Chapter IV
Palabas na si Jam sa ballroom ng hotel para mag CR ng biglang may bumangga sa kanya at natapunan ng dalang inumin nito.
"Sorry miss di kita napansin." Anito at papagpagin sana nito ang damit nyang natapunan pero pinigilan niya ito. Sa may dibdib nya kasi natapon ang inumin.
"Ako nalang." Aniya saka nag angat ng paningin. Nagulat siya ng makitang si Wind iyon. Nagulat din ito ng makilala siya.
"Jam. Ikaw pala. Naku sorry talaga, nabasa tuloy yang damit mo." Hinging paumanhin nito.
"Okay lang. Matutuyo din naman to." Sabi niya nalang. Pinupunasan nya iyon ng dala niyang panyo. Mabuti nalang at black yung dress nya kaya hindi kita yung kulay ng kung ano man ang natapon doon.
"Matagal pa yang matutuyo. You'll feel uncomfortable and its my fault. Come. Go with me." Anito at hinatak sya palabas.
"T-teka Wind. S-saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong niya.
"Sa hotel room ko. Patutuyuin natin yang damit mo." Sagot nito.
Nanlaki ang mata nya. 'What? H-hotel room?' Bigla syang nag panic.
"W-wag na Wind. A-ayos lang ako. Swear." Natatarantang sabi niya at pinipilit pigilan si Wind sa paglalakad pero ayaw paawat nito. Hindi naman sya nakakaladkad pero di naman niya mapigil ang hindi lumakad at sumunod dito. Hawak hawak kasi nito ang kamay niya.
Huminto lang sila sa harap ng elevator. "For me its not. Just let me, okay? I dont want you to feel uncomfortable."
Bumukas ang elevator at pumasok sila doon. Sila lang ang laman noon kaya ito na ang pumindot ng floor number kung saan man naroon ang kwarto nito. Wala na kaming naging imikan ngunit nanatiling hawak nito ang kamay niya. Gustuhin man nyang bawiin ay mukhang wala itong balak na bitawan iyon kaya hinayaan nalang niya. At isa pa, she was loving the feeling.
Nang marating ang palapag na kinaroroonan ng silid nito ay lumabas sila. Naglakad sila hanggang sa marating ang silid nito. Binuksan nito yun gamit ang key card at pumasok sila. Inilagay nito ang card sa parang lalagyan nun at automatic na umilaw ang buong kwarto at lumamig ang paligid. Noon nya lang naramdaman ang lamig sa nabasang damit. Mas malamig doon sa kwarto nito kumpara doon labas at sa ballroom ng hotel.
Pinaupo sya ni Wind sa sofa na naroroon at dumiretso ito sa side table sa tabi ng kama at tumawag ito sa telepono. Malamang ang housekeeping department.
Pagkatapos ng tawag ay lumapit na ito sa kanya. "Tinawagan ko na ang HK may pupunta dito para kunin yang damit mo para patuyuin. Kukuha lang ako ng malinis na damit ko para pansamantalang isuot mo." Sabi nito.
"O-okay." Tanging nasabi nya.
Nagtungo ito sa isang closet ay may kinuha doon. Nang makakuha ay muli itong bumalik at may inabot sa kanya na isang puting tshirt at pajama bottom.
"Magpalit ka muna Jam baka dumating na yung taga HK para kunin yung damit mo."
"Salamat." Aniya at kinuha ang mga inabot nito. Nagtungo sya sa bathroom. Hinubad nya ang damit at pinalitan yun nung ibinigay ni Wind. Masyadong malaki ang t-shirt at pajama bottom sa kanya, nagmukha syang hanger pero ayos na din iyon kaysa kanina na malamig sa parte'ng nabasa.
Saktong paglabas nya ay may nagdoorbell sa silid ni Wind. Binuksan nito iyon at bumungad dito ang hotel staff. Iniabot ko yun kay Wind na iniabot din nito sa babaeng hotel staff.
"Pakibalik agad as soon as possible okay?" Bilin nito bago umalis yung staff.
Muli nang isinara ni Wind ang pinto. Nakaupo siya sa sofa at medyo naiilang na napasuot sya ng damit nito ng di oras. Naiilang din sya dahil silang dalawa lang ang nandoon. Sanay naman sya na may nakakasamang lalaki dahil may kapatid syang lalaki at kaibigan na lalaki. Pero bakit kay Wind ay nakakailang?
BINABASA MO ANG
By Chance (You and I) [Completed]
General Fiction[Completed] Jam was already a successful business woman at a young age. She is still single and didn't complain about it. Then nakilala nya si Wind na noong una pa lang ay pinagkamalan syang carnapper dahil lang sa pagtambay nya malapit sa kotse nit...