By Chance: Chapter I

309 2 0
                                    

Chapter I




"Aw, shit! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Angil kay Jam ng isang customer.

Tiningnan nya ito, maganda ito, maputi, nakalugay ang wavy at mahabang buhok nito. Kasingtangkad lang nya marahil ito, minus those heels, nasa 5'4 ito, at tantiya nyang kaedad nya rin lang ito.

Nandoon sila sa pag aari nyang restaurant, ang Jam's House. Isang taon pa lamang yun sa business industry. Naitayo nya yun sa tulong ng mga magulang nya na pinahiram sya ng capital sa pagtatayo ng restaurant na ito. Iyon ang naisipan nyang gawing business dahil na rin sa natapos nyang kurso, ang Hotel and Restaurant Management. Sa ngayon ay naibalik na nya ang pinahiram na kapital ng mga magulang nya, pumatok kasi agad ang Jam's House.

Pasado alas-otso na nang gabi nang maisipan nyang lumabas sa opisina nya na nasa second floor ng restaurant. 6am-2pm and 4pm-12mn ang operating hours nila. Ngayon ay pasado alas otso na ng gabi. Nagmamasid masid sya sa restaurant ng bigla itong tumayo sa kinauupuan nito at nabangga sya ng mapadaan sya doon.

Dahil sya ang may-ari, nagpakahinahon syang harapin ang babae. "Im sorry ma'am." Hingi nya ng paumanhin dito at bahagyang niyuko ang ulo.

Tiningnan muna sya nito mula ulo hanggang paa, sabay sabing: "Empleyado ka ba dito?"

Bahagya ko itong nginitian. "No ma'am, im Jamaica Roman, the owner of this restaurant, and im sorry about what happen a while ago." Muling paghingi nya ng paumanhin dito. May mangilan ngilan ng napapatingin na customer sa kanila.

Iwinasiwas nito ang kamay. "Oh never mind what happen, and im sorry too for being rude, im just a little pissed off. By the way can i get my bill now?" Pagkasabi nun ay muling umupo ito.

"Right away ma'am." Agad nyang sagot saka umalis doon at nagpunta sa counter. "Beb, yung bill sa table 4, hinihingi na." Utos nya sa waitress na nakaabang doon.

"Ma'am nakita naming natarayan ka nung babaeng guest sa table 4 ah? Okay ka lang ba ma'am?" Tanong ng kanyang maître d' hotel (manager) na si Joanne. Nasa counter ito at may hawak na papel, batid nyang tsinicheck nito ang kanilang mga stocks na may bawas at paubos na. Tinanguan lamang nya ito.

"Badtrip po yata, kasi umalis yung lalaking kasama nya na baka boyfriend nya. Nag away yata sila." Komento pa nito.

"Ikaw talaga Joanne, wag mo nang pansinin ang mga customer, personal issues na nila yun." Saway nya dito.

"Di maiwasan ma'am eh." Katwiran nito.

Napailing sya. "Oh sya, kung ano man yang ginagawa mo, ituloy mo na, kung ano man ang problema dito, nasa office lang ako, okay?" Bilin nya dito.

Tumango ito. Iyon lang at bumalik na sya sa office nya.

****

Ilang sandali pa lamang syang nananatili sa loob ng office nya ng may sumulpot sa pinto. Alam na nya kung sino yun o kung sino ang mga yun.

"Miss Jamaica Roman, nag dinner ka na ba ha?" Bungad ng isang baritonong boses.

"Baka nakalimutan na naman nyan nagdinner dahil as usual busy-busyhan na naman yang masipag mong kaibigan." Sabad ng isa pa nyang kaibigan.

Sina Emerald at Ray yun. This two was and still her bestfriend since childhood. Magkakalapit lang naman ang bahay nila sa isang subdivision. Syempre nagkakilala sila sa isang day care center na nasa loob lang din ng subdivision na yun. Nagclick silang tatlo kaya magmula noon ay naging magkaibigan na sila. Lagi na din silang magkakasama nang mag aral na sila sa elementarya at high school. Hindi man palaging nasa iisang section ay hindi nabawasan ang closeness nila na parang magkakapatid.

By Chance (You and I) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon