Ilang araw na ang nakalipas. Naging busy sila Gab at Tristan sa kanila-kanilang buhay, si Gab busy sa pagpapatakbo ng kanilang companya kaya nagttraining siya, si Tristan naman ay busy sa studio dahil may trabaho silang nirurush.
Wala silang kontak ng ilang araw. Miss na miss nila ang isat’isa kung pwede lang na lakbayin ni Tristan ang Amerika ay ginawa niya na ngunit nagiipon pa siya para dito. Sosorpresahin niya si Gabrielle.
Tinour ni Alexander si Gab sa different departments ng companya para maging familiar siya at kaunting orientation at agad namang nagets ni Gab lahat ng pinagsasabi ni Alexander sa kanya.
“This is your working table Ms. Montecarlo, I’ll be right here beside you if you have any questions call me nalang.” Alexander said while smiling at him.
Naweweirduhan si Gab kay Alexander kung bakit ngiti ng ngiti ito sakanya. Nakaglue ba ang bibig niya hanggang tenga kaya di maalis ang ngiti tanung niya sa sarili niya.
“ok Thanks Alex”. Sabi niya at nagsmile na din siya. Wala namang mawawala kung ngingiti din ako, ang isip niya sa sarili niya.
“uhm , Gabrielle, naglunch ka na ba?” tanung ni Alex sakin.
“Hindi pa. pero mamaya na lang siguro ang dai mo kasing pinapagawa sakin eh”.
“Ganun ? ako pa ata ang dahlia ng pagkakaroon ng ulcer mo.” Sabi niya sabay kaming nagtawanan.
“sige na Gabrielle, My treat”.
Nagisip sandali si Gab, Naalala niya kasi si Tristan feeling niya pinagtataksilan niya si Tristan kung sasama siya dito.
“Ano kaen tayo?” sabi ni Alexander.
“Uhm ano…. Ahh di pa talaga ko gutom, mauna ka na Alex.” Sabi ni Gab. Nang mayroon silang narinig na kakaibang tunog.
“Hindi pala gutom ah. Eh anong tumutunog diyan sa tyan mo? Alarm clock? Nagwawala na ung mga sawa mo. Kumaen na tayo” at yun sabay silang tumawa kahit hiyang hiya si Gab sa pangyayari.
“osge na nga kaen na tayo tapos balik din tayo agad kasi ang dami ko pang tatapusin.”
----
Bumalik sila sa opisina. Maraming ginawang paperworks si Gab at di nya namalayan ang oras. Gabi na pala at isa-isang nagaalisan ang mga tao sa opisina. Pagod na pagod siya at nakaramdam ng antok, nasabi niya sa sarili na hindi naman masamang umidlip muna dahil tapos na naman ang office hours.
Nakatulog siya, at sa pagtulog niya muling bumisita ang isang taong di niya inaasahan.
Ang lalaki sa kanyang panaginip.
Napanaginipan niya nanaman ito. Ngunit ngayon hindi nalang basta ngiti ang binibitawan ng lalaki sa kanya. Sa wakas mayroon na ding salitang namutawi sa kanyang mga labi.
“Gabrielle nagkita na ulit tayo, Nagbunga na ang paghihintay ko. Lagi kitang babantayan. Magiingat ka Mahal na mahal kita.”
Napakunot ng noo si Gab. Takang-taka ito kung bakit sinabi iyon ng lalaking nasa panaginip niya. Hinaplos niya ang pisngi ni Gab at dahan dahang yumuko para halikan ito. Ngunit sa pagpikit ni Gabrielle ay kasabay din ng paglaho ng lalaki.
Napahilamos ng mukha si Gab. Takang taka siya bakit ganun nalang ang pagpayag niya na magpahalik ditto at pagkadismaya dahil bigla itong naglaho na parang bula.
Naalala niya bigla si Tristan at biglang napabalikwas. Nagulat siya dahil may patak ng luha sa kanyang mga mata. Nagtaka ito habang pinapahid niya ang kanyang luha .
Kasabay ng pagpahid ng kanyang luha ay nakita niya si Alexander sa harapan niya at mukhang gulat na gulat. Naluluha itong tumayo at umalis.
Napapikit si Gab. Naguguluhan. Bakit ganun ang ikinikilos ng kanyang katrabaho ? “Anong dahilan Alexander?” Napatanong siya sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
MRG 2: If We Fall In Love
Short StoryGabrielle loves him. Tristan loves her. She went in the other country, will their love will last long even if their million miles away from each other?