Chapter 16

897 44 4
                                    

"THIS GOES OUT TO THE LADY who holds my heart," ani Jeremy. Seryoso ang mukha ng lalaki at kahit may kalayuan ang distansya niya ay napansin niya ang panlalalim ng mga mata nito.

Nakagat ni Karina ang labi. Nakaramdam siya ng takot at ayaw man niyang aminin, ibayong sakit. Hindi siya sigurado kung para sa kanya ang kanta o baka para kay Bambie.

Gusto niyang makausap si Jeremy pero naunahan pa rin siya ng hiya. Hindi rin niya alam kung paano uumpisahan ang pagkausap sa lalaki. Nag-ipon pa siya ng lakas ng loob kaya huli na siyang nakarating doon. Malapit nang mag-umpisa ang set.

Pero ang plano niyang paglapit kay Jeremy ay natigil nang makitang kausap nito si Bambie. Seryoso ang dalawa sa pag-uusap, makailang ulit na tinapik ni Bambie si Jeremy sa balikat na para bang ini-encoutage nito ang lalaki. Bago tuluyang maghiwalay ang dalawa ay niyapos pa ni Bambie si Jeremy at tinapik sa likod.

Hindi niya natagalan ang sakit na gumuhit sa dibdib kaya tumalikod na lang si Karina at humanap ng pwesto sa isang sulok ng bar. Pagbaling niya sa stage ay si Justine na ang kausap ni Bambie habang si Jeremy ay paakyat na sa stage.

Nagkasya na lang siya sa pagtitig sa binata sa isang sulok ng bar. Iniisip pa rin niya kung kakausapin pa ba niya si Jeremy. Kung sakali, ano ang sasabihin niya? Bumuntong-hininga si Karina, kinawayan ang isang staff of umorder ng maiinom.

"When I look into your eyes, it's like watching the night's sky or a beautiful sunrise, there's so much they hold...."

Huminga nang malalim si Karina. Her heart is beating fast. Kung kanina habang papunta siya rito ay sigurado siya kung ano na ang sasabihin kay Jeremy, ngayon ay hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang lapitan man lang ang binata.

Nahigit ni Karina ang hininga nang magtama ang mga mata nila ni Jeremy. Mula sa pagiging seryoso ay bigla itong ngumiti, hindi na nito ihiniwalay ang paningin sa kanya. Ngunit kahit nakangiti ang binata, kita niya ang pinagsamang takot at lungkot sa mga mata nito.

Huminga ng malalim si Karina. Gagawin niya ang lahat para mapawi ang lungkot na iyon. Pero kasabay noon ay ang pagbalot ng alinlangan sa puso niya.

Mahal niya si Jeremy.

She's more than hundred percent sure. Naguluhan lang siya dahil matagal niyang pinangarap na bumalik si Carlos. Pero ngayon, sigurado na siya, si Jeremy ang mahal niya.

Pumatak ang luha ni Karina. Guilt starts to eat her heart.

Ginawa nito ang lahat para lang ipakita sa kanya kung gaano siya nito kamahal, pero nagawa pa rin niya itong saktan. Bigla siyang nag-alangan kung karapat-dapat ba siya sa lalaki. Kung sasapat ba ang pagmamahal na nararamdaman niya para masuklian ang uri ng pagmamahal ni Jeremy para sa kanya.

Nilingon nito ang mga kabanda, tumigil ito sa pagtugtong ng lead guitar at may isinenyas sa staff sa tagiliran ng stage. Maya-maya'y inabutan ito ng cordless mike. Lumakad si Jeremy pababa ng stage, palapit sa kanya. Hindi halos makahinga si Karina sa antisipasyon.

Ngumiti ito, inabot ang kanyang mukha at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi, "I won't give up on us, even if the skies get rough, I'm giving you all my love, I'm still looking up."

And there, in his eyes, his over-flowing love and the promise that he will take her. That he accepts her for who she is, broken, scarred and all. He will take whatever she is willing to give.

Fresh waves of tears fall on her eyes.
Kahit nanginginig ang tuhod ay nagawa pa ring tumayo ni Karina. Kumapit siya sa nakalahad na kamay ni Jeremy at kahit nanginginig ng boses ay nagawa pa ring magsalita, "Thank you for everything."

"What took you so long to see me?" anito, bakas pa rin ang takot sa mga mata.

Nagkibit-balikat si Karina. She can't speak. She can't trust her voice.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" ani Jeremy. Uncertainty and fear in his eyes.

Huminga nang malalim si Karina. Kinuha ang gitarang nakapatong sa lamesa at lumakad papunta sa stage. Pagdating doon ay binulungan ang mga kabanda ni Jeremy, na tumango at napangiti dahil sa sinabi niya.

"Hi guys! You are probably wondering, who I am and why am I here infront of you. I am Karina Brielle. Please indulge me. I need to do this for the most wonderful man I have ever known," ani Karina. Nginitian niya ang mga parokyano na halata ang pagtataka sa mga mukha.

Tiningnan niya si Jeremy na nanatili sa tapat ng lamesa. Kung nagtataka ang mga parokyano, doble noon ang nakarehistro sa mukha ng lalaki.

"Noo'y umibig na ako, subalit nasaktan ang puso. Parang ayoko nang umibig pang muli. May takot na nadarama na muli ay maranasan, ayoko nang masaktan muli ang puso ko. Ngunit nang ikaw ay makilala biglang nagbago ang nadarama."

The uncertainty and fear in Jeremy's face evaporated. Lumakad itong palapit sa entablado. Ang saya ay hindi maitago sa mukha.

Pumatak muli ang mga luha ni Karina. She is singing her hearts out. Pouring her soul and all her emotions to this song that perfectly encapsulate what she is feeling towards the wonderful man now standing infront of her.

"Para sa'yo ako'y iibig pang muli. Dahil sa'yo ako'y iibig nang muli. Ang aking puso'y pag-ingatan mo, dahil sa ito'y muling magmamahal sa'yo. Para lang sa'yo...."

Ngumiti si Jeremy, pinahid ang mga luha niya. At hindi inasahan ni Karina ang kasunod na ginawa ng lalaki. Hinapit siya nito sa baywang at sa harap ng lahat ay walang babalang pinaglapat ang kanilang mga labi.

Muling naglandas ang mga luha ni Karina. Happiness and sweet tingling sensation suddenly filled her body. Tumigil siya sa paggigitara at iniyapos niya ang isang braso sa leeg ni Jeremy at tinugon ang mga halik nito.

The bar was filled will cheers and whistles while other members of the band and other customers join in and finish the song she failed to continue. Karina hears nothing, only the fast beating of her heart and the warmth that his kisses bring.

The Rightful Mr. Right (PUBLISHED @ EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon