Chapter 7: Friends? or Frenemies?

20 2 0
                                    

ROMEO's POV

"Ano ka ngayon pitbull? naunahan ka, pacool-cool ka lang kasi dyan eh" -Miel

"Ou nga pre, Kalimutan mo na kasi si Ky─"

"Ano ba naman yan pards! Wag ka nga!"

Nandito kami sa Dance Studio naming magbabarkada, Pinagawa to ni Vince, para daw may tambayan kami , at minsan dito na kami natutulog pag late na kami makakauwi for some reasons

"Bastos mo naman bro di ko pa natatapos yung sasabihin ko tapos bigla bigla kang sisingit ."- Tony, sabay kagat ng apple.

Tinignan ko nalang siya ng masama at pumunta sa kwarto ko.

Haaaay ano ba tong nararamdaman ko kay bulaklak. Kaya nga kita inaaway para mawala yung feelings ko eh. pero bakit parang palapit ng palapit? nakakainis! Baliktad naman ohhh

Nakakainis, parang nahuhulog na naman ako. Ano ba gagawin ko? Kung itutuloy ko tong nararamdaman ko parang pinagtataksilan ko yung bestfriend ko, ang sama ko naman kasi kung ganun.

Nakakainis makatulog nga muna

────────────

DAIN 's POV

Kamusta na kaya yung baliw na yun? mahigit ilang buwan na rin siyang hindi nagpaparamdaman sakin. HUHUHU T^T

Nandito ako ngayon sa Fields, pano breaktime. Wala naman akong gana kumain at gusto ko lang mapagisa kaya ayun

Eto na naman ako sa kaka-assume asar naman oh.

Eh alam ko naman na si Rossie ang gusto niya at hindi ako. Ano na naman ba tong nararamdaman ko? feeling ko anytime maluluha nako. Tapos itong si Rossie, Super manhid! Maski nga dati si Chris alam na may gusto sakanya yun eh tapos siya di alam? Hay nako bestfriend, bukod sa pagiging Manhid mo ano pa mga talent mo?

Humiga ako sa damuhan at unti-onting pinagmamasdan yung langit sana ganito nalang yung buhay no? Kasing payapa ng langit, Umuulan pag nahihirapan, Umiinit pag nagagalit, at umaaliwalas pag masaya, Atleast sa ganun paraan masasabi mo yung nararamdaman mo. Sana langit nalang ako.

Pinikit ko yung mata ko, mamaya biglang may tumama na something sa ulo ko.

Shemaaaaay, Ang sakit T_T

Bumangon ako nilingon ko kung sinong nagbato ng bola, aray ang sakit talaga.

Nakita ko si Kapre na palapit , kaya napakunot yung noo ko.

Ano na naman ba problema netong kapre na to?

"Tanga-tanga kasi eh! Di umilag. Yan tuloy tinamaan, Akin na nga yang bol─A..ray! sakit nun! Amazona ka talagang babae ka!" Pano pinaghahampas ko ng pamaypay na dala ko bwiset to!

"Ano na naman ba problema mo? Grrrr! Nanggigil na ko sa muka mo! Makaalis na nga!" tinarayan ko siya at tuloy tuloy sa paglakad.

Bwiset na kapre yun! Tae siya may araw din siya saakin

Bumalik ako sa classroom para kunin yung bag ko nang mapansin kong may nakapatong na tatlong Yellow Roses at isang envelope sa desk ni Rossie, kanino kaya galing to?

May nakalagay na sticker paper sa bawat rose at may nakalagay na I LOVE YOU sa bawat flower .

Di ko na binuksan yung envelope , duuuuh! di akin yun, pero for sure papakita saken yun later si sissy .

Nashock ako shemayyy! sino na namang kupido ang nagpatama sa lalaking yun at may balak sa bestfriend ko? Sana pogi meeeeeh hahahahaha ^ landi lourdsxz

This I Promise You(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon