakanya pero nakayakap pa rin siya sakin. Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sakin para makita ko siya ng maayos.

"Namiss kita taetae." Ngumiti siya ng kaunti sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Kita sa mukha ko ang pagtataka.

"Dito din ako nagaaral, pero dun pa ako sa may Architecture building kaya hindi ako napupunta dito. Ngayon lang kasi may pinaasikaso yung prof ko. Buti nakita kita, matagal na rin kitang hinahanap e." Hinawakan niya ang kamay ko ngunit kinuha ko rin to agad.

"Galit ka pa rin ba sakin?" Halata sa mukha niya ang pagkalungkot.

"Hindi na lang siguro ako sanay na makasama ka." Sagot ko, hindi na din kasi kami nagkasama neto. Pinili kong di siya samahan dahil nagbago ang ugali niya. Sakin hindi, pero kay Jane oo.

*flashback

Nagbbike ako dito sa may subdivision namin, nung pauwi na ako napansin kong may malaking truck malapit sa bahay namin. Mukhang may bagong lipat ata, lumapit ako ng kaunti para tingnan yun.

May batang babae na mukhang kaedad ko ang lumabas sa sasakyan. Nakita niya ako at ngumiti, lumapit siya sakin habang tumatalon talon hawak ang teddy bear niya.

"Hi! Ako si Hyejin, ikaw ano pangalan mo?" Bati niya sakin na may kasamang malawak na ngiti.

"T-Taehyung." Ani ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at kinuha ang kamay ko nabitawan ko tuloy yung bike. Hinila niya ako papunta sa mga magulang niya.

"Umma! Appa! I have a new friend already! He's name is Taehyung." She smiled widely. Naramdaman ko na makulit tong batang to at ramdam ko na may pagkaclingy.

Nagbow ako sakanila. Wala naman akong choice pinakilala niya na ako. "Aigooo. Annyeong Taehyung-ssi." Humarap sakin ang matangkad na babae at ginulo ang buhok ko. Nginitian ko lang siya ng awkward smile.

"Saan ang bahay niyo?" Itinuro ko ito. Halos tapat lang rin ng bahay namin yung titirahan nila.

"Malapit lang pala. Mukhang magkakaron talaga ng kalaro ang Hyejin namin. Gusto mo ba ng cookies? Magbabake ako para sainyo." Ani niya.

"Hindi na po. Uuwi na rin po ako baka hinahanap na ako samin." Nagbow na ako at umalis. Pero hinigit ako ni Hyejin at pumunta sa harap ko.

"Laro tayo mamaya ha?" Ngiti niya sakin.

Nginitian ko na lang siya at tumungo na sa bike ko at umuwi. Ramdam kong kumulitin ako neto hangga't diyan siya nakatira.

——————————————

Naglalaro ako ng video games ng biglang may nagdoorbell. Bigla na lang sumigaw ang mama ko at tinatawag ang pangalan ko.

"Taetae! May naghahanap sayo!" Sigaw niya.

Pastel Skies. • Jungkook FFWhere stories live. Discover now